Hangal

31 2 1
                                    

Kagaya ng utos ni Kreg, hinalughog ng mga tauhan niya ang buong kampo ngunit wala silang mahanap na bihag. Iyon ay naging dahilan upang magpakawala ng mananap ang pinuno para sila na ang maghanap. Ngunit, kagaya ng kaniyang mga tauhan, walang nahanap ang mga mananap at sa galit ng pinuno ay pinagpapatay niya ang mga ito.

"Paano na po ngayon iyan, pinuno? Pakiwari ko'y hahanapin ng iyong kaibigan ang bihag." Pahayag ni Ismara.

Huminga ng malalim ang pinuno. Abot abot ang kaniyang hininga. Natatakot siyang malaman nga ni Marianne na nakatakas ang kaniyang binihag.

"Hayaan mong malaman niya ang katotohanan," ani pinuno at prenteng umupo sa kaniyang trono. "Malalaman at malalaman niya pa rin naman ang totoo. At sa wari ko'y magugulat siya kung sakaling malaman niyang pinagtaksilan siya ng kaniyang hangal na alagad." Umismid ang pinuno.

Sa kabilang dako, dumating si Lars sa kaniyang kampo. Nadatnan niya ang kaniyang hukbo na nagsasanay gumamit ng iba't ibang klase ng kagamitang pandigma.

Si Jonas ay nag-eensayo kung paano gamitin ang espada. Si Kurt naman ay ganoon din ngunit gumagamit din siya ng kalasag. Si Tj ay pana ang kaniyang gamit samantalang si Josedech ay isang latigo.

"Lars," sabay sabay na sambit ng mga lalaki nang sumulpot si Lars sa kanilang harap.

"Maayos na ang lahat." Nakangising sabi ni Lars.

"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ni Tj na ngayo'y hawak hawak ang kaniyang palaso.

"Nakatakas na si Arlan." Sagot nito.

"Ha?!" Gulat na bulalas ni Jonas. "'Di ba patay na 'yon?"

"Kaya nga." Segunda ni Kurt. Pareho pala sila ng akala ni Jonas. "Paano nangyari 'yon?"

"Ibig sabihin, buhay pa talaga si Arlan?" Pagkaklaro ni Tj saka lumingon kay Josedech na ngayo'y tahimik lang na nakikinig sa usapan.

"Palabas lang ang lahat." Awit nito.

Bigla na lamang naalala ni Lars ang buong pangyayari. Totoong hawak ni Marianne si Arlan nang pumunta sila sa sementeryo. Ngunit, dahil may taglay na ilusyon si Erebo at maging ang pinuno, nagawa nilang baguhin ang takbo ng pangyayari. Pinalabas nila na pinugutan ni Marianne si Arlan sa harap mismo ng Ametista ngunit ang totoo, pinaglalaruan lamang ng kalaban ang kanilang isip at mata.

"Anong ibig sabihin noon?" Tanong ni Josedech sa kalmadong boses.

Pinaliwanag ni Lars ang lahat ng kanilang naging plano. Maging ang kaniyang hukbo ay namangha at nawindang sa nangyari. Tunay ngang mautak ang puso ng pinuno. Na kahit sa anong sitwasyon, kaya niya itong paikutin gamit ang kaniyang mahika. She can turn something according to her will.

"Grabe talaga si Marianne." Naiiling na sabi ni Jonas.

"Matik na 'yan." Nakangising sabi ni Kurt, dahilan para matawa rin ang kaniyang mga kaibigan.

"Eh paano na ngayon 'yan? 'Di ba sabi mo, nakatakas na si Arlan? Nasaan siya ngayon?" Tuloy tuloy na tanong ni TJ.

"Nakabalik na siya sa atin. Sila na ang bahalang maghanap ng magic paper. Sa ngayon, kailangan niyong husayan ang pakikipagdigma. Kakailanganin natin ang galing niyo sa paggamit ng mga armas."

"Sure akong hinahanap na si Arlan." Pahayag ni Tj na tila alam na alam ang nangyayari.

"Oo nga." Segunda ni Kurt. "Tapos kapag malaman nilang ikaw ang nagpatakas kay Arlan,"

"Matik na 'yan." Dugtong ni Jonas kaya natawa ang lahat, puwera kay Lars na ngayo'y iniisip si Cyan.

