10

129 6 0
                                    

Chapter Ten
——————————

"Please come up here and join us in this stage, Ms. Barbie."

I can't feel my legs. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Para akong nakadikit sa upuan, kahit iniisip ko na tatayo ako, hindi ko magawa. Pinagtitingan na ako nung mga nandito pero hindi ako magalaw.

Napatingin ako kay Aris.

Nakangiti siya sa akin pero halata sa mukha niya yung lungkot at kaba.

"I'll be alright," sabi niya sa sakin at inalalayan niya ko tumayo.

Hindi pa din mawala sa mukha ko yung pagkashock. Hindi to pwede.

"There she is, our Star for this Night." He announces and helped me got up on stage.

Nahimasmasan ako sa dami ng flash  ng mga photographer sa harapan ko, halos mabulag ako my God! Kaya medyo napapikit ako, huminga ng malalim at cinompose ang sarili.

Kalma lang Barbs. Baka akalain ng ibang tao, affected ka pa din sa lalaking to kaya umayos ka. Be professional!

Bulong ko sa sarili ko kaya nagsimula naman akong magsmile habang tinatanggap yung award.

"You looked unbelievably gorgeous and hot right now Barbie, Now I'm confused." Sabi nung host. Bakla kasi siya kaya naman napatawa ng mahihina yung mga audience, ako din natawa at nagthank you sa kaniya.

Hinawakan niya ako sa likod habang pinapalapit kay Jaye para magpicture.

Nasa gitna namin siya sa unang picture at umalis din nung sinabing solo naman daw namin.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya ang layo ng pagitan namin ni Jaye. Pero sumenyas naman yung isang photographer na 'closer' daw. Baklang to. Siya kaya dito sa posisyon ko! Ugh.

Nung hindi pa din ako gumalaw, naramdaman ko naman yung balikat ni Jaye na dumikit sakin at para akong nakuryente! My God! Nababaliw kana talaga self.

Nagsmile lang ako sa picture at kinuhaan naman nila agad yon.

Pero biglang naramdaman ko yung kamay niya sa baba ng likuran ako, kaya napatingin ako sa kaniya. Wrong move! Kasi ngayon ang lapit ng mukha ko sa kaniya, nung una nakatingin lang siya sa mga nagpipic pero tumingin din siya sa akin at nagsmile.

Halos mahigit ko yung hininga ko sa ginawa niya.

Para akong masisiraan ng bait sa pwesto namin ngayon. Sobrang tangkad niya at ang ganda ng jawline niya.

Magkatingin kami ngayon at yung mga mata niya, same pa din katulad ng dati. Ganon pa din siya tumingin sa akin. Yung tingin niya nung mga panahong mahal niya pa ako. Pero bakit ganito? Bakit walang nagbago sa tingin niya?

Ayokong mag assume pero nararamdaman ko talaga na mahal pa ko ni Jaye.

"You're beautiful and indeed hot." bulong niya.

Hindi na kami magkatinginan ngayon, dahil pinaharap kami.

Feeling ko talaga ang reddish na ng mukha ko ngayon dahil sa sinabi niya. Kinilig ako sa beautiful pero parang bigla akong naconscious nung sinabi niya yung hot!

Heartache On The Big ScreenWhere stories live. Discover now