4th Chapter

3.4K 121 4
                                    

"HINDI ko nagustuhan ang ginawa mo kay Radcliffe kanina," sermon ni Jolly kay Bee pagpasok pa lang niya ng bahay.

Nagpaawa ng mukha si Bee sa best friend niya. "I know. Pinagsisisihan ko na 'yon, Jolly."

Akmang may sasabihin pa si Jolly, pero nang mapatitig ito sa mukha niya ay nanlaki ang mga mata nito. Lumapit ito sa kanya at kinulong ang mukha niya sa mga kamay nito. "You cried, Bee? Magang-maga ang eyes mo!"

Tumango si Bee. "Nag-usap na kami ni Radcliffe. Nasabi ko na sa kanya lahat ng hinanakit ko. At nakapag-sorry na rin ako sa kanya."

Inakay siya ni Jolly paupo ng sofa. "Best friend..."

Yumakap si Bee kay Jolly para maglambing. "I know, naging unfair ako kay Radcliffe. Natakot lang naman ako na baka mawala na ang lahat kay Ryford pagbalik niya. Ang banda, ang mga kapatid niya..."

Bumuntong-hininga si Jolly, saka marahang sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri nito. "Bee, mahal mo ba si Ryford?"

"Hindi ko alam," matapat na sagot ni Bee. "Pero ang alam ko, siya ang hero ko. Siya 'yong taong nag-convince sa'kin na ituloy ang pangarap kong maging reporter, kaysa sumunod sa yapak ng parents ko na parehong doktor. Kung hindi dahil sa kanya, baka naging miserable na ang buhay ko, at malamang, hindi rin ako masaya ngayon."

"I understand, best friend," malumanay na sabi ni Jolly. "Alam ko rin na magkaibigan kayo ni Ryford. Sa kanya na umikot ang mundo mo simula noong high school tayo, kaya nang nawala siya, para kang batang naligaw. Pero Bee, baka may reason kung bakit nangyari 'to. Baka kailangan mo nang matutunang mabuhay nang hindi nakadepende kay Ryford."

Akala ni Bee noon, walang masama kung umikot man ang mundo niya kay Ryford. Malaki ang tiwala niya sa binata dahil ito ang tumulak sa kanya na gawin ang pinakamalaki at pinakatamang desisyon na nagawa niya sa buhay niya. Dahil do'n, inisip na niyang kailangan niyang ikunsulta ang lahat ng gagawin niyang desisyon kay Ryford, dahil naniniwala siyang mas alam nito kung ano ang makakabuti para sa kanya.

And when Ryford suddenly disappeared, she got lost.

Tama nga siguro si Jolly. Kailangan nang matuto ni Bee na magtiwala sa kanyang sarili, lalo ngayong wala na si Ryford para umalalay sa kanya.


***

KANINANG umaga pa masama ang pakiramdam ni Bee. Pero sumama pa rin siya sa photoshoot ni Radcliffe dahil gusto niyang humingi ng paumanhin kina Rykard at Rydell. Tiyak naman kasi na sasamahan ng dalawa ang pinsan ng mga ito.

At hindi nga nagkamali si Bee. Mayamaya lang ay dumating sa set si Jolly, nakalambitin sa braso nina Rykard at Rydell. Pagkatapos ma-i-"deliver" ni Jolly ang McDonough Brothers sa kanya, umalis na ang best friend niya.

"Don't you dare cry on us," banta ni Rykard nang tingnan niya ito gamit ang puppy dog eyes niya. "Magwo-walk out ako."

"I'm sorry," sinserong paghingi ng tawad ni Bee.

Ngumit si Rydell, at tinapik-tapik ang kanyang ulo. "It's okay, Bee. Naipaliwanag na sa'min ni Radcliffe ang lahat."

Namaywang si Rykard, saka bumuga ng hangin. "Seriously? No one can ever take our brother's place, Bee. Hindi si Radcliffe, hindi kahit sino."

Tumango si Bee, nagpapaawa pa rin ng mukha. "Kaya nga po sorry na."

Bumuga ng hangin si Rykard. "Basta ba naliwanagan ka na."

Nagpalipat-lipat ng tingin si Bee kina Rykard at Rydell. "Pero Rykard, Rydell. Hindi niyo ba talaga puwedeng sabihin sa'kin kung ano'ng nangyari kay Ryford? Wala ba kayong tiwala sa'kin?"

"Hindi sa gano'n, Bee," kontra ni Rydell. "It's just that, it's a family matter. Pero babalik din si Ryford, that we promise you."

Walang nagawa si Bee kundi ang tumango. Naiintindihan naman niya kung confidential ang pag-alis ni Ryford sa Rai's. Maghihintay na lang siya sa pagbabalik ng kaibigan. "Okay."

"Bee, okay na ang baby mo!" excited na sigaw ni Jolly mayamaya.

Nilingon ni Bee si Jolly para sana pagalitan ito, pero natigilan siya nang makita kung sino ang kasama ng kaibigan – si Radcliffe.

Natulala si Bee sa kaguwapuhan ni Radcliffe. He wore a red shirt under a black leather jacket, fitted pants, and ankle boots. Spiky din ang buhok nito na bumagay dito, lalo itong nagmukhang rock star.

Ngumiti si Radcliffe nang makita si Bee. "Hi, baby!"

Nag-init ang mukha ni Bee at alam niyang hindi lang iyon dahil sa hindi talaga normal ang temperatura niya. Nakaramdam siya ng hiya lalo't tinukso sila ng mga nakarinig kay Radcliffe. Ang nakakapagtaka lang, hindi na siya naiinis ngayon.

Lumapit si Radcliffe kay Bee. "Do I look good, Bee?"

Humalukipkip si Bee. Magaang na ang loob niya kay Radcliffe matapos nilang makapag-usap ng maayos, pero mas komportable pa rin siyang tinataray-tarayan ang lalaki. "Wala namang masyadong nagbago, pero puwede na rin."

"Puwede na? Seriously, Bee? He looks hot kaya!"

Nagulat si Bee nang marinig ang matinis na boses na iyon. Nalingunan niya ang kapapasok lang ng studio na si Barbie. At gaya ng pangalan nito, mukha talagang barbie doll ang dalaga. She was blonde, tall, voluptuous, and very beautiful. Para talaga itong manyika sa suot na malaking pink ribbon sa ulo, at pink tube top and pink tutu skirt na ipinares sa pink stilletos.

Naglakad si Barbie palapit kina Bee, pero kay Radcliffe lang nakatingin ang dalaga. At hindi nito itinago ang paghanga sa mga mata.

"Radcliffe McDonald," nakangiting sabi ni Barbie nang makalapit kay Radcliffe, pagkatapos ay nilahad ang kamay sa binata. "I'm Barbie Mendiola. Ako 'yong madalas tumatawag sa'yo to convince you to become our magazine's new cover boy. I'm glad you finally gave in."

Tumaas ang kilay ni Bee. Kung gano'n pala, simula nang dumating sa Pilipinas si Radcliffe ay nakakausap na ni Barbie ang binata.

Nakangiting tinanggap ni Radcliffe ang pakikipagkamay ni Barbie. "Finally, Barbie. I thought you're never gonna show yourself to me."

Barbie's smile became seductive. Imbis na bitawan ang kamay ni Radclifee ay lalo lang nitong nilapit ang sarili sa binata. "I just wanna keep you guessing on how I look in person. It seems like I didn't disappoint you."

Naikuyom ni Bee ang mga kamay sa labis na iritasyon. Kung makapanglandi si Barbie, akala mo ay hindi ito disi-otso anyos lang! At itong si Radcliffe naman, masyadong mapagpatol!

"You remind me of Princess Bubblegum from Adventure Time," nakangiting sabi ni Radcliffe, walang bahid ng sarkasmo o pang-iinsulto. "Para kang nagko-cosplay. Cool!"

Bigla-bigla ay nawala ang inis ni Bee. Pinigilan niya ang matawa ng malakas, gaya ng lahat ng nakarinig sa sinabi ni Radcliffe.

Halatang nainsulto si Barbie sa off-hand comment ni Radcliffe, pero nang makabawi ay ngumisi ito. "I like hard-to-get guys, Radcliffe."

At ikinagulat ng lahat ang sunod na nangyari – hinalikan ni Barbie sa mga labi si Radcliffe!

Blow Me A Kiss, Baby (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum