19

90 5 0
                                    

Chapter nineteen
————————————

We were driving away to the city, yun lang ang nasa isip ko the whole ride. I kept on glancing at him habang nagdidrive siya. Paulit ulit ko ding kinukurot ang braso ko para magising. Dahil alam ko nananaginip lang ako.

Diba? Panaginip lang naman to diba?

Kasi imposible.

Imposibleng kasama ko siya ngayon. Kinakasal na dapat siya sa mga oras na to pero nandito siya sa tabi ko. Imposible talaga.

"Stop staring."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at agad agad kong inalis ang tingin ko. Pinilit kong tumingin lang sa bintana dahil sa kahihiyan.

Fuck. He's really here.

I heard him sigh, "Are you okay?"

And because of that, nagkaroon ulit ako ng dahilan para tumingin sa kaniya. "I–I'm okay." I said.

"May masakit ba sayo?"

Tinignan ko yung braso ko ng palihim, sobrang pula na pala dahil sa pagkakahawak niya sakin. Pero hindi ko iyon inintindi. Masyado na kong pabebe.

"Wala naman,"

"Are you sure?"

Tumango ako.

Then we stayed silent. Walang nagsasalita. I bit my tongue to prevent myself asking him questions. Sobrang daming tanong sa utak ko ngayon pero natatakot ako. Baka bigla niya akong iwan sa sidewalk kapag nairita siya sakin. Hindi naman siya ganon pero hindi ko kaya irisk! I don't even know where we're going!

So I just closed my eyes and begged myself to sleep, dahil baka kung ano pa ang masabi ko. At nung nagising ako, tumingin ako sa bintana nung nakita kong nakapark kami sa isang mapunong lugar.

I looked at him. Nakadiretso lang siya ng tingin pero nakahinto yung sasaktan. Was he waiting for me to wake up?

"Nasan tayo?" I yawned.

"Laguna."

Napaawang ulit ang labi ko.

"B–Bakit tayo nasa Laguna?"

"Pablo is looking for you," Then he looked at me. "Lets go." Sabi niya bago bumaba ng sasakyan.

Sumunod ako sa kaniya maglakad. Nasa likuran niya ako nung napansin kong naka suit siya! Fuck! Why didn't I noticed that before? Masyado akong nakafocus sa face niya. Did I ruined their wedding? Umattend man lang ba siya ng kasal niya?! So many questions in my mind, mababaliw na ako!

"2 rooms, please." He said and hand his card to the receptionist. She looked at him like some delicious meat kaya napairap ako. Hindi niya siguro kami namumukhaan, dahil mukhang walang tv sa lugar na to. Puro puno lang ang makikita mo walang mga building.

"I'm sorry, sir. Isa nalang po ang room available." She said. Kaya halos malaglag ang panga ko. Oh. Wow. It's so typical.

Humarap sakin si Jaye pero hindi nagsalita. I think he's waiting for my approval dahil gabi na din, I wanted to say no! Ayoko siyang makasama sa isang kwarto! Pero ayoko namang isipin niya nagpapabebe na naman ako matapos niya akong tulungan.

Heartache On The Big ScreenWhere stories live. Discover now