Chapter 35: Goodbye, Eastfield University?

Magsimula sa umpisa
                                    

“F-friend, I c-can’t breathe,” bulong ni Harvey dito.

Agad namang kumalas si Ynnah sa pagkakayakap niya dito sabay sabing, “Sorry.”

“Why did you hug me ba?” tanong ni Harvey.

“At bakit siya lang?” nagtatampo na sabi naman ni Mint.

“Sorry guys, natuwa lang ako,” sagot ni Ynnah sa dalawa.

“For what?” takang tanong ng dalawa sa kanya.

“Mamaya ko na ikukwento,” sagot ni Ynnah. “Tara na, kumain na kayo.”

“At ikaw?” tanong ni Harvey.

“Busog pa ko,” alibi ni Ynnah pero ang totoo ay wala siyang dalang pera kundi ang pamasahe lang niya.

“Sus! Treat na kita!” sabi naman ni Harvey.

“Wag na,” tanggi pa ni Ynnah.

“Tumigil ka!” insist ni Harvey dito.

Samantala, sa pink table kung nasaan sila Alexa, Rox at Denise…

“Bakit sila nagyayakapan?” pansin ni Rox nang makitang biglang niyakap ni Ynnah si Harvey.

“I don’t have any idea,” sagot ni Denise.

“Kelan ka ba nagkaroon? Tss,” pambabara ni Alexa kay Denise. Umirap pa ito.

“Ano kayang magiging reaksyon ni puto girl kapag nalaman niya na may puto na itinitinda na rin dito?” sabi ni Rox.

“Correction, fresh and delightful puto. Not like the one she’s selling—filthy and ugh!” sabi ni Alexa while rolling her eyes. “Hindi ko man natikman ngayon ‘yung puto dito sa cafeteria, matitikman ko din ‘yun one of these days. At ipapamukha ko sa puto girl na ‘yan kung ano ang pinagkaiba ng putong masarap sa putong pangmahirap.”

“Ahahaha!” tawanan nilang tatlo.

“By the way, I have a not so good news for you, Alexa,” sabi ni Rox.

“And what is that?” takang tanong ni Alexa dito.

“Last Monday after dismissal, I saw Argel and puto girl talking to each other at the parking area,” paglalahad ni Rox. “They were very serious and then, bigla silang naghabulan. Tuwang-tuwa pa nga si puto girl eh.”

“How cute of them naman,” biglang sabi ni Denise.

Napatingin naman ng masama si Alexa at Rox dito.

“Sorry,” nasabi na lang ni Denise at tumahimik na ito.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon