12th Chapter

3.1K 85 0
                                    

NANG magising si Radcliffe, kinompronta agad ito ni Bee tungkol sa tawag ni Rykard. Pinutol kasi agad ni Rykard ang tawag nang marinig ang boses niya.

Halatang nawala ang antok ni Radcliffe, pagkatapos ay napaderetso ito ng upo. Mukhang hindi na nito kailangan ang itinimpla niyang kape para magising. "Bee..."

"Nasa Pilipinas lang si Ryford," kunot-noong sabi ni Bee. "Pero bakit pinalabas niyong nagpunta siyang Florida?"

Naalala ni Bee ang sinabi ni Puma no'ng nakaraan na parang nakita raw nito si Ryford. Tinawanan lang niya si Puma at sinabing baka nagkamali lang ito ng tingin dahil nasa Florida si Ryford. Pero ngayon, hindi na niya maisip na katawa-tawa ang ideyang iyon.

Bumuga ng hangin si Radcliffe, yumuko para ipatong ang mga braso sa mga binti, saka nag-angat ng tingin sa kanya. "I can't tell you, Bee."

Bumuntong-hininga si Bee, saka umupo sa tabi ni Radcliffe. Hinawakan niya ito sa braso. "Radcliffe, please. Sabihin mo na sa'kin kung anong nangyari kay Ryford. Nag-aalala na ko."

Matagal siyang tinitigan ni Radcliffe na tila ba nahihirapan ito sa sitwasyon. "Bee..."

"Please," pagmamakaawa ni Bee. Hindi siya mapakali, at talagang nag-aalala na siya kay Ryford dahil pakiramdam niya, malala ang sitwasyon.

Yumuko si Radcliffe. Akala niya ay hindi na ito magsasalita, kaya nagulat siya sa sunod nitong mga sinabi. "Nalulong sa droga si Ryford, Bee. That was the reason why he was kicked out of the band."

Kulang ang sabihing nagulat si Bee sa mga ipinagtapat ni Radcliffe. At kahit may sinasabi pa ang binata, wala na siyang naintindihan dahil naglakbay na ang isip niya sa nakaraan, sa unang araw na nag-usap sila ni Ryford.

"You, too?"

Nilingon ni Bee si Ryford McDonough na katabi niyang nakaupo sa waiting chair sa guidance office. Nagulat siya dahil iyon ang unang pagkakataon na kinausap siya nito sa isang buong taon na magkaklase sila.

Idagdag pa na campus heartthrob si Ryford. Lumipat ito sa eskuwelahan nila ngayong taon lang. Because of his American features, he stood out. Guwapo ito, matangkad, mestizo. Parang eksena sa romance novel na kinausap ng hottest boy on campus ang average girl na gaya niya.

Pinitik ni Ryford ang mga daliri sa harap niya. "Hey, are you listening?"

Napakurap-kurap si Bee. "I'm sorry. Ang guwapo mo kasi..."

Natutop ni Bee ang bibig, pero huli na para bawiin pa ang nasabi niya dahil pinagtawanan na siya ni Ryford.

"You're way too honest, Bee," aliw na aliw na sabi ni Ryford.

Napakurap uli si Bee. "You know my name?"

Binigyan siya ng kakaibang tingin ni Ryford. "Of course. You're the class president."

Napatango si Bee. "Ah, oo nga naman..."

Natawa lang uli si Ryford. "So, pinatawag ka rin ba dito sa guidance office dahil hindi mo pa napapasa 'yong college application form mo?"

Tumango si Bee. "Ikaw din?"

"Yep. Undecided pa ko. Pero alam ko naman kung ano ang gusto kong kurso. Ayaw lang akong payagan ng parents ko."

Napabuntong-hininga si Bee. "Pareho lang pala tayo."

Pumalataktak si Ryford. "I'm pretty sure na ang sasabihin lang naman sa'tin ng guidance counselor ay sundin natin kung ano ang gusto natin. As if it's that easy to do. Paano kung nagbanta ang parents mo na itakwil ka?"

Blow Me A Kiss, Baby (Completed)Where stories live. Discover now