Tumalikod na ako sa kanya. Narinig ko na namang nagbuntong hininga siya, “My girl is stubborn,”—naramdaman ko na naman ang kamay niya sa balikat ko—“What I’m going to do?” malakas na buntong hininga na naman ang ginawa niya, “Should I stay or leave her wearing only a bikini? This is so selfish of me but I can’t leave her. I’m going to stay here and watch her,” napairap ako habang nakatalikod sa kanya. I don’t care. I don’t care, duh!

“But she’s mad at me,” he added. Lumangoy na ako at naramdaman kong sinundan niya rin ako. Napapikit ako para kumalma at walang masabing kahit anong salita. Nilubog ko naman ang ulo ko at laking gulat ko ng gawin rin iyon ni Benj. Hinarap pa niya ako at ngumiti siya sakin habang nasa tubig kaya napaahon agad ako. I don’t mind him. Bahala siya! Gusto ko lang mapag-isa!

Lumangoy na lang ako ulit. Ganun din siya. Pero napatigil siya nang may sumigaw ng pangalan niya, “Benj! You promised. Tara na!” napatingin ako sa tumawa sa kanya. Nagtama agad ang mata namin ni Gorg. Umirap siya at umirap din ako. Sampalin ko ‘yan e! “Tara na! Alis na tayo!” sigaw pa ulit ni Gorg. Wala akong pake kung sumama siya sa Gorgina babaitang hipon na ‘yan! Go!

Lalangoy na sana ako nang may pumigil na naman sa akin. Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. Para bang sinasabihan ako ni Benj na pigilan ko siya. God, sumama siya kung gusto niya. Hindi ko hawak ang buhay niya. “Go with her! Go with Gorg!” inalis ko ang hawak niya sa akin pero binalik ulit niya.

“But you’re mad!” he said.

“No! Go with Gorg. I don’t care!” aalisin ko sana pero ang higpit ng hawak niya. Nakita ko naman na papunta na si Gorg sa pwesto namin. Naaligaga naman ako kasi baka makita niya ang katayuan naming dalawa ni Benj.

“I care. You’re mad at me,” ani Benj.

“NO! Hindi! Sumama ka na sa kanya!” pinilit kong alisin ang kamay niya sa akin. Tinignan ko na siya pero nakangiti si Benj habang pinagmamasdan ako. God! Inirapan ko siya mas ngumiti pa siya. “Benj! What the heck?! Bitawan mo ko,” mas hinigpitan na ngayon ni Benj ang hawak sa braso ko.

“Tell me, you’re jealous. God, tell me please you’re jealous right now, Scar,” nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

“Of course!” napalunok ako sa sinabi ko. Benj smiles wider. God, no. “OF COURSE—NO! I’M NOT!” napasigaw na ako at kinalas ko ang hawak niya sa akin. Pero si Benj na ang kumalas. He beams at me again.

“Give me a minute. And don’t move, I’m warning you again, please, Scar,” ewan ko kung bakit tumango ako sa kanya habang sinasabi niya ‘to. Hindi ko alam. Kusa ng gumalaw ang ulo ko sa kanya dahil tinitigan niya ako. Hindi ako kumilos at pinagmasdan ko lang si Benj na puntahan si Gorg. Pero nairita ako ng gumapang ang galamay ni Gorg sa braso ni Benj. Tumawa si Gorg at napakagat ako ng labi sa inis. Pero biglang tumingin si Benj sa akin at tinuro pa ako kay Gorg. Biglang sumimangot si Gorg sa akin at nagpapadyak siyang lumayo. Inalisan ko naman sila ng tingin ng paalis na si Gorg at papunta na si Benj sa pwesto ko.

ANONG GAGAWIN KO?

Biglang naaligaga ang isip ko nang papalapit siya sa akin. Ano nang gagawin mo, Leigh Scarlett! Lumayo ka sa kanya! Lumayo ka! Pero paano ba ulit lumangoy o lumakad? Paano ba ulit? God, paano ba ulit mag-isip?!

Wala na akong pagtatangkang umalis dahil bigla na lang ngumiti si Benj na nagpatalon ng puso ko. Teka…ano ba?! Lumayo ka, Scarlett. Pero nanuyot na ang lalamunan ko nang biglang hawakan ni Benj ang kamay ko. “Binabawi ko na, mabait pala ang Scar ko,” tumawa naman si Benj sa sinabi niya. Pero ‘yung ‘Scar ko’ ang nagpaawang ng bibig ko. Teka! Magsalita ka naman Leigh!

Pero wala naman akong nagawa at sumunod na ako kay Benj hanggang sa makarating kaming buhangin. Nakita ko naman ang sundress ko at pinulot ko iyon kahit nakahawak ang kamay ko kay Benj. Kumalas ako at napatingin si Benj sa akin. Pinakita ko naman ang sundress ko sa kanya. Napatango siya at ngumiti. Simangutan ko siya. “I love every part of you, Scar,” bigla akong napatalikod sa sinabi niya. Aba! Teka ano ‘to?! Tumawa naman si Benj.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Where stories live. Discover now