"Nice to meet you." bulong ni Leesa sa akin. Wait, nagets niya yung sinabi nito?

"Namjoon here. It's been a while?" patanong niyang sambit sa akin.

Nagstep forward yung lalaki kanina. Umatras naman ako. "Jeon Jungkook. Remember my name because you'll scream it soon." matapang na sabi niya.

I rolled my eyes. Scream his name? Scream his ass. Tss.

Tinuro naman niya yung katabi niya. He's the bastard na iniligtas ko na kahit kelan eh hindi daw magthathank you. "He's nevermind." Jungkook said.

"He's Kim Taehyung." sabi naman ni Namjoon sa amin. So that's his name.

Hinawakan ako sa baba nung Kim. "Don't you dare call my name in your little head, new kid." He said in annoyance.

New kid? Mukha ba akong five years old?

Mabuti at nahila ako nila Jess mula sa kanya o baka masamaan ko siya ng tingin.

I closed my eyes then bowed my head kasi hindi naman ako pwedeng magpakilala.  Pagkabow ko ay hinila ko na ang dalawa kong kasama palayo sa mga lalaking iyon. Hindi ako makahinga ng maayos kapag nagkokomprontahan na.

Malayo na din ang tinakbo naming tatlo. Mukhang tahimik pa silang dalawa dahil hindi sila umiimik.

"Ngayon lang ako nakakita ng nagtatanan pero tatlo." Ha? Bakit boses ng lalaki? My eyes widened of what I saw. How did they get here? "Oh babe, you held my hands."

What the? Sila yung nahila ko?

"Why are you not talking?" tanong ni Jungkook sa akin. Sabi ko palang na 10 meters ang pagitan namin bago mag-usap eh.  Isa siya sa nahila ko at yung isa? Isang lalaking sakit sa ulo. "Babe, speechless ka ba sa kagwapuhan ko?"

Huh? Anong speechless?

"She's mute, idiot." Napatingin ako kay Kim. In fairness, ang bilis niyang nalaman na hindi ako makapagsalita. Pigil na pigil lang akong magsalita kasi kailangan kong umiwas pero dahil mukhang kadikit ko ang malas sa mundo. We freaking crossed paths.

Hinawakan ako sa palapulsuhan ni Jungkook. He's eyeing me from head to toes. "Is that true, sweetie?" masuyong tanong niya. Bakit ang dami niyang alam na kung anu-anong tawag. Hindi naman babe at sweetie ang pangalan ko.

My true name's Kerstell Yoona. I just used my second name dahil gusto kong magbagong buhay. I want my old life minus all the misfortunes that happened to me.

Tumango ako sa lalaking ito. Nagulat ako ng guluhin niya ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na nga ako nagsuklay tapos guguluhin niya lang?

"Let's go Jungkook." Hinila naman siya nung kasama niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin. "I don't want to see your face."

Aba, ginusto ko bang makita siya?

Hindi.

"Bye baby!" Nailing ako sa tinawag niya sa akin.

"I'm Yoon-ah, pabo." I mumbled when they are walking towards the other direction.

---

"Kumusta ang runaway beauty with two extra hot papables?" pagtatanong ni Jessica. May binigay naman siya sa akin na hindi ko alam kung ano ang tawag. "It's a badge. Lahat ng student ay meron niyan for safety or emergency purposes."

Leesa seated beside me. "Students are not allowed to go outside the dormitory when the clock strikes at exactly 10:30 pm." She says. "Ang tawag sa oras na iyon ay hunting. Marami kasing mga masasamang tao ang napapadpad dito. Ang dala nila lagi ay gulo, alam mo yun?"

"May isang instance nga na sinunog nila ang girls dormitory." Napanga-nga naman ako sa sinabi ni Leesa. "Mabuti nalang at walang nasaktan that time. Kaya delikado kapag naabutan ka ng hunting season. At alam mo na siguro ang naghuhunting?"

Hunting season..

I signed them seven using my hands. Mukhang nagets naman nila iyon. "Yes, sila nga ang lumalabas kapag hunting." Jess confirmed. "They are able to track those bad guys in the school. Ang astig no? Nakikipagbasag ulo sila with a purpose."

Leesa gave me a small notebook. "You can observe them tapos isulat mo dyan. I can say that you already have the idea of those seven gorgeous boys' deadly sins."

Tumango naman ako at tipid na ngumiti sa kanilang dalawa. Dumating naman yung teacher namin kaya nagsiayusan na ang mga students. "Goodmorning." sabi naman niya. "Welcome to this school year." She said.

Binigyan naman kami ng course outline for the first quarter. Natigil siya ng biglang bumukas ang pintuan. May mga ilang taong nakatuxedo ang pumasok.

"Watch this epic moment." bulong ni Jess sa akin. Anong epic?

After tumingin sa paligid nung lalaki ay bigla siyang nagspray ng kung ano. Amoy alcohol naman ang winisik niya sa amin. Pagkatapos non ay nagulat ako ng may nakalatag na red carpet sa mismong room namin.

"Putcha, walang kupas." natatawang sambit ni Leesa na mukhang nageenjoy sa pinapanood niya.

Red carpet? May mga artista ba na darating?

Namatay naman ang mga ilaw at may parang spotlight lamang na nakasindi. Mataman lamang na tiningnan ng teacher namin ang nangyayari. Mukhang wala siyang balak na sitahin ang mga lalaki na iyon.

'Anong nangyayari?' I wrote that on a piece of paper then handed it to Jess.

Isang matamis na ngiti ang sinukli niya sa akin. "Just watch Yoon." excited na sabi niya.

Itinuon ko na ang atensyon ko sa nangyayari. Bigla naman na tumugtog ang music sa mismong room namin.

Nagsitayuan ang mga classmates namin pero hindi tumayo yung dalawa kaya naupo nalang din ako. "Thank you N.A. High!" Nakamicrophone naman yung babaeng nagsalita.

Kasabay noon ay masigabong palakpakan ng mga nanonood. "It's nice to be back!" They are familiar.

Ah sila yung nakita ko sa may elevator pero this time ay tatlo na sila. "Back my ass." Jess said with a low voice. "Kung may seven deadly sins, sila naman ang the three idiots. Char." Ewan ko kung joke niya lang iyon o totoo talaga.

Leesa tugged my hand. "Mas okay kung hindi mo makikita ang trio na yan or else mas magugulo ang buhay mo." She said.

Napatango naman ako. Aba, mukhang ang daming sakit sa ulo sa school na ito. Bakit ba ako nagpunta dito?

I came here to be free pero mukhang kahit anong gawin ko ay hindi tatahimik ang buhay ko.

"There's a rule to abide to survive girls." Nakuha nung nasa gitna ang atensyon ko. "Don't commin any of the sins." She said. Tinutukoy niya ba yung mga lalaking iyon?

"Don't you dare touch what's ours."

Wow, ang tanong sa kanila ba?

----

Laters XX

Se7en Deadly Sins || BTS FanfictionWhere stories live. Discover now