Chapter 19

1.1K 14 0
                                    

Chapter 19



Fatima's POV


Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging ordinaryo lang ang mga araw ko mula noong huli naming pag-uusap ni Jake. Hindi ko pa rin siya nakakausap, ganun din naman siya. Anniversary na namin ngayon kaya naman nag-eexpect ako na baka sa araw na 'to makapag-usap na kami. Inantay ko ang mag 12 midnight baka sakaling batiin niya ako bigla pero wala. Walang Jake na bumati.



"Fatima! Happy anniversary sa inyo ni Jake!" Bati sa akin ni Akira na pumasok sa kwarto. Ngumiti na lang ako sa kanya ng mapait.


"Oh, bakit? Hindi ka pa ba binabati? Hala ako pa ung nauna?" Gulat na gulat niyang pagtatanong.


"Hmm.. oo. Pero baka nakatulog agad yun baka sobrang pagod. Siguro bukas ng umaga na siya babati." Tumango-tango naman si Akira at bumalik na sa kwarto niya. Ako naman ay natulog na lang din dahil mukhang wala naman na akong aantayin.



Pagkamulat ko, ang una kong ginawa ay i-check ang phone ko kung may missed call ako or text from him but still wala. Nakalimutan niya ba? Bakit hindi niya pa rin ako kinakausap? Nag-overreacting ba ako noong last time?



So I did my morning routine and everytime na magcheck ako ng phone ko wala pa ring message from him. So umasa na lang akong baka may surprise siya sa office. Yah! Tama! Mahilig un magsurprise baka nga.



Kaya naman nagmadali na lang akong pumasok sa office. And pagkarating ko sa lobby pa lang nagtanong na agad ako dun sa babae if may pinabibigay si Jake sa akin na kahit ano. Pero ang sabi wala.



AH! baka nandun na siya sa office ko. Tama. So nag-elevator na ako papunta sa office ko. Pero ang unusual ng tingin sa akin ng mga tao or imagination ko lang yun? So nagdire-diretso na lang ako ng pasok dun sa office ko and I found nothing.



Grabe. Sobra akong umasa pero kahit ano sa expectations ko wala talaga. Bigla ko naman naalala ung mga unusual na tingin sa akin ng mga empleyado ko. Na-curious ako kung bakit kaya naman pinatawag ko ung secretary ko.



At doon ko nalaman kung bakit ganun na lang ako tignan ng mga empleyado ko noong iabot sa akin ng secretary ko ang isang dyaryo na naglalaman ng isang balita. Ito ba ung sorpresa niya sa akin?



Jake's POV



It's already afternoon when I decided to get up in bed. I took the day off today since anniversary namin ngayon ni Fatima and sobrang napagod ako last night dahil tinulungan ko si Chard sa surprise na ginawa niya para kay Tricia. And luckily nagustuhan ni Tricia kaya naman sinagot niya na si Chard.



To clarify things, kaya lang naman ako naging busy sa phone kasi kinukulit ako ni Chard kay Tricia at nagpatulong siya dun sa surprise niya kay Tricia. Yeah, you read it right. Si Tricia ung nagugustuhan ni Chard na nameet niya dahil sa exhibit ko at dahil kami ni Tricia ang madalas magkasama sa work, nagpatulong siya sa akin na manligaw.

Runner Up's Promise (Season 2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum