"K-kisses .." sagot niya.




"Kisses may bago akong laruan," ipinakita nito sa kanya ang isang break game. "laro tayo."




Nang tumango siya ay masayang nakipaglaro sa kanya ang matabang bata.





Masaya na silang naglalaro ng tawagin ito ng yaya nito.




"Paano ba iyan, uuwi na ako." bumuntong hininga ito. "Bukas nalang ulit tayo maglaro. Pupunta ka ba dito ?"





Tumango siya at ibinigay dito ang laruan.





"Sa iyo na muna iyan bukas ko na iyan kukunin sa iyo. See ya!" hahabulin na sana niya ang mataba at kulot na bata ng mabilis na nakarating ito sa yaya nito.





Nag goodbye sign pa ito sa kanya bago nawala sa kanyang paningin. Siguro bukas niya nalang isasauli ang laruang iyon.





Kinabukasan ay nagpunta siya sa playground kung saan niya nakilala si Anthony para isauli ang laruan nito. Hanggang sa gumabi na ay hindi niya parin nakikita ito.





Isang linggo siyang pabalik-balik sa playground para isauli ang laruan pero hindi talaga niya nakita ang bata. Nag desisyon siyang hindi nalang isauli ang laruan dito.




CHAPTER 1





NAGBIBISEKLETA si Kisses ng umagang iyon para pumasok ng Saint Luise University. Ang SLU ay exclusive lang para sa mga mayayaman at may kaya sa buhay pero may scholarship program ang mga ito para sa mga katulad niyang mahihirap pero magaling sa academics.






Dahil nanguna siya sa scholarship exam ay libre siya pati uniform at tuition niya. Ang pinoproblema nalang niya ang mamahaling mga libro na pilit pinarerequire sa kanila ng professor niya.




Nasa second year college na siya sa edad na disyete anyos at sa edad na iyon ay pumasok na siya sa kung ano-anong trabaho para may pera siyang pambili ng libro. Gaya ngayon, sa tuwing pumapasok siya sa eskwela ay ginagamit niya ang lumang bisikleta na binili niya noong nakaraang taon, nabili niya iyon dahil sa pagtatrabaho niya sa isang bar.






Mamayang gabi ay may trabaho siya kasama ang isang classmate niya sa bar bilang waitress. Matagal na siyang nagtatrabaho sa bar na iyon at wala naman siyang masabi sa bar dahil hindi naman siya binabastos ng mga customer na palaging bumibili ng alak o nag iinuman doon. At ipinaliwag din niya sa manager ng bar na ang pagiging waitress lang talaga ang kaya niyang ibigay na serbisyo dito which is also the manager agreed. May mga gustong itable siya pero palaging pinapaliwanagan ng manager nila ang mismong customer na hindi siya pwede dahil nag aaral pa siya at talagang waitress lang siya doon.





Para makatapos ng pag aaral ay kailangan niyang kumayod. Alam niyang hindi niya responsibilidad iyon dahil may mga magulang siya pero ano ang magagawa niya ? Her parents can't afford na pagpapaaralin siya. Nag suggest nga ang mga ito noon na huwag na siyang mag aral sa kolehiyo na mahigit niyang tinutulan. Nang maalala ang nanay niya ay biglang nag init ang mga mata niya.





Nahinto lang siya sa pag iisip sa mga magulang ng may marinig na sigawan. Kinabahan siya.






Ang subdibisyong iyon ay sikat dahil sa mga lasenggong kahit umaga ay pagewang-gewang nang naglalakad sa daan para humanap ng gulo. Pag may nakagalitan ang lasenggong iyon ay doon na magsisimula ang rambulan. Alam niya dahil sa subdibisyon na siya na iyon lumaki.




GANGSTER BABE Where stories live. Discover now