chapter 7

8.1K 199 14
                                    

Chapter 7: New School

________________________

Sam's POV

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko para sa school na papasukan ko. Sabi kasi nila Mommy na may Dormitories doon kaya ang astig at the same time nakakalungkot dahil mapalalayo ako sa parents ko. Di ko nga alam kay Mommy at Daddy kung bakit biglaan ang paglipat ko, tapos parang ang OA nila kasi ayaw manlang nila akong pabalikin sa dati kong school para kunin yung mga requirements ko. Ano ba kasi itong pinaglalagay nila? Bakit sobrang dami?

"Sam! Tara na at ihahatid ka na namin ng Daddy mo!" Sigaw ni Mommy.

"Saglit lang po!" Sabi ko at inayos na lahat. Bumaba nako baka kasi mainip sila.

"Ayos naba lahat? Wala ka nabang nakalimutan?" Pagtatanong sakin ni Daddy.

"Yes! Tara napo" sabi ko at sumakay sa kotse namin. Sumakay narin sila.

"Tulog ka muna, malayo yon" sabi ni Mommy .

"Ayaw ko po Mommy kasi gusto kong makita yung mga dadaanan" sabi ko.

Umandar na ang sasakyan namin at naglagay nalang ako ng earphone at pinatugtog ang 'DNA' ng BTS. Ang ganda talaga ng kantang ito😉. Medyo may katagalan na kaming bumabyahe kaya tinignan ko yung labas. Forest? Seriously? Dito ba yung daanan papunta sa new school ko? Di ba kami naliligaw?

"Tama ba dinadaanan natin? Di ba tayo naliligaw?" Takang tanong ko kila Daddy. Sino ba naman ang matinong tao na nagpaggawa ng paaralan sa forest😂.

"Tama tong dinadaanan natin" sagot nalang sakin ni Mommy. Nagkibit balikat nalang ako since sila ang nakakaalam ng school na papasukan ko eh, ano pang magagawa ko?

Tumigil ang sasakyan namin sa gitna dulo ng kagubatan kung saan hindi napupuntahan ng mga tao. Paano ito nalaman nila Mommy at Daddy? Dito rin ba sila nag aral? Lumabas ako ng sasakyan at bumungad samin ang isang napakalaking gintong Gate na may nakasulat na Crescent Academy . Wow ang astig talaga! Lumakad na sila kaya sinundan ko nalang. Bumukas ang higanteng gate at pumasok kami sa loob. May mga taong kumuha ng gamit ko at isinunod ito sa amin.

"Mommy dito rin ba kayo nag aral?" Tanong ko kay Mommy.

"Yes Dear " sagot sakin ni Mommy. Wow alumni pala sila dito☺️.

Nakarating kami sa ikalawang palapag at nakatapat sa isang malaking pinto na may nakasulat na Principal office. Yay! This is it! Pumasok na kami sa Principal office at ang masasabi ko lang ay Wow! As in Wow! Super ganda at name- maintained ang kalinisan ng buong silid. Umupo kami sa tapat ng desk ng principal. Mr. Hanamitchi, pagbasa ko sa pangalan ng Principal.

"Its been a long time Shanice and Albert" sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad nila Mommy at Daddy.

"Oo nga Hanamitchi" sabay na sabi ng parents ko. Sya pala ang Principal, mukhang Close sila nila Mommy at Daddy ah.

"Ito naba ang anak nyo?" Tanong nung Principal at tumingin sakin.

"Yes, I thought magiging normal lang ang pamumuhay namin. Haysst ! Akala ko huling beses na makakapunta ako dito ay yung araw na gumaraduate kami" sabi ni Daddy. Okay? Normal naman talaga ang pamumuhay namin ah!

"Well ganun talaga" pagbibiro nung Principal.

"By the way sabihin mo na yung room number nya para makauwi na kami dahil may gagawin kami" sabi ni Daddy.

"Okay wait lang! ---ayun ! Room number 11 ka ! " sabi nung Principal.

"Sige na Sam alis na kami ha! Wag makipag away! " paalam nila sakin at niyakap ako.

"Bye Mommy at Daddy" paalam ko din sa kanila.

"Hoy Hanamitchi! Pakiingatan ito ha! At pakiexplain nalang nung iba dahil di nya alam yun" sabi ni Daddy dun sa Principal.

"Oo na Albert" sabi nung principal.

Umalis na sila Mommy at Daddy. Hinatid nako ng mga alalay ni Principal sa room Number ko. Pag dating ko ay humiga nako sa bakanteng kwarto dahil nakakapagod. Sabi kasi ni Principal na nag umpisa na yung pasukan dito pero pwede naman daw bukas nako pumasok kaya nagpahinga muna ako. Sana maging maganda ang whole year ko dito☺️ Sana wala ng bully 😂. Haysst! Makatulog na nga lang.

*************************************

Hello everyone 😉 Sana magustuhan nyo☺️. Vote and comment po😊
Pakifollow narin si author 😂 yan kinapalan na ang mukha😂😂✌️

(EDITED)

Crescent Academy : The  Powerful PrincessWhere stories live. Discover now