"Hindi na po niya ipinalabada. Ipapalaundry nalang po daw niya."




"Ha ? Bakit ?"




Ikiniling niya ang mga balikat at ibinigay dito ang perang ibinigay ni Tony.




Nagulat man ay tinanggap nito ang tatlong libo nang walang tanong-tanong. Pumasok na siya sa loob ng bahay nila para maghanda ng tanghalian.






"MAY masama atang hangin ngayon, kaya ka napadpad dito sa bahay ko." wika ni Joao pagkatapos pagbuksan si Tony ng gate. Nauna na siyang pumasok sa bahay nito habang isinisarado ang gate.




"Hindi lang masama. Masamang-masama." umupo siya sa sofa na nakalagay sa sala nito at ini-on ang tv.



"Anong klase ?"




"Dumating na siya."




Kumunot ang noo nito. "Sino ?"





"Si Donny .." gaya nang reaksyon niya nang makita ang stepbrother kahapon sa labas ng gate ay ito din ang reaksyon ng kaibigan.






"Ano na ang ginagawa niya dito ?" hindi makapaniwalang tanong ni Joao.




"He will live here forever, with us."



" Oh, pero bakit ? Ang sabi mo noon ay mas gusto niya ang ama mo kaya siya nanatili sa America. And now ?"




"Namatay ang tunay niyang ina at hindi naman iba si Donny kay mommy kaya nang malaman niya iyon, ayun ! Pumayag na sa bahay manirahan si Donny. Actually, ayaw naman daw ni dad na umalis siya pero, iyon ang gusto ni Donny."




"Just accept him bro," walang emosyong wila ni Joao. "Baka ito na ang pagkakataon na magkabati kayong dalawa."




"I will never accept him, forever. Sa tuwing nakikita ko siya ay parang may kumukulong tubig sa katawan ko—"




Nahinto lamang sila sa pag uusap ng may malakas na pumupokpok sa gate ni Joao.




Nagkatinginan sila at lumabas na nang bahay. Pagbukas nila ng gate ay nakita nila agad ang humihingal na si Edward.





"Papunta na dito sina Zeus kasama ang lalaking nagngangalang Jameson," tiningnan sila nito na parang may ginawa silang masama. "Sabi sa akin ng isang kasamahan nila ay inagaw niyo daw sa kanila ang mga girlfriend nila. Totoo ba iyon ?" pinagpalit-palit nito ang paningin sa kanilang dalawa. "Oh ano ba kasing ginawa niyo ?"




"Ang mga babaeng iyon naman ang lumapit sa amin. At isa pa, hindi namin sila inagaw, —"




"Just get out of your house now. Sigurado akong pag nakita nila tayo dito ay susugurin talaga nila ang bahay mo." sabi ni Edward na tumingin sa di kalayuan nang makita sina Zeus ay nanlaki ang mga mata.




"They are here! Kaya bilisan na natin." Ini-lock ni Joao ang gate pagkatapos ay tumakbo na.




Nang malayo-layo na sila sa bahay ay nakita sila nina Zeus at mga kasama nito.




"Bumalik kayo dito mga hunghang!"




Gustong gusto man nilang harapin ang mga ito ay hindi pwede. Wala silang kaya sa mga ito dahil napakarami nang mga ito at tatlo lang sila. Mabilis silang tumakbo na tatlo.





Kahit magtago pa sila ay alam nilang makikita at makikita sila ng mga ito.




"Kailangan na natin mag tago, Tony. Pagod na ako." wika ni Edward. "Kanina pa tayo tumatakbo"




"Masusundan parin nila tayo." sagot ni Joao.





Nang marinig ang mga yabag ng grupo nila Zeus ay mabilis na gumana ang isip niya. Lumingon siya sa paligid, nasa subdivision parin sila.



Inilibot niya ang paningin and a sudden smile came out from his lips nang may makitang lugar kung saan sila pwedeng magtago.




"Guys .." itinuro niya sa di kalayuan ang isang maliit na bahay na nakatago sa isang malaking bahay. Nakikita nila iyon kasi nasa likod sila at alam niyang sa harap dadaan sina Zeus at hinding-hindi mag iisip ang mga ito na nandoon sila dahil sa maliit ang bahay na iyon. Itinaas niya ang isang paa at nakapasok na sila kabahayan.





TININGNAN ni Kisses ang orasan na nakasabit sa dingding ng bahay nila. Alas dyes na pero hindi parin umuuwi ang nanay at tatay niya. Inaantok na siya at hindi na niya mahihintay ang mg ito.




Papasok na sana siya ng silid nila ng may marinig na kaluskos. Nanayo ang balahibo niya. Nasundan ba siya doon ng mga lalaking gusto siyang patayin ?





Mabilis na kinuha niya ang frying pan na nandoon sa lababo nila at hinanda iyon bilang sandata niya pag nakapasok na ang mga ito.




Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa direksyon ng mga kaluskos.



Itinaas niya ang hawak niyang frying pan nang marinig na malapit na ang mga ito sa direksyon niya.




Muntik na nang mahulog ang hawak niya nang makilala kung sino ang mga nagmamay-ari ng kaluskos na iyon. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.




"Anong ginagaw—" tinakpan ng lalaking nasa likod niya ang bibig niya. Ano ang ginagawa ng mga ito sa bahay niya ? At paano nalaman ng mga ito na doon siya naninirahan ? Sinusundan ba talaga siya ng mga ito ?















BITIN BA ? BAWI AKO NEXT CHAPTER ;) Don't forget to vote please for chapter 8 :)

GANGSTER BABE Where stories live. Discover now