Chapter 12 - Is he?

24 1 2
                                    

Gian's POV

Andito kami ngayon sa school. Hinihintay si Cormac. Ngayon na kasi kami pupuntang Isabela para dun sa project. Si Aria kanina pa mainit ang ulo. Pano ba naman ang usapan 9, eh 10:30 na. 1 hour and 30 minutes na kaming naghihintay dito.

"Asan na ba yang magaling nyong kaibigan!!" sabi ni Aria. Gagalit na eh.

"Di naman sinasagot yung tawag namin." Daniell.

"Wala talagang pinagbago to si Cormac..." bulong ni Juliana.

"Ano?" tanong ko. Pano nya naman masasabi yun? Magkakilala na ba sila dati?

"A-ahh.. wala. Tawagan nyo ulit sya."

Tinawag ko na si Cormac. After ng dalawang ring, sa wakas dumating narin.

"I'm here!!" Cormac.

"Ano ka ba naman!! Usapan naten 9. Dumating ka 10:36!!!" Sino pa? edi si Aria.

"Aray ko naman! Ang sakit sa tenga!"

"Eh dapat lang yan sa mga taong di marunong tumupad sa usapan!"

"Pwede mag sorry? Na-late ako ng gising! Tara na nga! Umagang umaga, nambu-bwiset ka."

"Oo nga eh. Umagang umaga nambu-bwiset ka!" sabi ni Aria at sumakay na kami sa van.

Madami kaming dalang pagkain para sa mga magsasaka doon. Kapalit sa pagtulong samin sa project.

Si Daniell, Aria at Cormac ang magkakatabi. Kami naman ni Juliana ang nasa likod nila. Si Daniel nagbabasa ng libro. Si Aria naka-earphones so malamang nakikinig siguro ng music. Si Cormac naman may katext tas mamaya may katawagan din. Mga babae nya. Ako, nagsosountrip lang din. Si Juliana naman nakadungaw lang sa bintana. Halatang malalim ang iniisip.

"Malulunod na ata ako ah." sabi ko sa kanya kaya napalingon sya sakin.

"Huh? bakit?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo." pagkasabi ko nun, si Daniell halatang nagpipigil ng tawa. Yung dalawa naman dedma lang.

Narinig ko lang naman yun nung nanonood ng tv yung katulong namin. Corny ba? tss.

"Pfft-hahaha. Wala to." sabi nya at dumungaw ulit sa bintana.

"Something wrong?"

"Nothing wrong."

"Di wag."

Ako na nga tong may concern sa kanya eh. Psh. Akala ko pa naman magkaibigan na kami. Bat di nya ko pagkatiwalaan? Nakakaasar. Bala sya dyan.

Sinalpak ko na lang ulet yung earphones ko

"You never changed.."

Huh? Ano daw? May sinabi sya di ko narinig.

"May sinasabi ka?" masungit kong tanong.

"Wala." sabi nya at natulog.

Ano bang problema nya? Ang hirap talaga intindihin ng nga babae. Tch.

Sya nga ba ko ako? hayy.

Daniell's POV

Lahat sila tulog na. Except kay Cormac. Putek. Ang ingay nga eh, kanina pa sya may tinatawagan tas puro kalandian sinasabi. Kanina pa nga takla ng takla si Aria eh, naiingayan din siguro. Kaya imbis na sawayin ko si Cormac, hihintayin ko na lang si Aria ang magsaway sa kanya hahaha. Mas exciting.

The Untold StoryWhere stories live. Discover now