Chapter 9

1K 14 0
                                    

Chapter 9



Jake's POV




"I'm done in here. Bye." Nakayuko akong mabilis na naglakad paalis.




Pinaharurot ko ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Kung saan ako tatakbo. Noong nakita ko ung red light, tinapakan ko agad ung break kaya naman nauntog pa ako sa manibela. Sa pagkakauntog ko, napapikit ako ng mariin dahil sa sakit na naramdaman ko sa pagkakauntog at lalong lalo na sa sakit sa puso na nararamdaman ko. Napalingon ako sa may kanan ko, nakita ko ang 7/11. Itinabi ko ang sasakyan ko at bumaba.



Pumasok ako sa loob, nagpa-ikot ikot muna ako sa loob. Hindi ko talaga alam kung anong bibilhin ko. Tinignan ko ung chocolates nila. Naalala ko kapag kumain daw ng chocolate, gagaan ung pakiramdam mo kapag may mabigat kang dala dala dahil sa nag-iincrease ung number ng happy hormone. Magiging hyper ako. Umikot ako, nagpunta ako sa drinks nila. Nakita ko ang mga beer in can. Sabi nila kapag nalasing ka panandalian mong makakalimutan lahat ng dala mo.



Walang anu-ano'y kumuha ako ng dalawampung beer in can. Masmaganda sigurong ito na lang bilhin ko. At least panandalian akong makakalimot. Kahit sandali lang. Kahit ilang oras manlang. Na sana ganun din kadali para malimutan lahat ng nakita at narinig ko ngayon. Na sana malimutan ko nga ng tuluyan. Hindi tulad ng tsokolate, oo gagaan pakiramdam ko pero iisip-isipin ko pa rin un. Mahihirapan pa akong makatulog.



Nagbayad na ako sa counter saka ako dumiretso sa sasakyan ko at nakarating sa isang lugar kung saan tahimik. Walang sino man na makakaisip na nandito ako. Gusto kong makapag-isip isip. Isipin kung anong dapat gawin kong hakbang. Na dapat, magdesisyon na ako ngayon. Hahayaan ko pa bang masaktan ang sarili ko? Pipiliin ko bang masaktan ulit? Makakayanan ko pa ba ang sakit? Magpapakamartir pa ba ako? Matitiis ko pa ba ang sakit? Kakayanin ko pa bang magpanggap na ok lang ang lahat kahit alam ko sa sarili ko na niloloko ko lang ang sarili ko dahil ang totoo, unti-unti akong nadudurog? Kakayanin ko pa bang magmanhid-manhidan sa lahat ng nakikita ko?



Kaya ko pa bang kumapit sa taong bumitaw na sa akin? Dito na ba natatapos ang pangako mo sa akin runner up?



Sa pag-iisip ko habang nakaharap sa puntod ni mommy, nakita kong halos kalahati na ng binili kong beer ang nauubos ko. Napatingin ako sa oras ko sa phone. 2 am na ng umaga. Natatawa ako, ang tagal ko na palang nag-iisip. Kanina pa pala akong umiinom dito pero bakit parang hindi pa ako tinatamaan ng alak? Bakit hindi ko pa nalilimutan ung sakit? Ah! oo nga pala, utak lang tatamaan ng alak, utak lang ang panandaliang makakalimot pero hindi ang puso. Hindi maapektuhan ng alak ang sugat sa puso. Hindi nito un magagawa hilumin.



Inubos ko pa ung laman ng 3 beer in can at nahiga sa damuhan. Hindi ko alam pero bigla kong dinial ang number ni Fatima sa phone ko at tinapat sa tenga ko. Hindi ko alam ang sasabihin pero naiiyak ako. Isang ring pa lang sinagot niya agad ang tawag ko. Tahimik lang siya sa kabilang linya. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Runner Up's Promise (Season 2)Where stories live. Discover now