"Bitiwan niyo siya !" ang huling narinig ni Kisses bago siya nawalan ng malay.




NANG imulat ni Kisses ang mga mata niya ay puting mga bagay agad ang nakita niya. Nasa langit na ba siya ?



"You are not in heaven, kung iyan ang iniisip mo." wika ng isang pamilyar na boses.


Nanlaki ang mga mata niya nang mapag alaman kung kaninong boses iyon. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Everything is white, maging ang kama nito ay puti pero may disenyo iyong .. shark ?



Dahan-dahan niyang tiningnan ang lalaking nakaupo sa sofa na nakalagay sa silid na iyon. Nakangiti ito, showing his white teeth and seductive eyes. Iyon ang rason kung bakit ilang gabi siyang di makatulog simula ng makita niya ang ngiti na iyon.


Ibinaba niya ang paningin sa suot niya. Nagulat siya ng hindi niya kilala ang damit na suot niya. May hindi ba siya natatandaan ? May nakaligtaan ba siyang pangyayari ?


Ang huling naalala niya ay ang pamilyar na boses nito.



I-kin-rus ni Kisses ang mga kamay sa katawan niya nang makita ang mga mga mata nitong nakatingin sa kanyang katawan. "Anong ginawa mo sa akin ? Nasaan ang d-damit ko ? A-at bakit ako nandito ?"



Itinaas nito ang dalawang kamay. "Wala kong ginawa sa iyo, Kisses. Ipinagtanggol pa nga kita. At sa damit mo naman, ipinalaundry ko pa kasi napuno ng dugo. Hindi ko alam kung saan ka nakatira kaya wala akong choice. Dito nalang kita dinala."



"Don't tell me ikaw ang-"



"No." mabilis na sagot nito. "Si yaya ang nagbihis sa iyo. Kung iyon ang iniisip mo." huminga ito ng malalim. "Bakit ka ba mag isa lang na naglalakad sa daan at sa gabi pa ? Paano kung hindi ako dumaan ng mga oras na iyon, ano ang gagawin mo ?"




Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. "Ano ang na ang nangyari sa mga lalaki kagabi ?"



"Huwag kang mag alala hindi na iyon babalik pa para saktan ka uli."




"Paano ka nakakasiguro ?" Kinabahan siya ulit.



Lumapit ito sa kanya at tiningnan siya. "Just trust me, okay ?"




Ibinaba niya ang dalawang kamay at tumingin sa mga mata ni Tony. Kahit nasa sofa ito at siya ay nasa kama nito ay para nang sasabog ang puso niya sa kaba. The guy is so handsome kahit damit pambahay lang ang suot nito. At lalong tumibok ng mabilis ang puso niya ng makita ang mga mata nitong parang concern sa kalagayan niya.





"Masisisi mo ba ako eh, iyon naman talaga ang oras ng off ko sa trabaho." tumayo siya at napangiwi ng maramdamang sumakit ang braso niya. "At isa pa, sanay naman ako maglakad ng disoras ng gabi.



"Humiga ka muna diyan. Linggo ngayon at walang pasok kaya magpahinga ka muna-"



"Kailangan ko nang umuwi. Hinahanap na ako ngayon ng mga magulang ko." Nang maalala ang ina ay kinabahan na naman siya. Alam niyang galit na naman ito dahil hindi siya umuwi ng maaga. Galit ito parati.



"Okay fine, pero ihahatid kita." nang sabihin nito iyon ay bigla siyang nailang. Ayaw niyang malaman nito kung saan siya nakatira dahil alam niyang pagtatawanan lamang nito ang bahay nila kung makita nito iyon.



"Hindi, kaya kong umuwi mag isa." sagot niya at hinanap ang sapatos niya. Pero hindi niya makita iyon. "Nasaan ang sapatos ko ?"



Tiningnan siya nito and exhaled deeply. "Nasa sala, kukunin ko muna." wika nito at walang lingon-likod na naglakad palabas ng silid.



GANGSTER BABE Where stories live. Discover now