3

161 8 0
                                    

Chapter Three
——————————

Umuwi ako ng pinas na parang zombie. Napauwi ako ng maaga dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagtagal pa ko ng isang araw don.

Naalala ko nung ginagamot ko yung sugat niya, halos walang nagsasalita samin! Hindi ako makatingin sa mata niya dahil sa sinabi niya sakin. Halos manginig yung kamay ko sa sobrang kaba. Ang tanging ingay lang na meron kami nung gabi na yun ay yung pag aray niya lang habang ginagamot siya. Then after non, umalis na siya kasi he needs to fetch his fiancee pa daw. Tss. Ano, aso lang?

Gulong gulo na yung utak ko! Hindi ko na alam kung ano dapat maramdaman ko. Hindi ko naman kayang itanong sa kaniya kung ano ang ibig niyang sabihin sa 'priorities' na sinabi niya.

Pag dating talaga sa kaniya, natatanga ako. Ugh!

"I missed you." Salubong sakin ni Aris sa airport. Meron siyang dalang flowers at inoffer niya din na siya na magdala ng maleta ko. "How is it? Nagenjoy ka ba?"

I sighed. I can't tell him about what happened in my 2 days stay in Japan. Over protective sakin ng lalaking to, kaya hindi ko magawang sabihin.

"T'was fine." I lied.

"Fine lang? What happened there?" Kinulit niya ako ng kinulit hanggang sa makauwi ako ng penthouse ko pero hindi ko pa rin sinabi.

"Nothing happened. Natulog lang ako tas naginom," I paused. "Then umuwi na."

Ayoko magsinungaling sa kaniya kaya lang I cant deal with the issue about Jaye today. Please. God. I need a break! Nagpunta ako don kasi akala ko makakapag unwind ako. Kaso puro sakit sa ulo at sa puso nauwi ko.

"Oh." He said. "Okay." Napansin niya siguro na wala ako sa mood makipagkulitan sa kaniya. Medyo naawa naman ako, kasi I know na concerned lang siya sa akin and he's all I got, ayoko na mawala pa yung best friend ko sakin.

"Nothing really happened there. Malakas kasi yung snow kaya hindi ako nakapagtour." I lied, again. Ang liar ko talaga.

But thankfully he nodded, at mukha namang naniwala siya.

"Alright. Alis na ko para makapagpahinga ka. If you need anything, call me." He smiled then kissed my forehead. I froze for a moment but I recover din agad.

"Aris," tinawag ko siya at mabilis naman siyang humarap ulit sakin, "Sobrang swerte ng magiging girlfriend mo." I smiled.

Totoo naman. Sakin pa nga lang sobrang maalaga na siya, paano pa kaya kapag nagka girlfriend na siya? Sobrang spoiled siguro non. He deserve someone na kayang tapatan yung effort na binibigay niya. Kasi he deserve all the love in the world. Siya lang yung nakilala kong tao na sobrang bait, sobrang maalalahanin, at sobrang sweet. Sana lang hindi siya saktan ng taong mamahalin niya.

I was waiting for his reply instead, he just smiled. Pero yung ngiti niya, hindi umabot sa mata niya. Theres something wrong with him pero ayoko naman na pilitin siyang mag open up sakin, he'll talk when he's ready.

***

A week later, nasa dinning area lang ako ng bahay ko at nakatitig sa phone ko. Isang linggo na kong nakatengga sa unit ko!

Tatawagan ko ba si Mr. O?

Kaya lang galit pa din kasi ako sa mga sinabi niya sakin pero I badly need this job! Hindi dahil kaylangan ko ng pera. Madami akong pera. I needed that job because I needed a distraction. Pag nandito lang ako sa bahay pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip ng kung ano ano.

Kaya lang anong sasabihin ko sa kaniya? Hindi ko naman kayang ibigay yung hinihiling niya na public apology kay Melissa no. Again, over my dead gorgeous body.

Heartache On The Big ScreenWhere stories live. Discover now