Chapter 8 [Lovestory]

9.6K 554 34
                                    

NAGLALAKAD kami palabas ng gate ng school kasabay ko sina Marife at Paul. Absent si Anika dahil nagkasakit raw kahapon kaya mag-isa ngayon si Paul. Palabas na sana kami nang may tumawag sa pangalan ko.

"Jack! Wait!" Humahangos ang isang lalaki.

"O, Eduard ikaw pala? Bakit mo ako hinabol?" Si Eduard Buenocruz, isang varsity player sa school na kaklase namin sa Accounting II.

"Nandito ako para ibalik ang notes mo. Salamat nga pala." Tinapik niya pa ang balikat ko. Noong makalawa kasi ay nanghiram siya sakin ng notes sapagkat excused siya noong araw na iyon dahil sa practice nila ng football.

"Ow, oo nga pala. Sige salamat Eduard." Binuksan ko ang bag ko at ipinasok doon ang dalawang pares ng notebook.

"Okay. Balik na ako, may practice game kami eh. Ge Jack, una na ako sa inyo. Ingat kayo!" Tumakbo na siya paalis. Matangkad siya at matipuno, para sa edad niyang disiotso ay ganap ng maganda ang pagkakahubog ng katawan niya. Nakuha niya siguro sa pagtakbo sa field araw-araw.

"Gwapo yung si Eduard, no Jack?" Nakanguso si Marife at hindi pa rin inalis ang paningin sa nawalang si Eduard.

"Hmm. Siguro. Okay lang." Nagkibit balikat ako.

"Siguro? Okay lang? Wow, ang choosy mo hah. Alam mo bang number one hearthrob dito yang si Eduard, noong nakaraang taon pa actually. Hindi ka ba nagagwapuhan sa kanya?" Tanong niya.

"May sinabi ba akong pangit siya? Well, gwapo nga. I think he's mediocre, pero di ko type." Natigil siya at napatakip ng bibig. What?

"Bakla ka! Hindi mo type, o naagaw na ng iba yang mga paningin mo??" Nakaturo pa ang hintuturo niya sa mukha ko.

Ako naman ay poker face. Ano namang ibig niyang sabihin?

"Nagpapatawa ka ba Fe? Kailan ba ako nagkagusto sa mga lalaki dito? Wala sa bokabularyo ko ang lumandi ngayon. Ang pag-aaral ang pinahahalagahan ko ngayon noh." Muntik niya akong batukan sa sinabi ko. Ayaw maniwala kasi nito. Akala nagjojoke ako.

"Jack, Mars!" Finally dumating rin si Paul. Hinintay namin siya kasi nagbalik pa siya ng libro sa library.

"Let's go na." I ordered dahil nagsisimula nang kumalam ang sikmura ko at nagsusumigaw na bigyan siya ng pagkain.

"Nagtext ba sayo si Anika?"

"Oo, kanina. Mabuti na raw siya. Nabinat lang."

Nag-uusap sila sa likuran ko habang naglalakad palabas ng gate. Sa bukana ay may nakikinita na akong grupo ng mga babae na nagkumpol sa gitna pa ng gate.

"Ay mga ate anong meron? Stampede sa harap ng daanan, ganon?" Sarkastikong sambit ko sa kanila kaya nagsi-kalasan sila at tumambad sa harap ko ang isang sasakyang Wrangler.

"Geez. May-ari daw yan ng farm doon sa sentro.."

"Apo daw yan eh, minana lang daw sa lolo niya."

"Shit. Ngayon ko lang siya nakita! May gwapo na pala dito sa lugar natin."

Obvious kung makapagbulungan! Pinadaanan ko ng paningin ang tinitignan nila. Sa sasakyang iyon ay may bumaba na matangkad at matipunong lalaki na naka-cowboy attire with matching cowboy hat.

Fuck you Hector, mas lalo ka pang gumwapo sa lagay mong yan!

"Uy sino yan? Dayuhan ba yan?" Tanong ni Marife na nasa gilid ko at nakikiusisa din.

Luminga linga si Hector sa paligid habang may hinahanap. Sht! Agad akong nagtago sa likuran nila Marife at Paul. Alam ko ang ipinunta niya rito, at ako iyon! Obvious naman!

Jack Pulled A Punch (BxB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon