Epilogue

14.7K 472 77
                                    

(Watch and listen to the video above first for more feels..)

W A K A S

(Hector Kier Torralba's POV)

"B-Babe. Buti nandito ka na. Kanina pa kasi ako ginugulo nitong stalker ko."

Lumapit sakin ang isang lalaki, sa sobrang puti niya ay akala mo pinaglihi sa gatas. Hanggang balikat ko lang siya, tinitigan niya ako sa mata na animo'y may ipinapasang mensahe. Bigla niyang ikinawit ang kamay niya sa braso ko. I felt something creepy..

"B-Boyfriend mo? S-Siya?" Tanong ng lalaking sunog sa araw ang balat. Pamilyar ang mukha niya, isa yata siya sa mga trabahante sa rancho. Takot na takot siyang tumingin sa akin. Maybe he knows that I am the new heir of the rancho? Mabilis nga namang kumalat ang balita.

"Oo. Kaya back off Tikoy. Nandito na ang boyfriend ko."

Abot hanggang tainga ang pagkakangiti niya. Maaari ko na siyang ikumpara sa babae dahil sa ganda ng kutis niya. Mukha siyang hindi taga-rito, dayo ba ito? And what did he just admit?

"Boyfriend mo ko?" I asked. Napaturo din ako sa sarili ko. Hindi ko na halos naalala ang mga pangyayari dahil namesmerize ako sa anyo niya. Sa kulay kong kayumanggi ay natural na sa akin ang pagkamangha sa mga mapuputi ang kulay. Like I am the yin and he's the yang.

But, the most attractive thing in him, is his lips. Goddamn. Bakit mas kaakit-akit pa ito sa mga nakikita kong babae? What is he?

"U-Uhh kuya, s-sorry kung ginamit kita. Ano kasi.."

Nakatingala siya sa akin. Humahanap siya ng kasagutan sa mga mata ko. I got so mesmerized with his beautiful appearance na hindi ko na napagtantong ginamit niya ako.

"You used me."

He blinked his eyelashes longer than mine. Bawat kurap niya ay naaapektuhan ako. What the fuck was that?

"S-Sorry nga diba? Kinailangan kong gawin iyon para tigilan na ako ng lalaking yun. Hays. Thanks ha?"

Umakto siya na parang wala lang sa akin na ginamit niya ako. Sino ba itong kulugo na ito at ang lakas ng loob niyang tratuhin ako na akala mo ay magkalebel kami? Oo, magandang lalaki siya, kaakit-akit na animo'y babae, pero hindi niya yata ako kilala. He doesn't know who he's talking with.

"Sorry? Di ko kailangan ng sorry mo." I said with rising confidence. Nakalimutan ko, dapat ay ginagalang ako rito. I'm not just anybody like him, I am above him.

"H-Huh? Look Mister. Kung galit ka man or what, sorry okay? Hindi ko ginusto iyon. Yun lang ang naisip kong paraan para layuan na ako ng unggoy na yun. Kung na-offend man kita, wala na akong care doon. It's not big deal after all."

Not a big deal? Basta-basta niya akong ginamit without my permission, tapos hindi iyon big deal? Hindi ako nagpunta rito upang ganituhin lang. I'm a ranch heir, isa akong senyorito. Don't he just dare use someone like me to favor him.

"You little brat."

Yeah. I can smell his haughtiness here. Anak mayaman siguro ito. Kaya naman pala makinis ang kanyang kutis, siguro'y alaga ng aircon araw-araw.

"I'm not a brat, you selfish jerk! Ano bang problema mo? Kung ayaw mo ng sorry ko, fine! Bahala ka! Akala mo kung sinong gwapo!"

Nagsimulang pumatak ang ulan. Masyado pang maliwanag para hindi niya makita ang kagwapuhan ko. Is he blind? O sakin lang siya nabubulag? I am a Torralba, lahi namin ang magaganda't gwapo, nananalaytay sa dugo namin iyon at ipapasa pa namin sa susunod na henerasyon. Masyadong mahal ang genes namin para lang sabihan niya akong akala ko kung sino akong gwapo.

Jack Pulled A Punch (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon