Chapter XXXIII

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumugod ako sa kanya at tinulak-tulak sya. “Pakshet ka, Princess! Isa kang witch! Wag kayong maniwala sa kanya, puro gawa-gawa lang ang kwento nya. Ba--”

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may tumulak sa akin kaya ako napaupo sa malamig na sahig ng hallway. Wala bang dumadaan dito? Wala bang pumipigil sa kanila? Gusto ko nang umiyak pero ayokong ipakita na talo ako. Ayokong ipakita na apektado ako sa mga sinasabi at ginagawa nila.

“Hindi gawa-gawa ang kwento ko, bitch. Hindi ako katulad mo na sinungaling. Sa bibig na mismo ni Aeron at Kuya nanggaling na ikaw ang dahilan.” sabi nya at para nanigas ako sa kinauupuan ko.

Napayakap ako sa braso ko dahil sa lamig. Ayokong tanggapin ng utak ko ang sinabi nya. Gawa-gawa lang nya iyon. Mula noon pa ay galit na sa akin si Princess at gagawa talaga sya ng paraan para lang masira ako sa lahat.

“Hindi totoo yan.” mautal-utal ko pang sabi at tumayo saka hinarap sya. Bago ko pa sya masampal ay may humawak na ng kamay ko sa likuran ko.

“Bitawan nyo ko!” sigaw ko at patuloy na nagpumiglas pero dahil sa dami nila ay wala akong nagawa.

“Totoong-totoo iyon, Audrey. Natanong mo na ba kay Aeron yun?” nang-aasar na sinabi nya.

Naramdaman kong nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko pero patuloy lang iyon pinigilan. Ayokong maniwala pero parang iba ang sinasabi ng puso ko. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko ay totoo lahat ng sinasabi nila.

Tiningnan ko sila isa-isa at parang may bumabara sa lalamunan ko sa bawat mukha na nakikita ko. Yung mga taong tinuring ko na kaibigan, yung mga taong lagi kong kausap, lahat sila ay nandito at pinagtutulungan ako.

Kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko ay nagawa ko pang tumawa ng mapait at tinigil ang tingin ko sa mga taong pinakamalapit sa akin na nandito.

“Pati ba naman kayo?” tanong ko na halos pumiyok na ako. Mahina lang ang boses ko pero punong-puno ito ng hinanakit.

Nag-iwas sila ng tingin sa akin. “Manggagamit talaga ang mga tao. Kapag wala na silang makukuha sayo ay iiwan ka na sa ere.” punong-puno ng pait at galit na sinabi ko.

Binaling ko ang tingin ko kay Princess at malamig sya na tiningnan. “Are you happy right now? Galit na sa akin ang lahat at ayaw na nila sa akin. Ito ang gusto mo di ba? Famewhore ka, gusto mo sayo lang ang atensyon ng lahat. Well sayo na. Haters are simply insecure bitches.”

Unti-unti syang lumapit sa akin at pumikit nalang ako habang hinihintay ang pagsugod nya. Nang biglang naramdaman ko na binitawan ako ng mga babae sa likod ko at may humili sa akin.

“You will pay for this, Princess. Lahat kayo.” sabi ng isang pamilyar na boses pero hindi ko iyon maaninag kung sino dahil nasa likod nya lang ako nakatago at medyo nagb-blur na din ang paningin ko sa luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Tahimik sila ng umalis kami. Patuloy nya lang akong hinihila. Hindi nalang ako umiimik, mas okay na ito kesa kasama ang mga taong iyon.

Pinunasan ko ang basang-basang mata ko gamit ang kamay ko dahil basa na din ang panyo ko dahil sa binuhos nila sa akin kanina. Ngayon mas naaaninag ko na ang mukha ng lalaking humihila sa akin.

“Kieth.” bulong ko at mas lalo akong napaiyak.

Bakit ba nage-expect ako ng iba? Bakit ba iniisip ko na sana sya nalang iyong humihila sa akin ngayon? Dapat ay magpasalamat ako kay Kieth dahil kung hindi sya  dumating ay malamang wala na ako sa ayos ngayon.

Hindi na sya nagsalita hanggang sa ipasok nya ako sa  clinic ng North High. May dalawang babae na nag-uusap doon nung dumating kami. Si Joey, yung best friend ni Clark at yung nurse.

“Audrey! Okay ka lang?” nag-aalalang lumapit sa akin si Joey pati yung nurse.

Umiling ako at pumikit. Hindi ako nagsasalita at sila na lang ang nag-uusap.

“May extra uniform o kahit anong damit ka ba Joey? Pwedeng ipahiram muna natin kay AD.” narinig kong sabi ni Kieth at sumagot naman si Joey na meron daw.

Tahimik lang ako hanggang sa nakapagbihis na ako at makarating sa sasakyan ni Kieth.

“Don’t mind them. Kakausapin na ni Clark si Princess at--”

Hindi ko na sya pinatapos at nagsalita agad. “Dalhin mo ako sa bahay nila Duke.” bulong ko pero sinigurado ko na maririnig nya.

“Let’s go to a bar. Want to drink?” wika nya at hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Tiningnan ko sya ng masama. “Dadalhin mo ako sa bahay ni Duke o tatalon ako dito sa sasakyan mo o papatayin kita dito?” galit na utas ko.

Bumungtong-hininga sya at tumango. “Right.”

Sumandal ako at bumuntong-hininga din. Naiinis ako sa kanila, sa sarili ko, sa lahat. Kakausapin ko si Duke at hindi ko talaga sya titigilan hangga’t hindi nya sinasabi yung dahilan nya kung bakit sya nag-quit. Hindi ako ang pwedeng maging dahilan nya. Wala syang pakialam sa akin.

Bumagabag sa akin yung gabing sinabi nya yung ‘I will choose you now, Audrey.’. Umiling-iling ako, hindi iyon ang ibig sabihin nun. Ayokong maging assuming.

Inayos ko ang sarili ko ng makarating na kami pero bago ako bumaba ay tinawag ulit ako ni Kieth.

“I will wait for you. Nandito lang ako.” sabi nya at wala sa sariling tumango nalang ako.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nagkakahalo-halo na. Kaba, sakit, galit at pag-aalinlangan.

Dire-diretso nalang ang pasok ko dahil kilala naman na ako sa bahay nila. Agad na sumalubong sa akin si Harley at nakita ko pa ang nanlalaki nyang mga mata. May problema ba?

“Ate Audrey.” sabi nya at bakas sa boses nya ang kaba. Pati yung kaba ko ay dumoble dahil sa boses nya.

Nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Tita Elle galing sa kusina nila. Punong-puno ng pag-aalala ng mukha nya.

“Halika, Audrey. Maupo ka muna. Aalis ba kayo ngayon ni Harley?” tanong nya habang hinihila ako papaupo pero nagpapigil ako. Wala akong oras para kausapin sila. Kailangan ko munang makausap si Duke.

“Si Duke po, nasaan?” nauutal na tanong ko. Nagkatinginan sila at mas lalong akong kinabahan. Parang may mali at dapat ko iyong malaman.

“May problema ba?” tanong ko ulit.

“Upo muna tayo, Ate Audz.” sabi ni Harley at nagpahila na ako sa kanya papaupo. Hinawakan nya ang kamay ko ng umupo sa harap namin si Tita Elle. May mali talaga dito ngayon.

“Audrey..” simula ni Tita Elle pero nagsalita ako kaagad.

“Tita, si Duke ang kailangan ko. Please.” Ayokong maging bastos pero gustong-gusto ko na talagang malinawan.

Nakita kong lumungkot ang mata nya na tiningnan si Harley bago tumingin ulit sa akin. Humigpit lalo ang hawak ni Harley sa kamay ko.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin ng sa wakas ay magsalita si Tita Elle.

“Duke’s gone.” umpisa nya at parang may bombang sumabog sa puso ko. Natulala ako at parang may dumagan sa akin ng mabigat.

“Nasa Cebu sya and hindi ko alam kung saan sa Cebu. Ayaw nyang hanapin namin sya. We respect his desicion dahil alam kong alam na nya ang ginagawa nya.” dagdag nya.

May kung anong bumabara sa lalamunan ko pero pinilit kong magsalita. “Kelan po sya babalik?”

Mas lalong lumungkot ang mukha ni Tita at sa tingin palang nya ay parang alam ko na ang sagot. At hindi ko iyon matanggap.

“Months or years. I don’t know when, Audrey. May natanggap syang scholarship sa isang university doon at matatagalan sya.”

Tulala lang ako sa mga sinabi nya at naramdaman ko ang pagpatak ulit ng mga luha ko.

Pakshet ka, Duke. Pagkatapos mong gawin lahat ng gulong ito ay iiwan mo lang ako sa ere. You’re so unfair.

*

Comments?

Princess[media]

xoxo

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon