Chapter 18: In Your Dreams (Part 2)

5K 91 4
                                    

CHAPTER 18

 

YNNAH’s POV

Nagulat naman ang dalawa sa sinabi ko saka nagsalita, “Pero mahal na prinsesa, mahigpit na ipinagbabawal na makipagkita kayo sa isinumpang prinsipe.”

Isinumpang prinsipe? Sabagay kasumpa-sumpa naman talaga ‘yun si Argel.

“Eh bakit kanina ipinakita ninyo ako sa kanya?” tanong ko.

“Dahil ‘yun po ang ipinakiusap sa amin ng mahal na prinsipe,” sagot ni Harvey. “Dahil sa takot na magalit ito sa amin kaya ipinakita namin kayo sa kanya. Kayo lamang po ang hindi niya kayang saktan sa kabila ng kanyang nakakatakot na sumpa.”

Ano raw? Ako lang ang hindi niya kayang saktan? Nakakatakot na sumpa?

“A-anong ibig mong sabihing ako lang ang hindi niya kayang saktan?” tanong ko.

“Dahil isa pong impakto ang mahal na prinsipe,” sagot ni Mint.

Impakto? Oo, impakto talaga ‘yun si Argel sa paningin ko. Pero bakit parang takot na takot ang dalawa nang sabihin nilang impakto si Argel?

“Ha?” lalo akong nagtaka.

“Isinumpa po siya ng mangkukulam na si Alexa,” sagot ni Harvey. “Nasa ilalim din po siya ng mahika negra nito.”

Bakit naman siya isinumpa ni Alexa eh sa pagkakaalam ko gustong-gusto siya nito.

“A-anong dahilan ni Alexa?’ tanong ko. “Bakit niya isinumpa si Argel? Ang ibig kong sabihin eh si Prinsipe Argel?”

“Dahil nalaman po nito na kayo ang mahal ng prinsipe. May lihim po kasing pagtingin si Alexa kay Prinsipe Argel ngunit nang malaman po nitong kayo ang gusto ng mahal na prinsipe ay isinumpa niya itong maging impakto. Mawawala lang ang bisa ng sumpa kung mawawala din ang pagmamahal sa inyo ng prinsipe,” mahabang paliwanag ni Mint.

“Ngunit hanggang ngayon ay nasa ilalim parin ng sumpa ang mahal na prinsipe at nangangahulugan lamang na patuloy parin kayo nitong minamahal,” pagtatapos naman ni Harvey.

“Wala na bang ibang paraan upang mawala ang bisa ng sumpa?” tanong ko sa dalawa.

“Meron pa, mahal na prinsesa,” sagot ni Harvey. “Yun ay ang halik ng tunay na pag-ibig.”

“H-halik ng tunay na pag-ibig?” tanong ko.

“Opo, mahal na prinsesa. Ang halik ng tunay na pag-ibig ang sisira sa sumpa sa inyong dalawa ni Prinsipe Argel,” sagot ni Mint. “Sa oras na magdikit ang inyong mga labi, tuluyan nang babalik ang inyong alaala at magiging normal na ang prinsipe. Mawawalan na ng bisa ang mahika negra ni Alexa.”

Ah ganun pala. Ang taray ha! Para kaming nasa fairy tale. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba sa aking damdamin. Parang hinahanap-hanap nito si Argel. Bakit ba? Pero kaylangan ko talagang makita si Argel. Kaylangan kong malaman kung bakit kami nandito. Anong nangyari sa sinasakyan naming bus?

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon