Chapter 13 - "First date"

19 1 0
                                    

Aria's POV

Tatlong araw na ang nakaraan nung pumunta kaming Isabela. Natapos na rin naman yung project. Kaya ipapasa na namin mamaya.

"Kaye. Pwede favor?" kasalukuyan kaming lumalamon ni Kaye ngayon. Maya maya kasi, magbibihis na ko. Free cut kasi kami ngayon. At mamaya, may practice ng volleyball.

"Wala kong pera."

"Di ko kailangan ng pera. Diba crush mo si Gian?"

"Ah. Oo, bakit? Crush mo din?!"

"Baliw. Gusto ko lang naman ibigay mo to sa kanya tas pasabi na sya na lang magpasa kasi may kailangan pa kong gawin. Eh tutal nakabihis ka naman na eh. Ako kasi, hindi pa. Okay lang?"

"SURE!!" sabi nya. Crush na crush nya kadi si Gian. Inggit na inggit nga daw sya sakin kasi lagi kong kasama.

As if namang gusto kong kasama yon?! Psh. Okay. Masaya naman syang kasama. Di ko nga akalain na mabait pala yun eh. Kasi wala naman syang pinapansing babae dito sa campus except saming dalawa ni Juliana.

"Basta pag kay crush, g na g ka ah."

"Oo naman yes!" sabi nya sabay pacute. Haha.

After namin kumain, dumiretcho ako sa cr sa may locker room. Sya naman.dumiretcho kay Gian.

Habang nasa cubicle ako, may mga narinig akong nagchichikahan.

"Omg. Andyan sila sa labas. Manonood ata sila ng practice. Kailangan kong galingan. Kailangan mapansin ako ni Gian."

Sus. Mga fans ni Gian?

"Andyan din si Marcus, girl. Maayos ba ko tignan? Sana mapansin nya na ko. Di hamak naman na mas maganda ko kaysa kay Juliana no. Bwiset na babae yun."

"Yeah! And her friend na poor. Sino nga ulet yon?"

"Ariel? Aira? Ahh! Aria!"

Aba. Nadawit pa ko. Sino ba tong mga to. Sampalin ko kaya tong mga to. Wala ng ibang ginawa kundi magchismisan.

"Yes, yun nga. She's a Gold digger! Nakikipagkaibigan sya kila Gian, Juliana... para makakuha ng pera!"

Ako?! Gold digger?! Wow ah!! Wala kong pake sa mga pera nila no! Bwiset na to.

"Makakaganti rin tayo sa kanila, dont worry. Tara na nga."

Wala ng nagsalita kaya lumabas na ko at dumiretcho sa locker ko.

"Aria! Varsity ka rin pala?"

"Uy. Oo."

Si Juliana. Nakabihis din sya katulad ng uniform ko. So it means, kasali din sya sa varsity. 

Sabay kaming lumabas at pumunta sa court kasi sakto yung labas namin. Biglang pumito yung coach.

Kakampi ko si Kaye at Juliana at iba pa. Di ko kilala eh. Kalaban namin yung dalawang bruhang sumabunot samin tas may iba pa din.

Habang naglalaro, ngayon ko lang narealized na andami palang nanonood. At ngayon ko lang din narealized na dahil pala kay Gian at kay Marcus yun. Nanonood sila eh. Yung nga girls kasi sa kanila nakatingin hindi samin. Nakakahiya naman. Sana sila na lang yung naglaro. Marami pang magche-cheer.

"Aria!!" natauhan ako sa sumigaw at sakto namang tumama yung bola sa mukha ko.

"Ouch!" sabi ko. Ang sakit huhu. Tumama talaga sa mukha.

The Untold StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora