15th Chapter

3.2K 95 1
                                    

"I'M REALLY sorry, Bee."

Natawa na lang si Bee. Ilang beses na niya iyong narinig kay Radcliffe mula nang umalis sila ng sinehan hanggang ngayong nandito na sila sa mansiyon ng mga McDonough. "Radcliffe, it's okay. Really. Hindi mo naman kasalanan kung sikat ka."

Kanina, nasa TriNoma si Bee dahil nag-cover siya ng mall tour ng mga sikat na tween star na isusulat niya para sa article niya sa online website ng Baby Pink. Saktong tapos na niyang interview-hin ang mga bata nang tawagan siya ni Radcliffe. Sinabi nitong huwag na siyang umalis do'n at ito na lang ang pupunta sa kanya.

Manonood sana ng The Fault In Our Stars sina Bee at Radcliffe pero naglalakad pa lang sila papuntang cinema ay pinagkaguluhan na ng mga tao si Radcliffe – na nakilala pa rin kahit naka-hoodie at shades na – lalo na ng mga kabataan. Ginawa pa nga siyang photographer ng isang dalagita, pero hindi iyon nagustuhan ni Radcliffe.

Kinuha ni Radcliffe ang camera mula kay Bee. "You don't have to do this, baby. Hindi ka alalay ng mga batang 'yan."

Napakurap-kurap si Bee, nagulat dahil ngayon lang niya nakitang iritado si Radcliffe. "Hey, okay lang naman."

"For me, it's not," giit ni Radcliffe, saka binalik ang camera sa dalagita na halatang natakot sa binata. Pero nakangiti na si Radcliffe nang muling magsalita. "Mag-selfie na lang tayo."

Impit na tumili ang dalagita, at nakitili na rin ang lahat ng nakapalibot kay Radcliffe. Napangiti si Bee. Hindi nga yata marunong magalit si Radcliffe. Hayun nga at all-smiles na ito habang nakikipag-selfie sa mga fans.

Hahakbang sana paatras si Bee para magbigay-daan sa gusto pang maki-selfie, pero hinawakan ni Radcliffe ang pupulsuhan niya at hinila siya palapit dito. At sa kanyang pagkagulat, sa harap ng mga tao, at sa harap ng mga camera sa paligid, hinalikan siya nito sa mga labi na ikinatili ng "audience" nila. 'Yong iba ay napaungol naman at napaiyak.

Then Radcliffe whispered in her ear. "Let's run, baby."

Hand-by-hand, Bee and Radcliffe ran as fast as they can away from the meddling fans, laughing. That was one of their best dates.

Umupo si Bee sa couch at binuksan ang laptop niya na lagi niyang dala, samantalang nagpaalam naman si Radcliffe na may kukunin sa kuwarto nito. Pag-log in pa lang niya sa kanyang Twitter account ay bumulaga na sa kanya ang mga picture nila ni Radcliffe nang halikan siya ng binata. Naka-mention si Radcliffe sa mga pictures at dahil follower siya ni Radcliffe sa Twitter, nag-a-appear din iyon sa account niya.

"Radcliffe, nag-te-trend ka sa Twitter!"

"Talaga? Ano'ng hashtag?" naaaliw na tanong ni Radcliffe habang pababa ng hagdan.

"Hashtag Radcliffe's girlfriend," natatawang sagot ni Bee. Nang mag-browse siya sa kanyang notification ay nakita niyang nag-tweet sa kanya sina Jolly, Puma at Miss Tan. Naka-retweet ang litrato nila ni Radcliffe at halos pare-pareho ang tanong ng tatlo: What is the meaning of this? Napapalataktak siya. "I think I'm in trouble with my bosses."

Umupo sa tabi niya si Radcliffe, may pag-aalala sa mukha. "You are?"

Nagkibit-balikat si Bee. "Unethical na i-date ng interviewer ang interviewee niya. Pero tapos naman na ang interview natin so I guess, malulusutan ko naman 'yon."

"You sure? Puwede naman akong humarap sa mga boss mo at ako ang magpaliwanag," alok ni Radcliffe.

"Ano naman ang sasabihin mo sa kanila?"

Ngumiti ng pilyo si Radcliffe. "Na pananagutan mo naman ako."

Natawa si Bee, saka hinampas sa balikat si Radcliffe. "Ang yabang ng mama!"

Blow Me A Kiss, Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon