chapter 40

6.3K 97 51
                                    

Chapter 40: Confrontation

______________________________

Cyrene's POV

Lumabas ako sa room namin, wala na akong pakialam kung may teacher pa doon. Nakakayamot kasi si Andrei at MKNA napaka pabebe. Tsk' ito namang si Andrei umaastang knight in shining armor, wag kayo readers ha?! Di ako nag seselos! Nabibwisit lang kasi ako Kay MKNA a.k.a Aliziah masyadong plastic.

"Cyrene  ayos ka lang ba?" May pag aalalang tanong ni Fhiona. Nakasunod pala sya sakin kanina pa.

"Bakit di naman ako di magiging okey?" Pabalik ko ding tanong Kay Fhiona.

"Wag mo ng Itago ang Nararamdaman mo, Alam kong Nasasaktan ka" sabi ni Fhiona.

"Ano bang pinagsasabi mo?*fake laugh* bakit naman ako masasaktan? May karapatan ba ako?" Tumatawa kong tanong Kay Fhiona pero kahit na tumatawa ako outside Hindi ko mapigilang masaktan.

"Umamin ka na! Mahal mo na sya " Seryosong sabi ni Fhiina

Hindi ako makasagot, Oo aaminin ko lagi kaming nag aaway ni Andrei pero ayaw kong mapunta sa iba ang atensyon nya! Selfish right? Pero yun talaga yung nararamdaman ko. Mahal ko na ba sya? Paanong nangyari yun?

"Di mo masagot kasi nagdadalawang isip ka! Natatakot ka na baka magkaiba kayo ng nararamdaman right? Pero kung di mo susubukan di mo malalaman" paliwanag sakin ni Fhiona.

Natatakot lang ba talaga ako?

"Kung gusto mo sya ipaglaban mo baka kasi maunahan ka ng mga nakapaligid sa kanya. Sige na Cyrene Una na ako sa room, ikaw pag isipan mong mabuti sabihin ko na lang sa next teacher na masakit ang ulo mo. If may gusto kang ishare nandito lang kaming mga kaibigan mo"  sabi ni Fhiona pero bago sya umalis ay hinawakan ko ang kamay nya.

"Bakit?" nagtatakang tanong nya. Dahil sa Dami ng nangyayari ay nakalimutan ko itong hinala ko, ngayon na ang right time para tanungin sya tungkol dito.

"Ikaw ba yon? " tanong ko sa kanya.

"Ha? Anong sinasabi mo?" Nagtataka nyang tanong.

"Yung tungkol sa pagkain ni Sam? Yung time na Na allergy sya?" tanong ko kay Fhiona.

"Di ko alam kung paniniwalaan mo ko pero hindi ko kayang Gawin yon kay Sam, tinuturing ko syang malapit na kaibigan" nakayuko nyang sabi.

"Pero ikaw lang ang Nagluto at ikaw din lang Ang may alam" giit ko.

"Hindi ako masama para gawin sa kanya yon, Oo ako yung nagluto at ako lang din ang may alam pero Iniwan ko yung mga pagkain dahil may kinuha ako at pagbalik ko ayon na" paliwanag nito.

"Sino naman ang Gagawa non?" Tanong ko.

"Ayon ang hindi ko alam, Sige alis nako. Kung kailangan mo ng time mag isip sabihin ko nalang kay Ma'am na masakit ang ulo mo" Paalam sakin ni Fhiona at Umalis.

Sino naman ang gagawa non? Meron bang may galit kay Sam? Hayssst! Iniisip ko din kung Kailangan ko bang  ipaglaban sya? Siguro di naman masamang sumubok paminsan minsan although masasaktan ka kakambal nayon ng pagmamahal ika nga nila HINDI KA NAGMAMAHAL KUNG HINDI KA NASASAKTAN.

                            *_*_*

Andrei's POV

Pagkatapos ng sagutan namin ni Cyrene ay umalis sya kahit na may teacher sa unahan. Ano bang nangyayari Kay Cyrene ngayon? Galit ba sya Kay Aliziah? Pero bakit? if I know ngayon lang sila nagkita? May problema ba syang di namin Alam?

"Ma'am may I go out?" Tanong ni Fhiona.

"Yes you can" sabi lang ni ma'am . Lumabas na si Fhiona.

"Okey class let's start our discussion about War long time ago--------" sabi ni ma'am.

Mayroon na dugong maharlika dati ito ay sina Queen Hera at king Zeus. Sila ang kauna unahang white magical user sa mundo. Dahil anak na panganay si Zeus, sa kanya ipinagbilin ang trono dito sa buong Crescent World. Ngunit Hindi nakapayag si Hades ang hari ng kadiliman ang kapatid ni Zeus dahil ito ay naiingit kaya bumuo ito ng sarili nyang pamunuan. Yung mga tao na Hindi sang ayon na si king Zeus ang mamuno ay sumanib Kay Hades. Nung una matiwasay pa ang Crescent world ngunit sumugod ang mga Darkanian tawag sa mga taong sumanib sa kadiliman. Sa kasamaang palad, nasawi si Queen Hera at dahil dito nagalit si king Zeus. Pinatay ni king Zeus ang asawa ni Hades na si  Persiphone at duon naghudayat ang war sa pagitan ng kasamaan at kabutihan.

"At ngayon siguro kaya may mga darkanians ay dahil gusto nilang pamunuan ang buong Crescent world ngunit di tayo papayag na mangyari ito kaya ace section galingan nyo" may determinasyon na sabi ni ma'am.

"Yes ma'am" sabi namin.

"So  that's all for today, see you next Monday" paalam ni ma'am.

"Good bye ma'am" paalam din namin.

"Yeheyyyy!! Isang tulog nalang" excited na sabi ni Sam.

Oo nga isang tulog na lang at makakabisita na kami sa mortal world.🙌

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Hello readers its me again your Author 😂😂

I hope you like it😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crescent Academy : The  Powerful PrincessWhere stories live. Discover now