Chapter 19 - Batangas Day! (Part 2)

19 1 2
                                    

Juliana's POV

"Casimir?" napatingin kaming lahat dun sa babaeng tumawag kay.... Gian.

Casimir? Casimir ang tawag nya kay Gian? Akala ko ako lang..... lol. Ang ilusyunada ko. As if naman kasing magugustuhan nya talaga ko diba? Baka naguguluhan lang sya.

"Marta?" Sabi ni Gian dun sa girl.

"Wow. Naalala mo pa pala 'ko hahaha."

"Oo naman no. Ako pa." Sabi ni Gian ng nakangiti. Naka ngiti sya. Wala lang. Naka ngiti lang sya.

"Bro. Sya ba yung russian dun sa party?" Singit ni Cormac.

"Yeah." Gian.

Russian pala sya.

"Nagtatagalog ka pala?!" Cormac.

"Narinig mo naman diba?" Sabi nung girl. Oo nga naman. Baliw talaga to si Cormac. Pero hindi, ayoko parin sa kanya.

Bat nga ba 'ko naiinis?

"Sabi ko nga eh.." Sabi ni Cormac na napakamot na lang sa ulo.

Ngayon ko lang napansin, di na hawak ni Gian yung kamay ko. Kanina pa. Dumating lang yung babaeng yan, wala na ko. Binitawan na ko.

Sht. Oh no. It's not what you think. Im not jealous. Not anymore. I'm done with it.

Naiinis lang ako kasi.... hmm.... para kong option? Yeah. Option. Second choice. Parang ganun.

May dumating lang, iwan ka na. Pag wala yung isa, sayo pupunta.

.

.

.

.

.

.

.

Teka, ang lalim naman ata ng "Option" sa lagay ko ngayon. Di naman ako iniwan, binitawan lang naman kamay ko. Bat ba ko naiinis? ugh!

Di ko namalayang, iniwan ko na pala sya doon at sumabay kila Aeya....with matching frown.

I'm frowning and he's smirking at me.

What's the meaning of his smirk? Ugh.

Di ko na lang sya pinansin at nag ayos. Tignan mo, andami kong naiisip pero yung takot ko sa mga ganto, nakalimutan ko na. Di ako mahilig mag ganto kaya.

"You're acting jealous, aren't you?" Sa gulat ko, nahagis ko yung helmet na dapat susuotin ko na. Bwiset na to. Nanggulat pa.

And he's still smirking.

"You love doing that." Im preferring to his smirk.

"What?" Di ko na sya sinagot at inirapan ko na lang. Am I being brat again?

"Selosa ka pala ah! Hahaha! Don't worry! She's nothing!" Sigaw pa nya. Iniwan ko na kasi sya dun habang nag aayos pa sya. Eh ako, okay na so pumila na ko. Si Kelly, Daniell tapos na magtry. Si Cormac, kakatapos pa lang. Next, si Aeya na. And then, ako. Woo kaya ko yan.

Wait. Ano nga sabi nung mokong na yun? Selosa 'ko? Huh!

"Ako? Selosa? Hell no! Magsama kayo ng Marta mo!"

O_________O

Now, he thinks Im really jealous -___-

"Di ka nga selosa hahahahaha!"

Si Aeya nagtry na. Parang ang saya nila? Di ba sila natakot? O masaya lang talaga to?

"Kuya, ako na next. Pakibilis po." Sabi ko kay kuyang nag ooperate dito. Basta yun! Kahit kinakabahan ako, okay lang. Basta malayuan ko tong si Gian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Untold StoryWhere stories live. Discover now