- EMEGHED -

1.5K 16 1
                                    

- EMEGHED -



Fatima's POV




*Sniff*

*Sniff*

*Sniff*



Amoy pagkain. Parang may nagluluto ah. Nagising na kaya si Akira? Minulat ko ang mata ko, napatingin ako sa braso na nakayakap sa akin. Si Chard, dito na rin pala nakatulog ang mokong na ito. Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap sa akin at umupo sa kama. Napahawak ako sa ulo ko. Ughh... takte ang sakit pa rin ah. Tinignan ko ung phone ko, nakakita ako ng text. Galing kay Akira? huh? O_O




From: Bestie

Hey bestie, hindi na ako dyan natulog kagabi pagkarating niyo ni Chard. Umalis din agad ako kasi nagkaroon ng emergency. Btw, tinext ko si Jake na samahan ka muna dyan ngayon umaga. Lalo na't lasing ka, wala ako dyan para alagaan ka. Siya na bahala sayo. Ingat kayo dyan ha, wag masyadong papadala sa bugso ng damdamin. ;)





O_______________________________O WHAT?! SI-SI-SI JAKE?!




I read again her text at hindi ako nagkakamali sa basa ko sa text niya. So it means?





"WAHHHHH!!!!! O______O" Napabalikwas naman ng bangon si Chard sa kama. Hinilot-hilot niya din ulo niya.

"What was that? Ano nangyari?" Halos nakapikit na tanong sa akin ni Chard. Bigla namang may kumatok sa pintuan ko.

"Fatima?" OH CRAP! Boses niya yun! EMEGHED! WHAT SHOULD I DO???!!! Then ginalaw niya yung doorknob and it opened suddenly. Gulat ung expression na nakita ko sa mukha niya nung makita niya ako o nung makita niya si Chard? Biglang kumunot ung noo niya.

"Ah sorry. I don't know na may kasama ka pala. Breakfast is ready." Lumabas na siya at sinara ang pinto ng kwarto ko. HALA! Anong sasabihin ko sa kanya? GOSH! AKIRA KASI! Anong gagawin ko ngayon? Ano na lang iisipin niya? Tingin niya pa lang kanina. WAHHHH!!!! I'm dead! Grabe ano ba naman yan, 2 araw pa lang siyang nandito tapos tapos...

"Ughhh... >___<" Napasabunot ako sa ulo ko. Weird naman akong tinignan ni Chard. Don't get me wrong guys, we are both fully clothed. Nothing happened. Tabi lang kaming nakatulog dahil na siguro sa kalasingan and sanay na din naman akong nagkakatabi kami. Wala namang malisya kasi bestfriends naman na kami ng mokong na 'to.

"Siya ba yun? Lmao Fatima. Mas gwapo pa ako." Hinampas ko nga siya. Nafufrustrate na nga ako sa kung anong iniisip nung isang un.

"C'mon. He said breakfast is ready. Masamang pinaghihintay ang pagkain." Hinila niya ako pababa sa kusina ng condo namin ni Akira. Naabutan namin si Jake na tahimik na naghahain ng pagkain.

"Yo." Bati ni Chard casually. Tumunghay si Jake. He first look at me then bumaba tingin niya. He stared at our hands na magkahawak. Automatic naman akong napabitaw kay Chard. I look at him, I can see the poker face Jake. Tinanggal na niya yung apron na suot niya. Ngayon ko lang napansin na hindi na siya nagsusuot ng salamin. Kumuha siya ng plato at nilagayan un ng kanin. Nilapag naman niya ito sa harap ko.

Runner Up's Promise (Season 2)Where stories live. Discover now