"Edi bahala na." Sabi ni Lars. "Basta, ginagawa ko 'to para sa section natin. Alam kong wala akong kwentang tao pero gusto ko lang mapatunayan sa Amethyst na kaya kong mag-ambag ng tulong sa kanila."

Pagkatapos ng ganoong eksena ay umalis na si Lars. Napagdesisyunan niyang magpahinga nang nakaramdam siya ng sakit sa katawan. At bago siya pumikit, umasa siyang magiging maayos ang lahat.

"Lintik na traydor iyan!" Galit na usal ni Kreg. Nagngingitngit ang kaniyang ngipin sa panggigigil. Hindi nga siya nagkamali ng iniisip. Si Lars nga ang nagpatakas sa bihag. Sa pamamagitan ng abo ng lapis, napag-alaman niyang kay Sketch iyon. At tanging si Lars lang ang may ganoong kapangyarihan. "Nanganganib ngayon ang buhay niya. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang pinagtaksilan niya kami."

Huminga muli siya ng malalim. Kailangang malaman ni Marianne ang tungkol dito. Tiyak siyang 'di niya palalagpasin ng ganitong kahangalan.

Sa kabilang dako, dumating si Marianne sa kanilang kampo. Sinalubong siya ng kaniyang mga alagad upang bigyan siya ng pugay.

"May balita na ba kayo tungkol sa Amestista?" Tanong niya kay Claud nang namataan niya ito.

"Wala pa, pinuno. Ngunit, pakiwari ko'y hanggang ngayon, hindi pa rin nila nahahanap ang magic paper."

"Nararapat lamang iyan." Sagot ng pinuno saka umupo sa kaniyang trono. "Hayaan niyo silang gamitin ang kanilang mga utak. Batid kong kaya nilang pagtagumpayan ang isang hamon kahit wala pa si Arlan na tutulong sa kanila. Kilala ko ang bawat isa sa kanila. May mga kapangyarihan sila."

"Ngunit 'di nila alam kung paano gagamitin iyon, Heart."

Binalingan ng pinuno ang nagsalitang si Kinesis, maging si Claud ay napatingin sa kaniya na ngayo'y naglalakad papunta sa harap ng trono upang magbigay bugay sa nakaupo roon.

"Naparito ka, Kinesis?" Tanong ni Claud sa kaniya.

"Heart," tawag nito sabay yuko sa nakatataas at muling tumayo ng matuwid. "Narito ako upang ipaalam sa inyo na nilooban ang kampo ni Kreg."

Bahagyang nagulat ang pinuno. Tumayo siya at mariing tinignan si Kinesis.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito.

"Sa aking paglalakbay, napag-alaman kong nagpakawala ng mananap si Kreg. At alam naman natin kung kailan lang ginagawa ni Kreg iyon."

Kumunot ang noo ni Marianne, maging si Claud ay naguguluhan sa sinabi ni Kinesis.

"Nakangangamba, pinuno. Maaaring nilusob nga sila ng Ametista."

"Nilusob?" Pag-uulit ni Marianne at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. "Nasaan na si Erebo?"

Sarkastikong nagpakawala ng matunog na ngiti si Claud.

"Ano pa ba ang maaasahan mo sa kaniya, pinuno?" Anito. "Si Erebo at si Sketch ay parehong miyembro ng Ametista. Pinangangambahan kong palihim ka nilang pinagtataksilan."

Nagtatangis ang panga ni Marianne. Unti unting sumisiklab ang galit sa kaniyang puso.

"Kung gayon, kamatayan ay nararapat lamang para sa kanila." Anito sa kawalan saka bumaling kay Kinesis.

"Tik-tikan mo ang Ametista." Utos nito kay Kinesis saka bumaling kay Claud. "Tawagin mo si Cyan dahil kailangan ko siyang makausap. Hindi ako papayag na maiisahan ako ng dalawang hangal na iyon." Anito. Yumuko naman ang dalawa, silbing galang sa kaniyang inutos. At 'di nagtagal ay isa isa silang nagsilaho. Iniwan nila ang pinuno na nag-aalab ang puso.

"Kailangan ko silang maunahan bago pa man masira ang aking mga plano." Anito sa kawalan. Damang dama ang galit sa kaniyang boses.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Where stories live. Discover now