Chapter 26: The Preparation

5.1K 96 3
                                    

CHAPTER 26

 

THIRD PERSON’s POV

Tuesday

“So, Alexa. Have you already decided the dress you will be wearing on the Acquaintance party?”

Ito ang tanong ni Rox kay Alexa habang sabay-sabay silang tatlo na nagpapa-foot spa at pedicure sa isang salon.

“Yes,” sagot ni Alexa habang nagtu-Twitter sa phone. “Actually, nagpagawa ako ng dress sa isang fashion designer na kilala ni mommy. Mahirap na, baka mayroon pa kong makapareha if I would just buy it in some stores.”

“And who’s the lucky one?” tanong pa ni Denise dito. Tinutukoy kung sinong magiging ka-date nito sa darating na Acquaintance party.

“Is it Argel?” dagdag pang tanong ni Rox.

Napaisip naman si Alexa. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya niyayaya nito upang maging ka-date sa darating na Acquaintace party.

“O-of course,” pagsisinungaling pa nito.

Nagulat naman ang dalawa. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila Rox at Denise na hinahabol ni Alexa si Argel pero hindi ito pinapansin ng huli.

“Did he already invite you?” tanong ni Rox.

“N-not yet,” sagot ni Alexa. “But I know, he will.”

Nagkatinginan naman sila Rox at Denise. Alam kasi nila na umaasa na naman ang kanilang kaibigan dito.

“You, girls. Meron na ba kayong susuotin?” paglilihis ng usapan ni Alexa sa dalawa.

“Yes,” sagot ni Denise saka tumingin kay Rox.

“Me too,” sagot naman ni Rox. “I already have.”

“Good,” nakangiting sabi ni Alexa. “And how about your costume for our prod?”

“We already have it, too,” sabay na sagot ng dalawa.

Magkakaroon kasi silang tatlo ng opening number sa darating na Acquaintance party. Gusto kasi ni Alexa na ma-expose ng husto kaya talagang gumagawa siya ng mga paraan para mapansin at maging sentro ng atensyon.

“Okay,” nakangiting sabi ni Alexa. “After this, we’ll rehearse and polish everything in my house.”

“Okay!” nakangiting sabi nila Rox at Denise.

“Hey, I wonder if puto girl will also be there,” pagbubukas ng topic ni Rox.

“At the party?” sabi ni Denise. “Hell no! Why would she be there? She can’t even afford the ticket!”

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon