MTJAB-Season 2: Chapter 34

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ikaw ang kumusta, Ate?"

"Ha? M-maayos lang ako dito. H'wag mo akong alalahanin." Nagkakandabuhol buhol na ang dila ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa rin natatahimik ang sistema ko dahil sa kanya.

"Nagkita na kayo?" May panunuya sa boses ni Eris pero halatang halata na bumubulong na lang siya ngayon na para bang ayaw niyang marinig ni Nanay ang boses niya. Ngumiti siya nang nakakaloko at parang may tinype siya mula sa Skype. Napatingin ako sa message box ng Skype nang tumunog iyon.

Back for good.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Mukhang pinipigilan ni Eris ang pagtawa niya ng malakas. Narinig kong nagpaalam siya kay Nanay na lilipat siya sa kwarto niya. Pinanood ko ang paglalakad niya habang dala ang laptop niya pero doon lang siya sa sala pumuwesto.

"Hindi naman siya tumigil sa pagmamahal sa'yo, Ate." Biglang bungad ni Eris nang makalabas siya ng kwarto nila Nanay.

"Eris!" May halo ng pagbabanta ang sigaw ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"Pero nasasa'yo pa rin naman ang desisyon. Kung kay Kuya Kevin ka na, okay lang. Mabait naman yung tao. H'wag kang mag-alala, wala naman akong sasabihin kay Nanay. Panahon na rin para sumaya ka. Naiintindihan kita, Ate. Aalagaan ko naman sila Nanay pero syempre, kailangan ko pa rin ng gabay mo." Magsasalita pa sana ako pero mabilis na pinatay ni Eris ang Skype niya. Nahampas ko yung lamesang pinagpapatungan ng laptop ko.

Sumandal ako sa sofa at huminga nang malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko at mabilis na umanggulo sa isipan ko ang mukha niya. Yung mga mata niyang napakalamig ng titig sa akin, maging ang pagkakakunot ng noo niya sa tuwing dumadako ang tingin niya sa amin ni Kevin. Napabalikwas ako nang maalala ko ang sinabi niya kanina. Binabantayan?

Mabilis akong nagbukas ng Facebook ko. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling beses na nagbukas ako nito. Wala naman kasi akong mapapala sa Facebook pero bakit pakiramdam ko may dapat akong makita dito?

Nanlaki ang mga mata ko dahil ang dami kong friend requests na hindi ko naman kilala. Maging ang mga messages sa akin ay hindi ko rin kilala kung sino. Tambak na rin ang notifications ko. Binuksan ko ang isang messages ni Claire dahil bago iyon.

Online ka?

Kahit hindi ko naririnig ang pananalita niya, alam kong malaki ang tampo niya sa akin. Binasa ko pa ang ibang messages niya at ang iba roon ay nung panahon na naghahanda pa lang ako para lumabas sa showbiz.

He's a mess, nasaan ka ba? Hinahanap ka ng lahat, pati ba ako iiwasan mo na?

Sisteret, I'm your best friend. Bakit kailangang sa iba ko pa malaman na nakipaghiwalay ka kay Liam? Tell me what happened?

I hate you so much. Hindi mo ba ako namimiss?

Nag-aaway na naman yung magkapatid because of you. Pati yung Daddy nila, pumagitna na sa kanilang dalawa. Nasaan ka ba kasi?

Artista? Wow, akala ko ba ayaw mong mag-artista? Pero bakit nandiyan ka na ngayon sa rurok niyan? Ito ba ang dahilan kaya pati ako tinalikuran mo na?

You changed your phone number! Nakakainis na.

Napalunok ako. Claire is my best friend pero ni hindi ko man lang nagawang magtiwala rin sa kanya. Gano'n na ba ako katakot magtiwala? Na kahit siya, hindi ko na naalala pa pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin ni Liam? Maging yung usapan namin tungkol sa pagbigay ko kay Liam sa sarili ko, hindi ko naipagkatiwalang ikwento sa kanya.

Biglang tumulo yung luha ko. Oo nga't halos lahat ng pangangailangan ko sa buhay ko ay meron ako pero bakit kulang pa rin ako? Kulang ako kasi wala si Claire sa tabi ko. Wala yung best friend kong palaging nakahampas sa akin sa tuwing natutuwa siya sa mga nangyayari sa buhay ko at higit sa lahat, kulang na kulang ako dahil wala siya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon