2

187 10 0
                                    

Chapter two
————————

Kumuha ako ng isang basong tubig at mabilis itong nilagok. Nawala yung pagkahilo ko sa nangyare.

Bakit sila nandito?! Gusto ko magbakasyon para umiwas sa issues sa kanila tapos magkatabi pa kami ng hotel room?! Joke ba to?

Napahawak ako sa dibdib ko habang nakahiga. Ang lakas ng kabog, sign na hindi pa talaga ako maka move on kay Jaye. Mahal na mahal ko yung taong yon at nakakalungkot dahil alam ko na minahal niya din ako, pero hindi sapat para ako ang piliin niya. Masaya naman kami eh, kuntento kami sa isat isa. Simple lang dati pero bakit kailangan dumating si Melissa? Bakit kailangan niyang kunin yung taong mahal ko? Ready naman ako ibigay lahat sa kaniya wag lang si Jaye. Bakit kailangan niyang agawin sa akin yon? Siya nalang yung dahilan ko para gumising sa araw araw. Siya nalang yong nagpapasaya sakin. Siya yung nagpapakalma sakin. He's my anchor, because he keeps me grounded.

Hindi ko na napansin na tumutulo na pala yung luha ko kaya hinayaan ko nalang iyakin ko yong taong kahit kailan hinding hindi na babalik pa sakin, hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

***

Kinagabihan, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako para bumili ng makakain. Naglagay ako ng tatlong layer ng jacket dahil nakita ko na nagssnow sa labas. Sobrang nipis kaya ng balat ko kaya mabilis akong ginawin.

Bumili lang ako ng ramen doon sa katabing resto ng hotel at tsaka nag take out. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakasalubong ko yong dalawa dito kaya naisip ko na magsstay nalang ako sa kwarto ko for 4 days hanggang sa umuwi ng pinas.

Ugh. Walang kwenta tong bakasyon na to, mas lalo akong napaparanoid kasi alam ko na nasa iisang place lang kaming tatlo. Kaya nga ako umalis ng bansa para makaiwas especially sa kanila tapos eto naman ngayon?! God! Kailan ba ko magkakaroon ng peace!

Habang paakyat ako ng elev, tumigil ito sa 2nd floor at halos manigas yung buong katawan ko kung sino yung sumakay.

Naka bathrobe siya kasi I think sa 2nd floor yung mga sauna.

"Hey," bati niya

"H-Hey din," halos magbuhol buhol yung dila ko, two words lang naman sagot ko pero para akong ewan!

"About last week.. Im sorry. I was so drunk I didn—"

"Its okay. Nangyare na eh." I cutted him off.

Last week. Iyon yung 'scandal' daw namin dalawa. Nagpunta ako sa Zambales kasi meron akong photoshoot then nung kinagabihan nagpunta ako ng bar, I accidentally bumped into him. Hindi ko alam na nandon din siya as in I swear wala talaga akong alam. We had a few drinks then dun na nangyare yung 'scandal' na sinasabi nila. We were just kissing pero sobrang sandali lang non kasi we both know na sobrang lasing namin halos hindi na ko makadilat sa sobrang lasing.

"I really am sorry Barbie for causing you all this mess. Im the guy I should've known better." napatingin siya sakin at kita ko naman sa mga mata niya na sincere siya kaya nginitian ko nalang siya at nauna nang bumaba sa elevator.

Hindi ko kaya tumagal ng 5 mins kasama siya dahil parang sasabog yung dibdib ko sa kaba.

Naupo ako doon sa sahig habang kumakain ng ramen at nakatingin lang sa bintana. Ang saya sana mag tour ngayon kaya lang hindi ko kayang irisk na makasalubong ko si Melissa at baka makalbo ko yong babaeng yon.

Heartache On The Big ScreenWhere stories live. Discover now