17th Chapter

3.1K 91 1
                                    

TATLONG araw. Tatlong araw nang hindi sinasagot ni Radcliffe ang mga tawag ni Bee. Gano'n katagal na ring hindi nagpapakita ang binata sa kanya. Alam niya, ramdam niya, may maling nangyayari.

"Damn," inis na bulong ni Bee sa sarili nang out of coverage na ang phone ni Radcliffe.

Sigurado si Bee na may kinalaman si Barbie sa pag-iwas ni Radclife sa kanya. Sigurado siyang sinabi ng babaeng 'yon kay Radcliffe ang maling pagkakaintindi nito sa nakitang eksena sa pagitan nila ni Ryford.

Hindi na nakatiis si Bee kaya kahit deadline ng article niya ay nag-half-day siya sa opisina, at sinabi na lang na masama ang pakiramdam niya. Hindi naman gano'n kahirap makumbinsi si Miss Tan lalo na't alam niya sa sarili na mukha siyang zombie. Simula kasi nang hindi sagutin ni Radcliffe ang mga tawag, text at email niya, hindi na siya nakatulog at nakakain ng maayos.

Tinawagan ni Bee si Jolly at inalam mula sa kaibigan ang schedule ng Rai's para sa araw na iyon. Sigurado siyang alam iyon ng best friend niya dahil dakilang stalker ito ni Rydell. At hindi naman siya nabigo.

Nag-taxi siya papunta sa university na ginagamit na location site para sa music video ng Rai's. Ayon kay Jolly, do'n pa rin daw sa auditorium hall ang location para sa huling shoot,

Pagdating ni Bee sa auditorium hall ay naabutan niya ang Rai's na kumakanta ng sabay-sabay sa stage. Pero nanatiling na kay Radcliffe lang ang atensiyon niya.

Hindi alam ni Bee kung matutuwa o malulungkot na makitang mukhang maayos at masaya naman si Radcliffe. Siyempre, gusto niyang parating nasa maayos na kalagayan ang binata. But it made her sad knowing that it was only her who felt miserable for the last three days of non-communication between them.

Lumundag ang puso ni Bee nang mahuli niya ang tingin ni Radcliffe. Napansin niyang nawala ang ngiti ng binata, pero hindi naman nito inalis ang tingin sa kanya.

Hindi nakahinga si Bee. Galit si Radcliffe. Ramdam niya iyon.

Blow me a kiss, baby. Please. Katulad ng madalas mong gawin pagkatapos mong kumanta.

Dahil iyon na lang ang natitirang pag-asa ni Bee para malaman kung may pag-asa pang magkaayos sila ni Radcliffe. Nakakatawa na noon ay binabale-wala lang niya ang flying kiss ni Radcliffe, pero ngayon ay nalaman niya kung gaano iyon ka-importante.

Him blowing her kisses was a sign of his love.

Pero natapos ang kanta nang hindi siya binibigyan ni Radcliffe ng flying kiss. Sa halip ay bumaba lang ito ng stage at dumeretso sa bleacher para kumuha ng face towel at bottled water.

Naglakas-loob na si Bee na lapitan si Radcliffe, kahit ramdam niyang hindi welcome sa binata ang kanyang presensiya at kahit pa ramdam niyang nadudurog na ang puso niya. "Radcliffe, puwede ba tayong mag-usap?"

Sinulyapan siya ni Radcliffe. "What's up? Naging busy ka ba? Hindi mo na kasi na-a-update ang "Radcliffe's Nightmare" blog mo."

Nanlamig ang buong katawan ni Bee. Alam na ni Radcliffe ang tungkol sa walang kuwentang blog na ginawa niya noong panahong ang kitid-kitid ng utak niya? "Paano..."

Ngumiti ng mapait si Radcliffe. "I thought nagkita kayo ni Barbie sa hotel na tinutuluyan ni Ryford. Bakit nagulat ka pa na sinabi na rin niya sa'kin tungkol sa blog mo na 'yon?"

