chapter 36

6.6K 129 27
                                    

Chapter 36: Denying

___________________________
Cyrene's POV

Tahimik kaming kumakain ng biglang may tumawag Kay Andrei.

"Andreiiii" tawag ng kung sino man.

Nakita Kong hinahanap ni Andrei ang tumatawag sa kanya ng makita nya ang isang babae na kumakaway sa kanya.

"Aliziah babeeee" tawag pabalik ni Andrei doon sa babae.

Nakarating yung babae dito sa upuan namin, medyo matangkad sya maputi at may gandang may ipagmamalaki pero sorry sya mas maganda ako sa kanya.

"Pasalubong ko Aliziah babe?" Nakapout na sabi ni Andrei. Yuckk!! Ang corny nila huh?! Babe seriously??

"Syempre makakalimutan ko ba kayo ni Andrew? Meron kayo, malakas kayo sakin eh" sabi nitong babaitang ito, don't get me wrong reader ha! Ayoko lang talaga sa aura nya.

Don't get me wrong guys, pero isang tingin ko palang sa kanya ayaw ko na. Alam nyo yun? Yung feeling na kahit walang ginagawa eh ayaw nyo na sa kanya? Ganon nararamdaman ko ih.


"Kaya mahal na mahal kita eh" sabi ni Andrei, nabilaukan ako dun ah ang laki kasi ng sinubo ko tapos kung ano ano pa sinasabi ng nasa harap
Ko.

"*ehem* tubig " sabi ko Kay Andrei.

"ang takaw kasi eh" natatawa nyang sabi at binigay sakin yung tubig.

"Hey Andrei i- tour mo naman ako dito " singit nitong babaeng katabi ni Andrei, ayoko talaga sa kanya.

"Sure babeee" sabi ni Andrei dito at nag wink, mga malalandi eh.

"Ewan ko sayo Andrei" pabebeng sagot ng malanding katabi ni Andrei if I'm sure gustong gusto nyang tinatawag syang babe ni Andrei.

Naririnig Kong nag uusap ang mga estudyante dito tinatanong kung sino daw itong bagong dating.

"Andrei pakilala mo naman ako sa friend mo " sabi ni MKNA stands for Malanding Katabi Ni Andrei.

"By the way Aliziah this is Cyrene one of the princesses here and of course Cyrene this is Aliziah my babe" pakilala ni Andrei sa katabi nya Aliziah pala pangalan ni MKNA.

"Nice to meet you Cyrene I hope we can be Friends" sabi ni MKNA, I prefer call her MKNA than her true name.

"Nice to meet you too pero pasensya ka na di ako nakikipag kaibigan sa malandi eh" sabi ko dito at ibinulong ang huling salita na alam ko di nila naintindihan.

"What? May sinabi kaba" tanong ni MKNA a.k.a Aliziah, pshh! Plastic tong bwisit na ito.

"Ah wala and if you don't mind may I excuse myself?" Sabi ko sa mga ito at dali daling umalis.

Tsk' mag lalandian na nga lang sa harap ko pa anong tingin nila sa canteen dating area ?

Saktong paglabas ko ng canteen ay may nakabunggo ako, parang familiar sya sakin. Ah! Yung isa sa ka dorm mate ni Sam dati kasi saming mga ace section may sariling dorm kaya nilipat na si Sam since isa na sya samin.

"Sorry po princess Cyrene " paumanhin nito, sino ba ito? Colline? Camille? Ah alam ko na Corrine.

"Its okey next time tumingin ka sa daan baka kasi mapahamak ka" sabi ko dito.

"Salamat po sa pag papaalala princess Cyrene at sorry po ulit " sabi nito at umalis na.

Parang kasing may Mali sa kanya di ko lang ma figure out or baka paranoid lang ako? Or baka epekto lang ito ng nakikita kong naglalandian sa loob ng canteen!Hay Cyrene kailangan mo ng magpahinga.

*************************************
Update ulit para sa inyo readers😊 pang bawi ko sa mga araw na di ako nag update.

Thank you nga pala dahil sobrang daming nagbabasa nito kahit na napaka lame😂 HAHAHA di ko akalain na may nagbabasa nito.
Vote & comment.

(EDITED)

Crescent Academy : The  Powerful PrincessWhere stories live. Discover now