Chapter 27 [Punish]

9K 486 60
                                    

IMPOSSIBLE! Hindi siya nandito nang dahil sakin. Base sa obserbasyon ko, ay matagal na niya akong nakalimutan. I'm just an old piece of memory from his past. Mukhang masaya na siya ngayon sa kanyang kinakasama. And here I am, still dwelling in the past. Maybe it's just a coincidence na nandito rin siya? Yes, that was it! I have no right to jump into any conclusions.

At this point in my life, napagtanto kong may pagkakamali rin ako. And I'm so fucking worthless because of that. That time, I judged him. I judged what happened based on my own interpretations. Even when I didn't know the whole story, of what and why it happened, or did it really happen? Ang tanga ko. Deserve ko itong kinalalagyan ko ngayon. I am unworthy of his love. He deserves someone better. Pero tao lang din naman ako, nakakaramdam ng selos. Yes, I judged them but I couldn't find any reason that it wasn't like what I think.

"Your order..?" Nakawala ako sa aking malalim na pag-iisip nang magsalita si Sir Leo.

We're in a small restaurant here in Kayangan Lake. The restaurant's motif is old and traditional. Mga kisameng gawa sa pawid, the tables and chairs were made of bamboos painted in golden brown color. May mga halaman sa gilid na nakadagdag ng magandang ambience.

"Ahhm. Ito na lang." Kung ano nalang ang tinuro ko sa menu. Masyado yata akong lutang ngayon.

Naramdaman kong siniko ako ni Layla nang palihim.

"Absent-minded ka. Anong iniisip mo?" Bulong niya na kami lang ang nakarinig na dalawa.

Nakaupo kaming lima sa isang six-seater table. Katabi ko si Sir Leo. Magkatabi sa kabila sina Lisette at Josa. Si Lay naman ay sa unahan malapit sakin.

"Nothing." Uminom nalang ako ng malamig na tubig upang mahimasmasan ang pagkalutang ko.

I shouldn't let my mind wanders everything that happened in the past. Dahil ako lang rin ang mahihirapan. I should live my life now. I should focus on what is happening now.

"May jetlag ka?" Sir Leo asked.

"Uhm. Wala Sir. May iniisip lang ako." Tumango siya.

Dumating ang mga pagkain namin.

"Naku, Sir. Iniisip siguro niyan ang boypren niya." Pinandilatan ko si Josa.

"I have no boyfriend, ilang beses ko bang uulit-ulitin sa inyo ha?" Nagtawanan ang dalawa. Bakit ba kasi sinama pa ang dalawang ito eh.

"Sus. Ikaw naman kasi, Jack. Ang selan mo sa mga lalaki. Hindi dapat ganon. Try mong tumingin sa paligid mo, malay mo nandyan lang pala si Mr. Right." Sabay nagtinginan sila kay Sir Leo. Fuck. Hindi naman sila masyadong obvious no? Nagtaas baba pa ang kilay ni Lisette.

"Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang dumarating yan. Tsaka ayoko nang magka-lovelife. Sakit lang sa ulo 'yan." I said while starting to eat my food.

"Malay mo naman, Jack. Kasasabi mo nga diba, kusang dumarating 'yan, kahit ayaw mo, wala kang magagawa kapag dumating na siya." Sumabat pa itong si Layla. Inismiran ko siya. Gagatong pa eh.

"Basta ayaw ko muna sa ngayon." Pinal kong sinabi.

Nagtawanan sila. Bakit ba ang hilig nilang pag-usapan ang buhay ko? Wala na ba silang magawa sa buhay nila? They're enjoying the story of my life. How about theirs?

"Nagka-boyfriend ka na ba?" Nagulat kaming apat nang si Sir Leo na ang nagtanong. Pinamulahan ako ng mukha. Pati siya ay nakisali na rin sa usapan. Naghagikgikan sina Lisette at Josa.

"O-Opo, Sir." Uminom ulit ako ng tubig.

"Ay naku Sir, huwag mo nang itanong dahil masaklap ang huling nakarelasyon niyan. Baka umiyak pa itong si Jack." Kinurot ko si Lay sa tagiliran.

Jack Pulled A Punch (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon