Chapter 18

1.1K 13 4
                                    

Chapter 18



Fatima's POV



Malapit na ung monthsary namin ni Jake. Kahit busy siya, hindi niya dapat iyon malimutan. Tsk, kukutusan ko talaga siya kapag kinalimutan niya yung napaka-importanteng araw na yun. Kalimutan na niya lahat wag lang yun.



To: Huvy

Good Morning! Pasok na po ako. Don't forget na kumain ng breakfast lagi ka na lang nagpapalipas. Wag mo kalimutan alagaan sarili mo kahit busy ka ok? Take care Huvy!



Pagkasend ko ng message ko mabilis na nagbeep ung phone ko. Alam kong siya agad ung nagtext. Hindi naman kasi siya inaabot ng 1 minute sa pagreply once na mabasa niya agad text ko.



From: Huvy

Yes Ma'am. OTW to office rn. Take care din.



To: Huvy

Don't forget our special day. MALAPIT NA HOY! Wag kang ulyaning ok?



From: Huvy

Opo, Ingat!




Pansin ko this past days paikli na ng paikli reply niya sa akin. Kapag pinupuntahan ko naman siya sa condo niya lagi siyang busy sa laptop niya. Kapag hindi siya busy sa laptop niya dahil sa mga inuuwi niyang trabaho, busy naman siya sa phone niya. Minsan gusto kong ingudngud na siya sa phone niya tulad nung isang araw kung makakunot siya ng noo akala mo may kaaway. Minsan nakakapanghinala na, kapag tinatanong ko kasi sinasabi lang "wala lang yun" "Yaan mo na yun" "La yun". Yan ganyan halatang may tinatago.



Pagkarating ko sa office, kung dati medyo clingy si Chard ung tipong bibigyan pa ako ng kape sa umaga, ngayon wala na. Hindi sa hinahanap hanap ko un pero nakakagulat lang kasi. May kinalaman kaya si Jake sa pagbabago nitong si Chard? Madalas nakikita ko pa yang nakatutok sa phone kapag breaktime samantalang hindi naman siya ganun dati. Ano bang meron?




"Uy! Ang busy natin ah?" Siko ko kay Chard pagtabi ko sa kanya sa may table.


"Ah, hindi naman." Medyo napangiti siya bigla. Yung ngiti niya iba. Halatang may something hmmm fishyy.


"Saya mo ah? Anong chika? Share naman dyan bes." Natawa siya bigla. Oh com'on spill it. Best of friends naman tayo bruh.


"May nakita lang akong chic nung exhibit. Sobrang tinamaan talaga ako." OMG! I'm shookt! Kaya pala!


"UY! SINO YAN!!! WHO'S THE LUCKY GIRL! DROP NAME!!" Napakamot naman ito ng ulo niya.


Runner Up's Promise (Season 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant