chapter 29

5.4K 125 0
                                    

Chapter 29: Her feelings

___________________________

Naomi ' s POV

Kasama ko si Andrew at Fhiona na nagmomonitor ng buong bayan at pinapapasok narin namin sa sari- sariling bahay ang mga mamamayan dito sa Lost City para kung may mangyari mang masama ay Hindi sila madadamay.

"Andrew sa tingin mo ba kakayanin natin ito?" Seryosong tanong ko.

"Ano kaba Naomi, wala kabang bilib sa kakayahan natin?" Tanong nya pabalik.

"Meron naman pero masyadong malinis ang pagtrabaho ng mga mastermind kaya wala tayong makitang clue" sabi ko ulit sa kanya.

"Kaya natin ito tiwala lang at besides nadagdagan pa tayo kaya alam ko masusulusyonan natin to" pagpapalakas nya sakin at ngumiti.

Kung alam mo lang Andrew kung gaano kita kamahal, oo mahal na kita kahit ganyan ang ugali mo mas lalo pa nga kita minahal dahil ganyan ka. Sana parehas tayo ng nararamdaman.

"Hoyyy! Natulala kana dyan" sabi ni Fhiona na kababalik lang dahil may ginawa daw sya.

"Wala may iniisip lang ako" sabi ko.

"Wag mo na kasi akong isipin nasa harapan mo na nga ako eh" singit ni Andrew at Tumawa sila ni Fhiona.

"Ang kapal mo ha?! Di kaya?!" Dipensa ko sa mga ito.

"Hahaha niloloko lang kita no! Guilty ka naman" sabi nya na ikinapula ng buo kong mukha. Hindi parin sila tumitigil sa pagtawa.

"Uy nagba blush sya! Aminin mo na kasi na crush mo si Andrew  di ka  naman lalayuan nyan eh" pang aasar na sabi ni Fhiona.

"Che! Tigil tigilan nyo nga ako GIAN ANDREW MARTINEZ AT FHIONA!" Sigaw ko.

"Tignan mo ! Masyado kang halata eh! Kay Andrew complete name tapos sakin Fhiona lang?"  Sabi ni Fhiona at kunwaring nasaktan.

"Che! Ewan ko sa inyo" sabi ko sa dalawa at inirapan . Tumawa lang silang dalawa. Di ko sila  pinansin Bahala sya nigigigil nya ako eh.

"Hala! Sorry na Naomi di naman yun totoo eh nag jojoke lang ako" sabi ni Andrew. at nag pout. Awww! So cute naman what! Erase the cute thing.

"Tsk' wag ka ngang mag pout di bagay sayo mukha kang bakla " sabi ko at inirapan ko lang sya.

"Di mo kasi ako pinapansin eh" at lalo pang nag pout.

"May LQ kayo?" Tanong ni Fhiona at tumawa na naman.

"Ito kasing si Naomi di ako Pinapansin" sabi ni Andrew at nag pout.

"Pinapansin na nga kita eh" sabi ko dito.

"Yown kaya mahal na mahal kita eh" sabi nya. Sana nga mahal mo din ako pero Hindi eh.

"Walang Poreber" nakasimangot na sabi ni Fhiona.

"Mag hihiwalay din kayo" dugtong pa nito at umalis. Problema nun? Broken-hearted? At maghihiwalay? Wala ngang kami eh😪

Haistt!! Pano ako mag momove on kung lagi syang  nasa tabi ko? Ang tanong kaylangan ko ba talagang mag move on kahit di naman naging kami? Ang sakit lang isipin na hindi nya alam yung nararamdaman ko at ayaw ko din sabihin dahil baka hindi kami parehas ng nararamdaman. Hayyy😩 ang complicated naman ng love life ko.

*************************************

Wag kakalimutang mag vote at comment😊

See you in next chapter😂

Sayonara👋

Crescent Academy : The  Powerful PrincessWhere stories live. Discover now