ang landi talaga ng bestfriend ko, tawaging din bang Papa ang manyak na Kris na yon!

“pero bestfriend bat ka ba niya pinuntahan sa building natin, eh nasa detension building/ Section F building yon??”

Habang kumakain kami sa Canteen non ng sandwich ikinwento ko kay Karen ang pagtatagpo namin ng Kris na iyon,

“Oh? Talaga bestfriend? Sinapok mo?! Aba dapat lang yon bestfriend noh?! Kung ako din yon! Pero grabeh ang trip ng Kris na yon noh!!”

Habang naguusap kami ng bestfriend ko, lumapit samin ang wawents tropa ni themissing Saico.

“Hi Girls” bati samin ni Lance sabay akbay neto kay Karen, at agad na pagkakita ko non agad kong ibinaling ang mga mata ko sa ibang direksyon, napansin ko namang siniko siya ng bestfriend ko kaya tinanggal ni Lance ang pagkakaakbay neto sakanya.

“Miss President, umamin ka nga samin”

Biglang singit ni Red sa senti moments ko at alam ko na ata kung para san to

“Kung about yan don sa Kris na yon! Hindi totoo yon! Okay?!”

“Alam na namin yon Miss President, pero gusto lang namin malaman kung ginugulo ka ba ng Kris na yon? O dikaya pinopormahan! Aba sabihin mo lang samin, uupakan namin yon!”

pinagsasabi ng Jed na to.

“Kung nangdito lang si Pareng Sai, tiyak lagot-"

“Ako.” Agad kong pagdugtong sa pagsabi ni Lance

“Hindi naman sa ganun Miss President” sabay kamot sa ulo si Lance

“Makitid ang utak ng Pareng Sai niyo, kaya malamang sa malamang ako ang aawayin non! Tsaka, hayaan niyo na lang yong lalaking yon, wag na kayong makipag-away don”

“Basta Miss President, tandaan mo pag yong Kris na yon guguluhin ang  buhay mo, kahit gangster pa yon, wala kaming pakealam kasi para kay pareng Sai pagtatanggol ka namin don okay?”

Minsan tuloy hindi ko maiwasang isipin na tinatago lang ng mga tropa niya si Sai eh, hello imposible naman kasing pati sakanila hindi man lang nagpasabi si Sai, halos simula’t sapol sila na ang kasama ni Sai diba, pero habang tumatagal hindi ko na alam ang nangyayari, wala na ba dapat akong asahan sa aming dalawa? Break naba kami? Pero akala ko ba engage na kami? Errr.. ewan, hindi ko alam ang mga gagawin ko.

Pagkatapos ng recess ako nalang muna ang tumungo sa building namin, si Karen kasi inaayos niya pa ang mga announcements na dapat ipamahagi sa bawat building, kasi naman diba, gagawa pa kami ng program for the detensions, Hay, nabalitaan ko pang 2 months plus the whole summer vacation ang magiging batayan ng pagiging graduate nila sa school namin, meaning ako at ang mga tutor ng detension class  ay mag tututor padin kahit summer na, para makuha ang mga credentials namin, wala akong choice kundi ang sumunod, scholarship din ng school ang habol ko dito for college. Pati kasi sa book 2 pera padin ang problema ko, ginhawa naman ng konti diyan~

--

Feeling ko napaka haggarad ko na ngayong araw, not to mention na maaga akong binwesit ng Kris-Manyak nayon kanina, kaya naisipan kong mag-ayos, pero.. mukhang hindi na ata, may napansin akong mga babaeng malalandi-style na papalapit sa akin nasa lima sila, at sa tingin ko, mukhang bago sila dito, or galling lang talaga sila sa ibang section o building kaya di ko sila namumukhaan, ano na naman kaya to?

“Ikaw yong malanding nakipaghalikan kay Kris right?” taena, utak ipis din naman talaga tong babaeng to eh, jusko! Bwesit talaga ang Kris na yon, mga Fangirls niya nga pala ata to! -_- syet lang.

“Hindi ka na nakuntento sa pagiging girlfriend ni Sai, at nilandi mo na naman si Kris?! Masiyado mo na ata inaabuso ang pagiging President mo ng School buddy?”

HE IS MR. SAICO (√)Where stories live. Discover now