Pakiramdam ni Bee ay may kung anong nabuhol sa kanyang sikmura. Kung gano'n pala, nagkatotoo ang kinatatakutan niya. Sinabi nga ni Barbie kay Radcliffe na nakita siya nito at si Ryford sa hotel.

Nakadagdag pa sa sama ng pakiramdam niya ang alaala noong bumisita si Barbie sa opisina ng Baby Pink para dalawin ang mommy nito. Nasa CR siya no'n at pagbalik niya, nakita niya si Barbie na nakatingin sa laptop niya. Nakabukas do'n ang tab ng Facebook at blog niya. Marahil ay nakita ni Barbie ang Radcliffe's Nightmare website pero nanahimik na lang.

At ngayon pa naisipan ni Barbie na ilabas ang sekreto niyang aksidente nitong natuklasan.

"Ano bang sinabi sa'yo ni Barbie?" tanong ni Bee, nagpipigil na lang umiyak.

Humugot ng malalim na hininga si Radcliffe, tila ba hirap na hirap itong makaharap siya. "Kung anong nakita niya. Kayo ni Ryford... sa hotel."

"Radcliffe, hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Barbie. Wala kaming ginagawang masama ni Ryford –"

"But it's you, right? Ikaw 'yong nakita ni Barbie na kasama ni Ryford."

Masakit man, napilitang tumango si Bee.

Dumaan ang sakit sa mga mata ni Radcliffe na itinago nito sa pagngisi. "That alone is enough to break my trust, Bee."

"Radcliffe –"

"You lied to me, Bee," paghihinanakit ni Radcliffe. "That night, you told me you were going home because you still have to work. Hindi ako kumbinsido, pero pinili kong paniwalaan ka dahil may tiwala ako sa'yo. But in the end, you cheated on me by meeting Ryford in secret. Kung wala kang masamang intensiyon sa pagpunta mo sa kanya, bakit kailangan mo pang magsinungaling sa'kin?"

Nasaktan si Bee dahil sa pait ng mga sumbat ni Radcliffe. Pero naiintindihan niya ang galit nito. Kasalanan din naman niya dahil ang tanga-tanga niya. Nagsinungaling siya sa binata para kay Ryford. Radcliffe was right. She cheated on him.

"Wait, I forgot something," sabi ni Radcliffe, malamig ang boses at mga mata. Pagkatapos ay tumawa ito ng pagak. "How you can you even cheat on me when in the first place, we're not even in a relationship?"

Doon na hindi nakatiis si Bee na manahimik at tanggapin na lang ang galit ni Radcliffe. "What do you mean, Radcliffe?"

"You only dated me because you wanted to know what happened to Ryford," mapait na sagot ni Radcliffe. "At ngayong nagkita na uli kayo, tapos na rin ang kung ano mang inaakala kong meron tayo, 'di ba?"

"Hindi totoo 'yan," mariing kaila ni Bee. "Hindi totoong nakipag-date ako sa'yo para lang malaman ko kung anong nangyari kay Ryford."

"How convenient," sarkastikong sabi ni Radcliffe. "Na kung kailan sinabi ko sa'yo kung ano'ng nangyari kay Ryford, saka ako sinabihan ni Barbie na nakita niya kayong magkasama."

Aminado naman si Bee na may kasalanan siya, pero may karapatan pa rin naman siyang masaktan. "Mas pinaniniwalaan mo ba si Barbie kaysa sa'kin? Won't you even give me a chance to explain, Radcliffe?"

Bumuntong-hininga si Radcliffe, saka umiling-iling. "This is pointless, Bee. Nakuha mo na ang gusto mo sa'kin. Now, do me a favor and leave. I don't want to see you again."

Nilagpasan ni Radcliffe si Bee at hindi na muling nilingon.

Blow Me A Kiss, Baby (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora