Chapter 18 [Masahol]

8.4K 402 24
                                    

"Thanks for the ride, Hector." Ani ko saka binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Pero bago ako tuluyang makalabas ay hinigit niya ang braso ko at dinampian ng halik ang labi ko.

"Don't forget to text me." Ano ba Hector? Huwag ka ngang ganyan! Baka iuwi na kita kung pwede lang.

"Adik ka nang masyado sakin. Oo, magrereply ako. Mag-iingat ka lagi." Bumaba na ako ng sasakyan niya.

Binuksan niya ang salamin at dinungaw akong muli.

"I'm fucking addicted, do something please." Ngumuso siya.

"Umalis ka na nga! Adik ka!" Natatawa kong tugon. Pinigilan kong mapunit ang labi ko sa kakangiti. Anong magagawa ko, I'm completely head over heels with Hector. He's like a drug that I want to take again and again just to make myself okay.

"Gustong gusto mo na akong umalis?"

He's flirting! Ayaw pang umalis. Ewan ko ba dito kay Hector, ayaw na yatang lumayo pa sakin.

"That's not it. Sige na, papasok na ako. Umalis ka na. Just make sure you'll come back again whole."

"Okay. I love you."

First time ko yata itong marinig kay Hector. Umalis na ang sasakyan niya at naiwan akong laglag ang panga. He's not vocal when it comes to this. I can't help but smile, my heart flutters. This is relly corny, pero I feel like flying. Tangina! Si Hector lang ang nakakapagpadama sakin ng ganitong emosyon.

Secretary niya ang tumatawag sa kanya kanina. At mayroon silang monthly board meeting dahil hindi raw makakadalo ang kambal niya ay siya ang magpo-proxy. Kasabay ng pagkakakulong ng Kuya niyang si Troy kaya marami siyang kailangang asikasuhin ngayon. Luluwas siya ng Maynila ngayon. At heto na naman ako, maghihintay na naman kung kailan ang pagbabalik niya.

Binuksan ko na ang gate at pumasok sa aming bakuran. Ang unang bumungad sakin ay si mama.

"M-Ma, andyan pala kayo?" I tried to pretend normal. Knowing Mama, malakas ang pakiramdam nito.

"Oo. Nandito ako, Jack. Nandito rin ako nung nag-uusap kayo ni Hector Torralba." Seryoso at may diin sa tono niya. Hindi ako makasagot. How will I put this? Hanggang saan ang narinig ni mama sa pag-uusap namin? Narinig niya ba lahat?

"Hinatid ka niya? Saan ba kayo nanggaling at bakit magkasama kayo at kailangan ka pa niyang ihatid? Jack, sabihin mo nga sakin ang totoo. May relasyon ka ba sa tagapagmanang iyon?" I bit my lip. Hindi ako makatingin ng diretso kay mama. Ayokong umamin pero ayoko na ring magtago pa ng nararamdaman ko. I know na dadating at dadating ako sa ganitong sitwasyon, bakit pa ako magtatago?

"Ma.."

Sinampal niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko.

"Simula palang Jack sinabihan na kita. Tuso ang mga Torralba! Bakit hindi yan pumapasok sa kokote mo? At talagang nakipag-relasyon ka pa at sa tagapagmana pa? Ano, nakalimutan mo na ang atraso ng pamilya nila sa atin? Inangkin nila ang lupa natin anak, at anumang oras ay kaya nilang bawiin satin ngayon ito! Hindi mo na kailangang pumatol pa sa taong iyon para lang makuha ang lupa natin, Jack!"

Tumulo ang luha ko. Naiinis ako. Dapat malakas ako eh. I tend to be strong and fighting. Pero kapag kasali na sa usapan si Hector, ay nanghihina ako.

"Ma, sa tingin mo ba kaya kong patulan ang taong iyon nang dahil lang sa lupa? Hindi ako ganong klase ng tao, ma! Ikaw dapat ang unang nakakaalam niyan! At anong pakialam ko sa lupa? Sa kanila na kung sa kanila, pero mahal ko si Hector! At tutubusin ko iyon kapag nakaipon na ako!" Patuloy na umaagos ang luha ko. Punyeta! Ganoon pala ang tingin nila sakin? Kaya kong magpagamit para lang sa lupa, para lang dun? E tangina pala! Kakayanin kong lumubog basta't hindi ko ibibigay ang sarili ko sa taong hindi ko naman gusto.

Jack Pulled A Punch (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon