Chapter 6

7.8K 186 8
                                    

Chapter 6: Expelled
___________________________

Sam's POV

Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ang kulay puting Ceiling at mga paligid na puti. Namatay naba agad ako? Ay grabe naman di pa ako nakakalibot sa buong mundo eh😅. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Mommy at Daddy kasama ang isang nurse at siguro ang Principal. Ano bang nangyari?

"Siguro naman Ms. Yukimi na aware ka sa pinag gagawa mo?" Pagtatanong sakin ng principal.

"Po? Ano pong ginawa ko? Sa pagkaka alala ko po wala naman akong nilabag na regulations and rules?" Nagtatakang tanong ko. Nagkatinginan sila Mommy, Daddy at Principal na akala mo nag uusap gamit ang mga mata nila.

"Paanong di mo natatandaan?" Gulat na tanong ni Principal. Pumunta si Mommy sa harapan ni Principal.

"Sir usap po muna tayo sa labas" sabi ni Mommy at lumabas kasunod si Principal.

"Daddy ano po bang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong kay Daddy.

"Misunderstanding lang yun, by the way napag desisyonan na namin na ilipat ka ng paaralan" sabi sakin ni Daddy. Bakit naman gusto nila akong ilipat? Siguro nalaman nila na sobra sobra ang pangbubully sakin kaya nila ako ililipat. Haysst! Mahal na mahal talaga ako nila mommy at Daddy.

"Okay po, pero saan naman po ako ililipat?" Tanong ko. Well naeexcite ako kasi new surroundings na. Wala ng Abrielle na lagi akong binibwisit.

"Malalaman mo rin" sabi ni Daddy. Ay pa- mysterious pa eh?😂 grabe talaga to si Daddy.

I hope na maging tahimik ang buhay ko . Sana walang bully at sana maging masaya ako sa susunod kong papasukan☺️.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Shanice POV (Mommy ni Sam)

Nandito kami sa bahay ng asawa ko ng biglang tumawag ang Principal ng pinapasukan ni Sam. Bigla akong kinabahan dahil this is not the right time pa. Nagmadali kaming pumunta sa School na pinapasukan ni Sam at sumalubong samin ang Principal.

"Mr. and Mrs Yukimi?" Pag tatanong samin ni Principal.

"Oo kami nga" sabi ng asawa ko.

"Dun po tayo sa office ko" sabi ng principal. Sumunod lang kami sa kanya. Pag dating namin ay umupo kami sa tapat nya.

"Madami pong estudyante ang natatakot sa anak nyo" pag uumpisa ng Principal. Oh no! Ito naba yon?
Ito naba ang kinatatakutan namin? Sabi kasi ng kaibigan ko yung taong nagbigay kay Sam, ito daw ay hindi normal na sanggol lamang.

"Bakit madaming natatakot? May ginawa ba sya?" Naguguluhang sabi ng asawa ko.

"Yes, actually sobrang bigat ng ginawa nyang kasalanan.  Three of her  classmate are in the hospital right now because of her" nagulat ako sa sinabi ng Principal. Nasa hospital? Bakit ano bang ginawa ng anak namin?

"How come?" Di makapaniwalang tanong ng asawa ko.

"According sa mga witnesses, bigla nalang daw nag wala itong si Ms. Yukimi at pinagbubugbog sina Jenny at Trixie while Ms. Abrielle daw ay sinakal at tinapon sa pader kaya malala po ang naging resulta sa kanilang tatlo. At hindi pumapayag ang parents ni Ms. Abrielle na palagpasin ang nangyari. " sabi ng Principal.

"Sige po kakausapin namin ang mga parents ng biktima at ililipat namin ng school ang anak namin. Pero maiba tayo, nasan nga pala si Sam?" Tanong ko kasi di ko pa nakikita yung anak ko.

"Nasa clinic. Pagkatapos nya kasing magwala ay nawalan sya ng malay. Tara samahan ko na kayo" sabi sakin ng principal. Nakarating na kami sa Clinic at gising narin ang anak namin.

"Siguro naman Ms. Yukimi na aware ka sa pinag gagawa mo?" Pagtatanong ni principal kay Sam.

"Po? Ano pong ginawa ko? Sa pagkaka alala ko po wala naman akong nilabag na regulations and rules?" Nagtatakang tanong ng anak ko. Nagkatinginan kami ng asawa ko at ni  Principal.

"Paanong di mo natatandaan?" Gulat na tanong ni Principal. Pumunta ako sa harapan ni Principal.

"Sir usap po muna tayo sa labas" sabi ko  at lumabas kasunod si Principal.

"Sir nakikiusap po ako na wag nyo nalang sabihin yung mga nangyari kanina" pakikiusap ko kay principal.

"Pero bakit naman?" Tanong nito sakin.

"Baka po kasi maging ilap sya sa tao" sabi ko nalang.

"Naiintindihan ko" sabi ni Principal.

Ngayon na napag desisyonan na namin na ipapasok namin sya doon. Sa lugar kung saan sya nababagay. Lugar kung saan ang katulad nya/ namin ay namumuhay ng matiwasay. Sa lugar kung saan nya maaring matagpuan ang tunay nyang magulang.

*************************************
Hello guys😊 please do vote and comment ☺️.

(EDITED)

Crescent Academy : The  Powerful PrincessWhere stories live. Discover now