11th Chapter

3.3K 94 0
                                    

GUSTO nang lumubog sa kahihiyan ni Bee nang isa-isahin na ni Radcliffe ang mga bagay na napansin nito sa kanya sa lumipas na isang linggo. Ang karamihan kasi sa mga iyon ay mga habit at ugali niya na siya mismo ay ikinakahiya.

Katulad ng pagiging suplada at mataray niya kapag hindi niya "vibes" ang isang tao.

"Just like how you were to me before. Nakakatakot ka," natatawang dagdag pa ni Radcliffe.

"Defense mechanism ko 'yon, 'no," umiirap na katwiran ni Bee. "Maraming masasamang loob sa mundo ngayon. Dapat hindi ka mukhang weak para hindi ka maapi."

Ngumiti lang si Radcliffe. Sunod nitong pinansin ang pagpo-procrastinate niya madalas sa trabaho, at pagka-cram kapag malapit na ang deadline ng mga article niya dahil madalas, kay Radcliffe siya nagra-rant kapag napapagalitan siya ng editor.

At madalas din, tinatawanan lang ni Radcliffe si Bee, at sasabihing tapusin muna ang trabaho niya, bago sila mag-usap. Maiinis siya siyempre. Pagkatapos, susulpot na lang sa opisina niya si Radcliffe na may dalang bouquet of fries. Siyempre, magbabati na sila. Pero uulit lang 'yon.

"It is my job to surf the internet and to look for hot new faces! Ano pa ba ang mas mabilis na paraan kaysa sa social media?" katwiran ni Bee nang sitahin siya ni Radcliffe kung bakit naka-on line siya sa Facebook kahit oras ng trabaho. "Hindi ko kasalanan kung maaliw man ako sa kakapanood sa YouTube ng mga internet sensation. O kung matagalan man ako sa pakikipag-chat sa mga potential cover boys ng Baby Pink para i-convince sila na magmodelo para sa'min."

"Baby, time management exists for a reason, you know," nakangiting sabi ni Radcliffe.

At naiinis na nag-concede sa argumento na iyon si Bee. "Fine. Hindi na ko magpo-procrastinate. Hindi na rin kita tatawagan para hindi na kita naiistorbo."

Nawala ang ngiti ni Radcliffe, at naging seryoso ito habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. "Hey, I didn't mean it that way. Please call me whenever you want."

Nagpakipot pa rin si Bee ng konti. "Kahit umaga? Kahit hindi ka pa nagkakape? Hindi mo na ko sasabihang i-hang up ang tawag or else, you'll kill me?"

Napasimangot si Radcliffe na halatang ayaw na iyong maalala. He kissed the tip of her nose. "Your voice is my new caffeine now, baby. It won't happen again."

Tinago ni Bee ang pagngiti sa pamamagitan ng pagsubo ng spoonful ng chocolate ice cream na kanina pa niya nilalantakan. Halos maubos na nga niya ang isang galon.

Bago nagpunta si Radcliffe kanina sa bahay ni Jolly ay inutusan niya itong bumili ng ice cream para sana pagsaluhan nila. Pero siya na ang halos umubos niyon dahil isang baso lang ang kinakain ng binata.

Napansin ni Bee na nakangiti lang si Radcliffe habang nakatingin sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Mukha kasing tama ang sinulat ko sa listahan ko."

"Ano naman 'yon?"

Naging pilyo ang ngiti ni Radcliffe, saka dumukwang sa kanya at bumulong pa na akala mo naman may ibang tao sa sala. "Nagke-crave ka sa matatamis na food kapag may period ka."

Nag-init ang mga pisngi ni Bee dahil na-bull's eye ni Radcliffe ang dalawang bagay tungkol sa kanya. "P-pa'no mo nalamang may period ako ngayon?"

"Sinamahan kita sa convenience store no'ng isang araw, 'di ba? Napansin ko lang na bumili ka ng... you-know-what," tila nahihiyang sagot ni Radcliffe. Naging pink pa ang mga pisngi nito. And ah, he looked so adorable blushing like a shy boy which he wasn't.

Lalong nag-init ang mga pisngi ni Bee. "Paano mo naman nalaman na nagke-crave ako sa matamis, bukod sa pinabili kita ng ice cream ngayong gabi?"

"Kapag kumakain kasi tayo sa Jollibee nitong mga huling araw, panay sundae at creamy shake lang ang in-o-order mo. Pagkatapos kapag sinusundo naman kita sa opisina, napapansin kong parati kang may Toblerone sa table mo," paliwanag ni Radcliffe.

Blow Me A Kiss, Baby (Completed)Where stories live. Discover now