5

168 8 0
                                    

Chapter five
——————————

"Cut!" The director shouted.

Inabutan naman agad ako nung assistant ko ng bottled water at ininom ko naman iyon. Thats right. I'm back to work, Mr. O decided to call me a week ago since eveything about Melissa and Jaye are going fine na daw. I really hope ikasal na sila para naman may part sakin na tumigil kakaasa kay Jaye. Especially now that I'm with Aris, sa kaniya lang dapat yung focus ko dahil wala siyang ibang ginawa buong linggo kundi maging the best suitor ever. Yup. Suitor lang. I told him na okay lang naman sakin kung magiging kami na kasi same lang naman iyon at sinabi ko na we dont need the getting to know each other part kasi kilala na namin ang isat isa. Pero gusto niya daw maging traditional kaya hinayaan ko nalang.

Its been two weeks since Japan and I cant help to noticed but these past few days were incredible. And quiet. You know? Ang peaceful. Kasi ganon naman talaga when I am with Aris. Maybe because hes my safety blanket. Comfort zone kumbaga kaya nga I dont ever want to leave his side eh coz I feel really safe.

"You have an interview at 8 pm Ms. Barbie." Anne said. Assistant ko.

"Okay."

"And these came earlier," Sabi niya at mukhang kinikilig pa sabay sa akin ng bouquet ng flower. Kinuha ko naman yon at tinig yung card.

If I had a single flower for everytime i think about you, I could walk forever in my garden.
-A

Napangiti ako. This guy is unbelievable, he never really fails to make me smile. Every morning meron siya laging binibigay sakin. Para daw umaga palang, good mood na ko, and true enough, kasi lagi akong napapasaya ng simple gestures niya. Kung hindi flowers, minsan coffee ang binibigay niya then lagi pang may quotes. Ang galing niya talaga sumulat ng mga ganong bagay kaya siguro ang gaganda ng songs niya.

"Grabe naman si Sir Aris, sobrang sweet," Napatingin ako sa kaniya. Usually, kapag may nagsabi ng ganito, tatarayan ko, pero tinatry kong iwasan makipagaway nalang para less issues for me. I'm trying to be nice.

"Yeah."

"Bagay po kayo Maam,"

Napangiti ako, "Really? Why do you think so?"

"Kasi diba po opposite attracts?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Parang hindi ko gusto yung sasabihin netong babaeng to kaya tinaasan ko siya ng kilay at hinintay na ituloy niya yung paliwanag niya.

"Let me explain po, pareho po kayong good looking. Pero looks aside po, magkaibang magkaiba po kayo ni Sir Aris, please don't get mad..." She said with a pleading eyes.

"Bakit nga?" I asked, already mad.

"Kasi Ma'am, he's so sweet po, then kayo, parang ano, pa hard to get, ganon. Tapos maeeffort siya, tapos kayo, medyo hindi. Clingy siya then ikaw po hindi—basta Ma'am you get my point!"

Tinaasan ko ng kilay ng bonggang bongga. The nerve of this girl! Nagiinit yung ulo ko sa mga sinabi niya. Alam ko naman na wala siyang sinabing mali, na puro katotohanan iyon, but the way she said it parang jinujudge niya ako! Eh ano ngayon kung hindi ako masyadong showy? Eh gusto ko lowkey lang kami eh. Pakilamerang assistant to.

"Its none of your business," Inirapan ko ulit siya. This is the reason kung bakit walang nagtatagal na assistant sakin.

"Alam ko po. Pero pwede po bang mag advise Maam?"

At ako pa talaga aadvise-an niya? Wow ha.

"Maam, yung mga katulad po ni Sir Aris, wag niyo na pong pakawalan. I mean, he's one of the kind po talaga! Sobrang ideal man. Crush ko nga po siya eh. Sana po hindi niyo siya itake for granted. And sana po someday maramdaman mo din po yung nararamdaman niya. I know its not my place to say this pero—"

Heartache On The Big ScreenWhere stories live. Discover now