chapter 33

5.1K 98 0
                                    

Chapter 33: Summoning The Pets

___________________________

Sam's POV

Nandito kami malapit kina Zach at Zendrix. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko kanina, all this time kinikimkim lang ni Zendrix lahat ng problemang iyon at mas nakakagulat pa nung malaman ko na dati silang naging matalik na kaibigan ngunit nasira lang ang lahat ng ito ng umibig sila sa iisang babae. Parang sobrang hirap nito para Kay Zendrix sana maisipan nya manlang na nandito kami para sa kanya, kaming mga kaibigan nya.

"Di ko lubos na maisip na naging matalik silang mag kaibigan" sabi ni Andrew.

"I thought kaya sila galit sa isa't - isa is because of rivalry" sabi ni Naomi.

"So parehas pala nilang mahal si Keisha " naiiling na sabi ni Cyrene.

"So all this time Mali pala tayo ng inaakala" seryosong sabi ni Andrei.

"Akala ko pa naman kaibigan na turing nya satin pero bakit di nya manlang ito nasabi?" Pagtatanong ni Vince.

Tumahimik ang lahat tila ba wala  silang balak na  sagutin ang tanong kaya ako nalang ang sumagot.

"Di nya man sabihin sa inyo na kaibigan nya kayo at di man nya maparamdam sa inyo, alam Kong tinuturing nya tayong kaibigan siguro Hindi pa nya kayang mag share sa iba lahat ng naranasan nya kaya intindihin nalang natin sya and besides sobrang sakit mawalan ng kaibigan paano pa kaya kung sobrang lapit na kaibigan ang mawala? Alam ko lahat kayo mapapatanong kung tinunturing ba nya tayo na kaibigan ? Oo tinuturing nya tayo kaya sana wag tayong magalit sa kanya " mahabang sabi ko sa kanila.

"Tama, siguro di pa sya handa kaya hintayin natin syang maging handa" sabi ni Fhiona.

"Oh sya tulungan na natin sya" masiglang sabi ni Andrew.

"Let's go" sabay sabay naming sabi.

Papunta kami sa pwesto ni Zendrix ng may dumating na isang monster?! I thought ubos na sila kanina pa pero bakit may natirang isa and look parang iba ito sa kanina naming kalaban. Nasaan naba si Marcus?

"Class S+ monster" makikitaan ng pagkainis sa kanyang boses si Andrei

"Sh*t lang" rinig Kong cuss ni Vince.

"Sam stay there masyadong malakas ang isang ito" may pag aalalang sabi ni Marcus na kadarating lang. San sya nagpunta?

"No! I will help" may pagkamatigas Kong sabi.

"Sam wag kanang maging makulit masyadong malakas ang class S+ monster na iyan baka mapahamak kalang!!" Inis na sabi ni Cyrene.

"Pero isang team tayo kaya kailangan nating magtulungan" sabi ko sa kanila.

"Sige pero mag ingat ka " sabi ni Naomi.

"I will " sabi ko dito.

Ni-summon ko ang binigay saking espada ng headmaster sabi Nya Hindi ito nasisira ng basta basta. Kulay gold ang hawakan nito na para bang mahihiya kang hawakan sa sobrang kintab kaya pasalamat nalang ako dahil binigay ito sakin.

"Sam Target his eyes" sabi ni Zendrix.

"Okey " maikling sagot ko dito.

Nag umpisa na akong targetin ang  Mata nito katulad ng sabi ni Zendrix ngunit sobrang hirap dahil gumagalaw galaw ito.

"All of you summon your pet" sabi ni Zendrix.

Pet? Ano naman ang mga pet nila ? Alam ko na kasi ang Kay Zendrix isang fire Phoenix. Excited na ako makita ang mga iyon.

*************************************

Yow readers💞😘

Vote and comment

(EDITED)

Crescent Academy : The  Powerful PrincessWhere stories live. Discover now