Chapter 8 - Familar scenes

34 1 0
                                    

Aria's POV

Hi guys.

Aria Montes at your service. Lol.

Ako lang naman po yung kasama ni Gian nung na detention kami.

Okay, let me tell you about myself...

I'm 18 years old. Studying at La'Fallejo University. Hindi kami mayaman. Hindi rin kami mahirap. May kaya lang. Hindi malaki ang bahay namin. Hindi rin maliit. Sakto lang hahaha. Totoo naman eh.

Middle class kumbaga.

Natanggap kasi akong scholar sa LFU. Sports po.

Well, volleyball is my thing.

Nakita daw ako ng isang coach nila dito na naglalaro ng volleyball sa school ko nung highschool and yun, nag offer ng scholarship sakin after a week. Sinabi nya na rin daw yun sa principal. Pumayag naman si mama kasi big time tong LFU kaya okay na rin sakin. Sayang lang di ko na makikita crush ko :( nasa ibang university sya eh.

"Hoy friend! Kanina ka pa tulala dyan?" sabi ng kaibigan kong lukaret na nagngangalang Kaye.

"Huh? Wala, may iniisip lang ako."

"Sino? Yung poging anak ng may ari ng school no? yieeeee ikaw ah!"

Luh? Di no. Si Gian? Ew.

"Di ko sya gusto, okay?"

"Sus. Wag ka magsalita ng tapos." sabi nya habang nag-aayos ng buhok.

"Ewan ko sayo. Tara na nga, ma-late pa tayo."

Nandito pa kasi kami sa bahay. Dito sya natulog. Madalas na nga yan dito eh. Bestfriend naman kami since highschool kaya okay lang sa parents namin. Parehas kaming scholar sa LFU. Mahilig din syang mag volleyball eh.

Pagkadating namin sa school, dumiretcho na ko agad sa room. Si Kaye kasi may dinaanan pa and iba ang klase nya. Architecture kasi ang course nya eh.

Okay. Andito nanaman si Gian and friends.

Hay. Naalala ko nanaman yung nalaglag ako sa upuan. Bwiset talaga yun!! Ayoko pa naman ng napapahiya.

"Ms. Montes!" Gian. Bakit ba 'Ms. Montes' tawag neto sakin. Para kong teacher kung makatawag ah. 

Di ko sya pinansin. Yaan mo sya dyan. Hmp.

"Snob ah." Gian. Di ko pa rin kasi sya pinapansin.

"Tss." Sabi nya haha!

Sakto namang dumating ang prof namin.

"Today, we have a group activity. Each group will have 5 members. Okay I will tell you kung sino sino yung magkaka-grupo..."

Hay nako. Mas okay kung individual na lang eh.

"Group 1..... *blah blah blah*"

...

"Group 4, Cormac Mclaggen, Daniell Fajardo, Gian Casimir, Aria Montes, and Juliana Buenaventura."

Ano daw???!!! Pambihira naman oh. Kagrupo ko pa tong trio na to. Si juliana naman di ko pa ka close.

"Group 5, Marcus Dale, Thomas De Vera, Lian Franco, Aeya and Kelly Hudson. So, pwede na kayong pumunta sa group nyo and leader, pumunta dito sa harap."

Nagsitayuan naman kami at pumunta sa mga group.

Badtrip.

"Sino leader?" Cormac.

The Untold StoryWhere stories live. Discover now