No One

55 5 1
                                    

"Hoy si Arlan!!!" Bulalas halos ng lahat.

Nagsisimula na silang magpanic. Kinakabahan sila sa maaaring mangyari sa kanilang kaklase. Paano kung patayin siya? Paano kung totoo ang banta ni Marianne? Hindi puwedeng wala silang dapat na gawin!

"Anong gagawin natin?" Tanong ng napapraning na Kyla.

"Saan daw?" Tanong pabalik ni Ela.

"Sa Forever!" Sagot ni Merlaine.

"Forever?" Gulat na usal ni Janrez. "Anong gagawin nila doon?" Kunot noo niyang tanong.

"Baka ililibing ng buhay si Arlan!" Konklusyon ni Rica.

"Hala... huwag naman sana." Umaasang sabi ni Daniel.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Jezelle.

"Ytche, try mo ngang i-check ang ground." Utos ni Luise. "'Di ba kaya mong kontrolin ang lupa?"

"Oo." Anito. Bumaba ng lebel ang kaniyang katawan para mahawakan ang lupa. She checked it pero wala naman siyang maramdaman na kahit ano. Not even the energy of Marianne.

"Wala!" Reklamo niya. Naiiyak na siya sa nangyayari.

"Ano? Imposible!" Si Angelika.

"Kaya 'yan." Si Jezelle. "Shane, check the wind. Alam kong ginagamit nila ang teleportation."

"Try ko." Sagot ni Shane saka tinaas ang palad at pumikit. Umihip ang hangin. At hindi nga nagkamali si Jezelle. She can feel Marianne's energy in the wind. Ibig sabihin, they are using the teleportation. "Positive." Aniya nang nagbukas ng mata saka binaba ang kamay. "In any moment, dadating sila sa sementeryo."

"Oh, god!" Nicah exclaimed. "Anong gagawin natin ngayon?"

"Edi puntahan natin sila." Sagot ni Ayessa.

"Paano kung mapapahamak tayo roon?" Merlaine hypothesized.

"Kaya nga. Saka baka marami sila." Dagdag ni Ela at napatingin sa kaibigan.

"May mga kapangyarihan naman tayo. Just use it wisely." Kalmadong wika ni Jezelle.

"Kahit na." Agap ni Glaiza. "Mas malakas ang hukbo ni Marianne. 'Di natin sila kakayanin."

"Paano na 'yan?" Nag-aalalang usal ni Via.

"Guys... listen." Huminga ng malalim si Micha. Mataman naman siyang pinanood ng lahat. Handa na silang makinig. "All we need is cooperation. 'Di ba Ametista tayo? Ang Ametista ay hindi basta basta nagpapatalo. 'Di tayo basta basta umuurong sa laban. Kaya natin 'to. We are a family. Family helps each other."

"Tama!" Sang-ayon ni Junelle.

"Oo tama." Segunda ni Abrielle.

"So anong plano? May naisip ka na ba?" Tanong ni Kyla na ngayo'y bahagyang magkasalubong ang mga kilay.

"Wala." Bigo tugon ni Micha. "Pero ganito nalang. Magtulong-tulungan nalang tayo. Kagaya nga ng sabi ko, cooperation. Iyon lang. Saka of course, kailangan nating gamitin ang ating mga utak. Kailangang iwasan ang magsalita lalo na kung alam mong makakapahamak ka lang."

"Copied." Si Angelika.

"Copied." Si Rica ni Rychelle.

"Copied." Sabay sabay nilang sabi.

"Kung ano man ang mangyari sa atin, always remember na mahal na mahal ko kayo guys!" Madramang sabi ni Kyla na ngayo'y namumula ang mukha, maging ang mga mata. "Kahit na feeling ko ay hindi kaibigan ang turing niyo sa akin."

"I love you, guys." Sabi ni Merlaine na ngayo'y umiiyak.

"Group hug!" Sabay sabay nilang sabi at nagyakapan sabay iyak. Their hearts are breaking. Hindi lang dahil nasasaktan sila kung 'di dahil na rin sa nag-uumapaw na galak sa kanilang mga puso. Minsan lang silang ganito. Minsan lang sila nagkakasundo dahil lagi nalang nag-aaway. Keso ganito, ganyan. Hindi dapat ganito at kung ano ano pa.

Aminado silang may pagkakataon na ayaw nila sa isa't isa. Na suko na sila. Na ayaw na nilang maging parte ng Pamilyang Ametista. Lagi nalang kasing nag-aaway kahit sa simpleng bagay. Gusto laging may namumuno at nasusunod. At iyong labag ang loob sa ganiyang bagay ay marami pang pinagsasabi hanggang sa lumaki ang problema. Kaya ang hantungan ay hidwaan dahil para saan pa ang tinatawag na "pamilya" kung hindi nagkakasundo?

Hinanda na nila ang kanilang mga sarili. Handang handa na silang makipaglaban. This battle is between life and death. At wala na silang pakialam kung buhay man nila ang kapalit, maging maayos lang ang lahat.

"Okay na ba kayo?" Tanong ni Jezelle na ngayo'y kalahating apoy, kalahating yelo.

Si Jezelle ang naatasang mamuno sa hukbong Ametista. Tutal siya naman ang sanay sa pakikipag-away. At naniniwala ang lahat na magaling siyang pinuno. At kagaya nga ng sinabi ni Micha kanina, cooperation is all they need. Samahan na rin ang utak.

"Handa na kami." Sabi ng grupo ni Kyla na ngayo'y nakasuot ng black tight leather suit.

"Kami rin." Korong sagot ng Memorable na ngayo'y kaniya kaniyang dala ng mga sandata. Pana, espada, sibat at iba pang matatalas na kagamitang pandigma.

"Ready!" Si Merlaine at Michaela na ngayo'y nakatali ang buhok. Suot suot nila'y skin tone tight leather suit.

"Okay na rin kami." Sagot ng natitirang Ametista.

"Kung ganoon, ano pang hinihintay natin?"

"Nasaan pala ang mga lalaki?" Kunot noong tanong ni Abrielle na ngayo'y may yellow sapphire na kwintas.

Napatingin sila sa isa't isa sa naguguluhang mukha. Oo nga. Nasaan ang mga lalaking Ametista? Bakit wala sila ngayon? Kung kailan may laban, saka pa nawala?

"Kanina ko pa sila hindi napapansin." Komento ni Nicah na ngayo'y may brilyanteng pula sa noo. Malinis na nakatali ang kaniyang buhok. Kulay pula ang kaniyang suot na tight leather suit at mayroon siyang hawak na improvised weapon. Sa unang tingin, aakalain mong simpleng kutsilyo lang siya pero kaya nitong mag-iba ng anyo kagaya ng pana.

"Kaya nga, e." Si Shane na ngayo'y kulay ulap ang suot na suit. Her earings are sky blue as well as her eyes. Her mermaid waist length hair is perfectly braided in waterfalls with few blue zircons on it. She looks like a goddess of air which is partially true since she owns the air energy.

"'Di kaya..." si Trixie na ngayo'y balot sa bakal ang katawan. She's got that metal energy. "Nahuli rin ni Marianne?"

Their breathing hobbled. Na naman? Sino sino pa ang nasa kamay ni Marianne ngayon? Sino sino ang isusunod hanggang sa maubos na sila?

"No..." nanghihinang usal ni Jezelle. "It can't be."

Naninimdim ang lahat. Pero bago pa man bumagsak ang kanilang pag-asa ay humugot sila ng lakas ng loob mula sa isa't isa. No one can drag Amethyst down. No one can tower over them. Not in their fat arses. Matibay pa rin sila. They believe na sa bandang huli, magtatagumpay sila sa labanang ito. They have each other. They have Heaven's side. Whom shall they fear?

The Chronicles of Ametista (Part 1)Where stories live. Discover now