Black Sheep

389 13 8
                                    

Matapos ang kanilang klase ay napagdesisyunan ng Ametista na mamasyal sa Unitop para makapaglibang. Noong Grade 9 sila ay may nakita silang mahiwagang bilog na may angles and tangents. At dahil magaling si Rica sa pag-solve ng problema sa Matimatika, nabuksan ang isang kahon na naglalaman ng katanungan.

"Who is the father of Geometry?"

Iyon ang unang tanong para sa unang araw ng kanilang pagiging grade nine.

"Wait lang, guys!" Pigil ni Janrez kasabay ng pagtaas niya ng kamay. Nasa gilid sila ng kalsada na sa tapat lang ng isang mall. Ang buong Ametista ay napabaling sa kaniya. "'Di ba last year may tanong dito na 'who is the father of geometry?' Baka sa susunod, who is the father of calculus." Aniya sabay tawa mag-isa. Ang Ametista ay nakatunganga lang sa kaniya. Nang napagtanto niyang awkard na ang sitwasyon ay sumeryoso na siya.

"Wait..." sabi ni Arlan saka pumagitna sa kanilang lahat. Tumingala siya sa kabuuan ng mall. Inangat niya ang kaniyang palad at may iginuhit sa kawalan. Sa sandali pa ay may bumalandra sa kanilang harap. Isang hologram na kulay green. Nakabalandra doon ang blue print ng mall. He typed something at mabilis namang nagrespond ang hologram. Pinakita rito ang kakaibang enerhiya sa loob ng mall.

"Anong meron?" Takhang tanong ni Rica.

"Shsh." Saway ni Arlan. Mataman niyang pinag-aaralan ang kaniyang hologram.

Naging tahimik ang Ametista. Lahat ay kuryoso puwera kay Marianne na ngayo'y nababagot na sa nangyayari. Umitim ang kaniyang mata, kasabay ng pag-itim ng hologram.

Arlan gasped when the green turned to black. Saglit lang iyon. Bumalik sa normal na kulay ang mata ni Marianne, ganoon din ang kulay ng hologram.

"Bakit?" Takhang tanong ni Angelika.

"W-wala..." kinakabahang sagot ni Arlan. Naglihis siya ng tingin sa kaniyang mga kaklase. Doble ang tahip ng kaniyang puso. Nakaramdam siya ng kakaibang enerhiya.

"Ano na? Tagal pa ba?" Inip na tanong ni Russel. "Ang init init, e." Dagdag nito.

"Maghintay ka nga." Masungit na sabi ni Quennie sabay irap.

Tumahimik si Arlan. Alam niyang may nagbago sa kaniyang hologram. Kanina ay may na-detect siyang blue light, ibig sabihin ay nandoon ang kakaibang enerhiya. At nang bumalik sa normal ang kaniyang kapangyarihan, naging itim ang ilaw at hindi na ito kagaya ng dating puwesto.

Marianne crossed her arms in front. She rolled her eyes as she clenched her jaw tight. Nababagot na siya sa mga nangyayari.

"Marianne..." sambit ni Luise kasabay ng paghawak nito sa braso ng kaklase.

"Fucking stop controlling my mind." Agap ni Marianne sa isip ni Luise.

Mind control. Iyon ang natatanging kapangyarihan ni Luise. Kapag hahawakan niya ang isang tao, may posibilidad na makontrol niya ang isip ng tao.

"Hindi, a!" Kaagad na depensa ni Luise sa sarili. Umirap si Marianne. Maya maya ay napaatras si Luise dahil sa kapangyarihang taglay ng babae. Ito ay tinatawag na telekinesis; ang kapangyarihang magpagalaw ng kung ano. Hindi lang siya ang may taglay nito. Maging si Kyla.

"Black sheep." Bulong ni Luise na narinig ni Marianne. Nanatili namang masama ang tingin ng dalaga sa kawalan.

"Ano na?" Bulalas ni Russel.

"Tara na kaya sa loob?" Suhestiyon ni Michaela.

"Kaya nga. Ang init init, oh?" Segunda ni Merlaine.

"Ano ba kasing nangyayari? Ba't nandito pa rin tayo?" Tanong ni Janrez na ngayo'y naguguluhan ng husto.

Anong meron? Bakit biglang nawala sa ulirat si Arlan?

"Ewan ko kay Arlan." Si Glaiza.

"Tara na, aba!" Bulalas ni Russel at naunang humakbang.

"Wait lang, Russel!" Pigil ni Daniel. "Maghintay ka muna. Napakaano mo, ah?"

"Flip." Turan ni Jonas sa kaniyang mga barkada.

"Bida bida na naman si Russel." Si Lars sa mga kaibigan niya pero nakatingin kay Russel.

"Tama na 'yan. Wala kayong mapapala sa paggaganiyan ganiyan niyo." Si Rychelle.

"Nawala kasi 'yong blue energy." Si Arlan kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat. "Na-detect ko na 'yon, eh. Biglang nagblack out tapos nawala na 'yong blue energy."

"You mean may nagmanipulate sa hologram mo?" Tanong ni Jezelle. Pasimple siyang tumingin kay Marianne. Natunugan naman iyon ng kaniyang kaklase kaya nilipat ni Marianne ang tingin niya kay Jezelle. Kung literal na matalim ang mata ni Marianne, natusok na ang mata ni Jezelle.

Bumaling muli si Jezelle kay Arlan na ngayo'y kinakalikot ang kaniyang hologram. Ang kaniyang mata'y naging emerald green.

"Baka. Pero 'di ako sure kung sino." Si Arlan. Lahat, maliban kay Marianne, ay nakatingin kay Arlan, pinagmamasdan ang mukha ng kaklase. Samantalang si Marianne ay nanatiling kalmado. Lingid sa kaalalaman nila na may nakapasok na vuris sa hologram ni Arlan. At walang ibang nagmamay-ari noon kundi si Marianne lang.

Vuris ay tawag sa elementong pumapasok sa mga kompyuter para sirain ang lahat ng impormasyon dito. Pero bago pa man nasakop ng vuris ang hologram ni Arlan ay natigil na ang function nito dahil sa pagformat ni Arlan sa kaniyang hologram. Bumuntong hininga si Arlan at napangiti, tila nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Okay na! Nakita ko na ulit ang blue energy." Masayang balita ni Arlan sa kaniyang mga kaklase. Lahat, maliban muli kay Marianne, ay masaya. Marianne, on the other hand, clenched her jaw tight sa iritasyon. Napaismid naman si Jezelle. Alam niyang kagagawan iyon ni Marianne kaya muntikan ng masira ang hologram ni Arlan.

"Black sheep." Jezelle whispered and smirked.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon