Chapter 35: Goodbye, Eastfield University?

4.4K 96 6
                                    

Dedicated to noelcarl for being such an avid reader of my stories! Thank you for constantly voting/liking and commenting on every chapter of this story! Thank you so much! ;)

 

 

CHAPTER 35

 

THIRD PERSON’s POV

 

Matapos magpunta sa restroom nila Ynnah, Mint at Harvey ay dumeretso na sila sa cafeteria. Ramdam na ramdam naman ni Ynnah ang kaba sa kanyang dibdib. Iniisip niya na sana ay kahit isa man lamang ay may bumili ng puto niya.

“Oh friend, you look tensed. Why?” pansin ni Mint sa kanya.

“A-ako? H-hindi ah,” pagtanggi ni Ynnah. “B-bakit naman ako mate-tense? Ikaw talaga.”

“Sabagay,” ibinalewala na lang ito ni Mint.

Pagpasok nila sa cafeteria ay agad na naglakad si Ynnah papunta sa counter. Nadatnan niya itong wala nang pila. Laking pagtataka naman nila Mint at Harvey sa ginawa ng kanilang kaibigan. Agad nila itong sinundan.

Tiningnan ni Ynnah ang mga pagkaing nakadisplay sa counter. Wala ang mga puto niya roon. Tiningnan pa niya ang display freezer na pinaglalagyan ng mga cakes. Wala rin siyang nakitang mga puto doon. Napaisip naman siya kung nasaan na ang mga iyon.

“Miss, nasan na ‘yung tinda niyong puto?” kinakabahang tanong ni Ynnah sa babaeng in-charge sa counter.

“Sold out na po,” sagot naman nito.

Halos malaglag naman ang panga ni Ynnah sa narinig.

“Ha?” di makapaniwalang sabi pa ni Ynnah.

“Sold out na po. Kanina pa po naubos,” pagkaklaro pa ng tao sa counter.

Napabuntong-hininga naman ng malalim si Ynnah. Hindi niya alam kung paano magrereact sa pagkaubos ng kanyang puto. Nakaramdam siya ng sobrang tuwa sa nalaman. Hindi niya akalain na magiging mabenta ito sa unang araw pa lang.

Samantala, napansin naman nila Rox at Denise na nakaupo sa kanilang pink table si Ynnah na nasa unahan ng counter at kinakausap ang tao dito.

“Look, Alexa. Nasa counter si puto girl,” sabi ni Rox kay Alexa.

Napatingin naman si Alexa sa kinaroroonan ni Ynnah.

Samantala sa counter…

“Uy, friend. Bakit bigla-bigla ka na lang pumunta dito? Hindi mo na kami nahintay. Excited much?” tanong ni Harvey kay Ynnah nang makarating sila ni Mint sa counter.

Bigla namang napayakap si Ynnah kay Harvey. Nagulat naman ang kaibigan sa ginawa nito.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon