7th Chapter

3.7K 104 0
                                    


MAAYOS na ang pakiramdam ni Bee nang magising kinaumagahan. Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Radcliffe.

Naawa siya sa posisyon ng binata. Nakaupo ito, at hawak pa rin ang pamaypay. Mag-uumaga na nang bumalik ang kuryente, at no'n lang siya nahimbing ng tulog at malamang, no'n lang din nakapagpahinga si Radcliffe. Ginigising niya kasi ito sa tuwing nilalamok at naiinitan siya.

Napabuntong-hininga si Bee. Alam niyang nagiging demanding siya kapag may sakit siya. But she didn't expect that Radcliffe would put up with her. Napakapasensiyoso nito at matiyaga pa. Parati pang nakangiti.

Ngayon lang may nag-alaga kay Bee bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Mabait sa kanya si Ryford, pero ni minsan ay hindi nagsakripisyo ang binata para sa kapakanan niya, at madalas ay nilalayasan lang siya nito kapag tinotopak siya.

Kahit kailan, hindi nag-stay si Ryford para alagaan siya kapag may sakit siya. Duda rin siya kung papayag ang binata na paypayan siya buong magdamag. Lalong hindi niya nakikita na ipagluluto siya nito.

Alam ni Bee na espesyal si Ryford sa kanya, pero kapag tinatanong siya ng mga kaibigan niya kung mahal niya si Ryford, hindi siya sigurado sa sagot niya. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit.

No'ng umpisa pa lang, tinanggap na ni Bee na kahit malapit sa puso niya si Ryford, alam niyang hindi ito ang lalaki na gusto niyang mahalin dahil hindi niya nakikita at nararamdamang kaya rin siya nitong mahalin. At nakakatawa man isipin, pero dahil sa pagka-idol niya kay Ryford, naisip niyang hindi bagay ang isang hamak na fan lang na tulad niya para maging girlfriend nito, kaya nakuntento na rin siya sa pagiging magkaibigan nila.

Mula noon hanggang ngayon, matinding paghanga lang ang nararamdaman niya para kay Ryford. Dahil si Ryford ang unang hero at idol niya, ayaw niya na magbago ang posisyon nito sa buhay niya. She was afraid that if she got a little closer to him, she would find out that he was a different person from what she thought he was. Kaya nakuntento na siya sa kung anong meron sila. Sa pagkakaibigan nilang may distansiya sa pagitan.

She would always be a fan, and Ryford would always be her idol.

Pero ano naman ang nararamdaman niya para kay Radcliffe?

Inis na inis si Bee kay Radcliffe noong una dahil ito ang sinisisi niya sa pagkawala ni Ryford sa Rai's. Pero nang makilala na niya si Radcliffe, mabilis na nagbago ang damdamin niya. Hindi naman mahirap magustuhan si Radcliffe dahil mabait ito at malambing pa.

Ang tanong lang, gaano na ba kagusto ni Bee si Radcliffe? Platonic pa ba 'yon? O may kaunti nang malisya?

"How much longer should I pretend to be asleep?"

Napangiti si Bee nang gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi ni Radcliffe kahit nanatili itong nakapikit. "Gaano katagal mo na kong pinagti-trip-an?"

Nagmulat na si Radcliffe. Tumutok agad sa mukha niya ang kumikislap nitong mga mata. "Hindi kita pinagti-trip-an, Bee. I just love it when you look at me thinking that I don't notice."

Hindi napigilan ni Bee ang sarili na haplusin ang pisngi ni Radcliffe, at marahang iparaan ang daliri sa ilalim ng mata ng binata. "Ang lalim ng eyebags mo. Sorry kung pinahirapan kita kagabi. At thank you sa pagbabantay sa'kin."

Hinawakan ni Radcliffe ang kamay niya, at hinalikan ang palad niya. "Hindi mo kailangan mag-sorry at mag-thank you. Gusto ko namang inaalagaan ka."

At gusto rin ni Bee na magpaalaga. Ngayon lang siya nakaramdam ng gano'n ka-espesyal na pagtrato mula sa lalaking madalas ay tinatarayan pa niya.

Bee was a fangirl – Ryford's fangirl to be exact. Niluklok niya sa pedestal ang idolo niya, na normal lang sa mga tagahanga na tulad niya. Misyon nila ang iparamdam sa iniidolo nila na ito ang pinaka-espesyal na tao sa buong mundo.

Blow Me A Kiss, Baby (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant