Chapter 29 [Drug]

9.4K 495 35
                                    

TWO DAYS ago na ang nakalipas pagkatapos ng short vacation namin sa Coron. And here I am again, back to work. And as usual, panggabi na naman ang shift ko with Layla na abalang-abala sa pagtawag sa kanyang boyfriend.

"Kanina ka pa diyan, hindi pa ba sinasagot?" I asked her as she puts down her phone. Obvious masyado ang kunot sa noo niya na naiirita siya.

"Hindi, e. Bwisit na Ivan yun! Makakatikim sakin ang lalaking yun kapag nagkita kami." Bumalik siya sa pagtatrabaho.

"Hmm.. Masarap pala ang may boyfriend, ha?" Pang-aasar ko. She looks at me disgustingly. Hindi ba tama ako? Sakit lang sa ulo ang mga lalaking 'yan.

"It depends, Jack. Kung hindi lang mayaman ang lalaking yun ay  matagal ko nang hiniwalayan yun! Iyong si Hector mo naman ay gwapo na mayaman pa kaya ewan ko nalang kung bakit inayawan mo pa." Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya nang masama. Mukha talagang pera ang babaeng ito.

"Hindi lahat binabase sa mukha at laman ng bulsa ng lalaki, Lay. Dapat ay 'yung may substance din."

Mula sa pagtytype sa kanyang computer ay muli siyang tumigil para kausapin ako.

"Anong substance ba 'yan? Sa tingin ko kasi wala namang substance iyong Ivan na 'yun! And speaking of your Hector, hitsura pa lang punong-puno na ng substance."

I sighed a couple times. Lagi niya talagang pinagpipilitan na mabuting tao si Hector. Well I have to say "no comment" for that.

"Ewan ko sa'yo, Lay. Magtrabaho ka na nga diyan. Ang dami pang spreadsheets dito oh, di mo pa tapos yung data analysis mo." Ani ko sa kanya na tinuro ang nagkalat na papel sa table niya.

"Uggh! Life sucks!" Aniya saka muling tumutok na sa computer niya.

Nagsimula na rin akong tapusin ang results ng weekly project namin. Napahikab ako at napatingin sa wall clock na nakasabit sa itaas ng pader. It says 2:25am. Kaya naman pala nakakaramdam na ako ng antok. Inabot ko ang coffee cup ko at tinungga iyon ngunit wala nang laman.

"Lay, sa pantry lang ako. Coffee." Pinakita ko sa kanya ang tasa ko at saka siya tumango.

Bago pa man ako makapasok sa pantry ay hinarang na ako ni Manong guard.

"Pasensya na Ser, pero merong nagpapabigay sa'yo nito.." Itinaas niya ang isang plastic na naglalaman ng styro sa loob.

"Ano ho 'to?" Kinuha ko iyon at binuksan ang styro. Halos lumuwa ang mga mata ko dahil masasarap na pagkain ang laman niyon. Para itong isang bento box. Bukod sa rice at ulam, may mga hiwang prutas din.

"Kanino galing? Sinong nagbigay?" Tanong ko kay Manong guard na kakamot kamot ng ulo.

"Sorry Ser di ko natanong ang pangalan eh. Basta matangkad na makisig na lalaki. Moreno at gwapo. Boyfriend niyo yata Ser eh." All the descriptions he gave ay isang lalaki ang tinutukoy. It must be Hector.

"Ah sige, salamat Manong." Pagkatapos kong magtimpla ng kape sa pantry ay bumalik na ako sa working table ko at inilapag ang styro ng pagkain sa ibabaw ng maliit na bookshelf.

"Ay ano yan?" Hindi pinalampas ni Lay ang pagkakita sa styro.

"Foods."

"Oh? Saan galing? Pahingi, nagugutom na ako eh!" Akma niyang kukunin ang styro ngunit naunahan ko siya upang iiwas ito sa kamay niya.

"Ay ang damot teh? Saan mo ba nabili 'yan at bibili nalang ako."

"Hindi ko 'to binili. Inabot lang sakin nung guard, pinabibigay raw sakin." Bigla siyang umikot gamit ang swivel chair niya at hinarap ako. Animo'y may nagpop-up na bombilya sa itaas ng ulo niya.

Jack Pulled A Punch (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon