Chapter 10 [Label]

9.2K 512 28
                                    

Dedicated to oilensaxor, na makulit magcomment :)

*******

HIS eyes are so expressive. Kahit hindi mo siya kinakausap, just look at his eyes ay parang kinakausap ka na niya. Words are nothing. Just looking at him will make me speechless. He's god's gift to women, pero hindi ko alam kung bakit ako ang pinupursige niya. I'm just a random guy who likes guys, minsan ay masama ang ugali at minsan ay pabago-bago ang isip. And I don't wanna be impulsive with my decisions, lalo na pagdating kay Hector.

I can't just trust his words. But I'm sure I fell for him in an instant. At iyon ang pagtutuunan ko ng pansin. Giving him a chance is not a bad idea, actually it's for the good. Dito ko malalaman kung seryoso siya sa akin.

"Jack."

"Hmm? Bakit Hector?" Hindi ko siya pinadaanan ng tingin. Abala ako sa pagsusulat ng mga assignments at written reports. Accountancy is really a hard passion, pero ito ang gusto ko. Dealing with numbers, with accountings, and so on. Hardwork lang ang kailangan para makapasa.

Nasa kubo kaming dalawa, ito na rin yata ang naging tagpuan naming dalawa.

"I can help you." Nag-angat ako ng ulo at nagkatinginan kami. It felt awkward. Or ako lang siguro ang nakaramdam. Nakakalasing lang talaga ang mga titig niya.

"K-Kaya ko naman Hector. You don't need to help.me. Madali lang naman ito." Tinapos ko ang isang report at nagsulat ng panibago. All the time, Hector's just trying to get my attention.

"Namitas ako ng strawberries. Kumain ka." Naglapag siya ng isang mangkok na may lamang strawberries na pulang pula at mukhang bagong harvest pa. Kaya naman kuminang ang mga mata ko pagkakita niyon.

"Sht! Hector! Saan naman galing ang mga ito?" Kinuha ko ang mangkok at kumuha ng ilang strawberries.

Hindi siya sumagot. Pinanood niya lang ako na manghang-mangha at masaya sa pagkain. Nakaawang ang labi niya, and I find it hot. Hindi ibig sabihin na ngayon ko lang siya napansin na hot, ngunit ngayon kasi ay may iba sa kanya. Para siyang isang makinang na bagay sa kada makikita ko siya. Kapag ngumingiti siya ay nauubusan ako ng hininga. That kind of crazy feeling. Everyone may call it love. I don't know. Siguro nga ganoon.

"Tulungan na kita.." Inabot niya ang isang folder ko na nakalapag sa table. Napatingin ako sa kanya na kumuha din ng panulat at nagsimulang magsulat doon.

"Hector! Ang sabi ko kaya ko na 'yan." Hahablutin ko sana ang folder ngunit iniwas niya. Ang magaling na lalaking to!

"Give it to me, Hector. You don't have to do this." I eyed him and he stared equally. I can feel the weight of his stares.

"I said I'll lend you a hand. Ayaw kong napapagod ka." Laglag ang panga ko sa banat niya. Hindi ako kinikilig for his information!

"Hindi naman ako napapagod, Hector. You're over-reacting!" Pinandilatan ko siya. Kahit na sweet siya sakin lagi, ay hindi ko pa rin mapigilan ang masungitan siya. Siguro nasanay na ako sa ugali kong ito. It's been my nature.

"Hindi ka napapagod? So ano yang pawis sa noo mo? Ano yan, luha?" Natawa ako sa tanong niyang makabuluhan. He got a point there.

"Mainit kasi, Hector. Natural lang na pagpawisan ako." Binaba ko ang panulat na hawak ko at humalukipkip.

"Open air itong kubo, kaya malayang pumapasok ang hangin. Paano kang maiinitan?" Ang kulit naman nitong si Hector. Ayaw magpatalo. He's so bossy kahit noon pa. At naiinis ako sa mga totoong sinasabi niya, I'm obviously losing here.

Jack Pulled A Punch (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon