Chapter 11: James

Start from the beginning
                                    

Am I dreaming? Totoo ba ito? Isang Jonathan Vargas ang nasa harapan ko ngayon? Pero bakit? Paano nangyari ang bagay na ito? Mukhang totoo nga. Hindi ko na lamang binigyan pansin ang taong iyon. Bagkus, muli kong ibinalik ang aking pagtingin sa binatana ng aming room.

Hours had passed by, nang matapos ang isang subject namin. Ngayon ay breaak time na, wala akong kasabay dahil nauna nang nagpaalam saakin si Jess. Kaya I have no choice kung hindi kumain na lamang ako ng mag-isa. Ako na lamang ang naiwan sa room dahil inaayos ko pa ang aking gamit. Nang may isang boses ang nagsalita out of nowhere, naging dahilan rin iyon para mapatigil ako sa aking ginagawa.

“Hindi ko alam na dito ka pala nagro-room?” Tanong nito sa akin. Hindi ko siya sinagot at tinignan. Muli kong itinuon ang aking sarili sa oag-aayos ng aking gamit.

“Bakit hindi ata kita nakita kanina nung pumasok kami kanina? Nagtago ka ba kasi alam mo na isa ako sa malilipat rito?” Dahil sa ginawa niyang iyon, ay doon ko na siya tinignan.
Hindi ko pa rin siya sinasagot. Patuloy lamang ako sa pag-aayos ng aking gamit. Kaya nung wala itong nakuhang sagot mula sa akin. Agad itong nagtanog muli.

“Are you trying to escape on me?” Tanong nito saakin. Hinawakan niya ako sa aking braso ng mahigpit. Dahilan iyon uoang mapa-aray ako sa ginagawa niyang paghawak saakin.

“I should be the one who asked you that question, Jonathan.” Balik kong tanong sa kaniya.

“Ang tanong ko ang sagutin mo, James. Iniiwasan mo ba ako? Bakit ayaw mong sumagot? Wala ka bang naririnig?” Pasigaw na pagtatanong nito.

“Sagutin mo muna ang tanong ko. Bago ko sagutin ang sa ‘yo.”

“Fuck! Fine! Oo na.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Kinuha ko na ang pagkakatong iyon upang alisin ang aking braso sa kamay niya. Napahawak naman ako sa braso kung saan njya ako hinawakan ng mahigpit. Bakas roon ang kaniyang kamay at bahagya iyong namula dahil sa higpit.

“For your information, James. Bakit naman kita iiwasan? It’s just that, naguguluhan ako. I mean, we don’t know each other. We are both strangers. Doon ako napa-isip. I don’t know if you have a motive on me that is why you already considered me as your friend. Or, baka isa ka sa kasabwat nung apat na lalaking bumugbog saakin. Huhulihin ‘yung loob ko then what? Ise-set up ako. Don’t get me wrong. Sana nauunawaan mo ako. But still, I’m not avoiding you.”

“Okay. Hindi kita iniiwasan or what. Hindi rin naman ako nagde-demand sa ‘yo na pansinin mo ko dahil alam ko naman na parehas tayong strangers. At tulad nga nung sinabi mo. Nauunawaan kita kung bakit mo ginawa ang mga bagay na ‘yon sa akin. Pero ‘di ba nga? Ang sabi ko sa ‘yo, na simula sa araw na ‘yon ay magkaibigan na tayo.

I don’t have any motive in you. Hindi ko rin naman kilala ‘yung apat na lalaking gumulpi sa ‘yo. Kaya ko sinabi na magkaibigan na tayo, dahil nakikita at nararamdaman ko sa ‘yo na mabait ka. Tsaka may mabuting loob. Pero ikaw, nasa sa ‘yo pa rin kung gusto mo akong maging kaibigan rin. Hindi naman kita pinipilit.”

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit niya ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw. At hindi ko rin naman siya masisisi kung ganun nga ang ginawa niya.

“Paano ba ‘yan? Tutal we’re okay na. Mauuna na ako sa ‘yo. Medyo gutom na rin kasi ako.” Pagpapaalam ko rito.

Akmang maglalakad na ako nang bigla akong pigilan ni Jonathan. Napatingin naman ako rito at sa tingin na aking binibigay sa kaniya ay pawang pagtatanong.

“Sabay na tayo. Gutom na rin ako.” Pagsasalita nito at napakamot sa kaniyang ulo. Napatawa naman ako sa naging reaksyon niya.

Nang mga sandaling ito, parang nahihipnotismo ako ng lalaking ito. Guwapo siya, may mapupungay na mga mata, matangos na ilong at medyo chinito na kulay at may makakapal na kilay rin. At sa pangalawang pagkakataon, muli ko siyang napagmasdan ng malapitan.

Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ng University. Nagulat naman ako sa kaniyang ginawa. Bigla niya na lamang akong kinindatan ng walang pag-aalinlangan. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.

Pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngin at namumula ang mga ito. Kinikilig ba ako sa ginawa niya? O, sadyang nagulat lamang ako sa kaniyang ginawang pagkindat saakin? Nang mga sandaling ito, gusto ko na lamang magpalamon sa lupa upang makatakas sa kahihiyan na aking magawa.

Sa buong maghapon, magkasama kaming dalawa ni Jonathan. Parehas naming napagdesisyunan na huwag pumasok sa last subject namin. Kaya ang ending, inaya niya ako papuntang Mall. Gusto niya raw maglibang at magtanggal ng stress. Kaya wala akong nagawa kundi ang samahan siya sa gusto niyang gawin.

I think, it was too different than before. Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayong kasama ko si Jonathan. This scenario isn’t normal for me. And I think, my heart beats so fast. Parang ang puso ko ay nagsisimula nang tumitbok para kay Jonathan. Should I feel this way? Tama ba itong nararamdaman ko?

Crazy In Love With You [BOYXBOY][Completed]Where stories live. Discover now