CHAPTER 3

853 29 6
                                    

Days passed and I decided to continue my charity event and I chose this place, parte parin ito ng Heaven City ngunit hindi na sila napapansin ng gobyerno dahil sa kanilang kahirapan, nandito ako ngayon kasama si Rheanne upang tulungan ako sa pamimigay ng mga foods na pwede nilang kainin sa new year. Buti nga dumating ng maaga ang isang truck na ipinahanda ko nung nasa maynila pa ako.

Kinuha ko ang huling pack at ibinigay sa batang abot tenga na ang ngiti ngayon, masaya ako dahil nakatulong na naman ako.

"Thank you po! Para po kayong Anghel na ipinadala ni God!" napangiti ako, kinuha ko ang wallet ko at ibinigay sa kanya ang isang libo, tutal ito nalang ang natitirang cash na dala ko.

"Mag pakabait ka at mag aral ng mabuti"

"Opo!"

Nakangiti lang ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, ilang minuto nalang ay magaganap na ang pangalawang aktibidad na inihanda ko para sa kanila, simpleng Christmas party na handong namin ni Rheanne.

"Nakakapagod bess pero worth it naman" pinag papawisan na saad ni Rheanne"Nasaan na si pogi Julliane?"

"May inasikaso daw siya saglit" saad ko habang inihahanda ang mga prizes para sa mga mananalo sa laro."Ano simulan na natin?" tumango lang siya at sinimulan na nga namin ang pag papalaro.

Basagan ng banga na siyang ikina saya ng mga bata dahil kapag mababasag ito ay marami silang mapupulot na candy.

"Kaliwa! Kaliwa!" sigaw nila na tila ba ay gustong gusto nila na manalo ang kalahok.

Nasa kalagitnaan kami ng pag sasaya nang may humintong sasakyan sa tapat namin, natahimik ang lahat at napatingin sa kararating lang. Napataas ang isang kilay ko ng may bumabang isang lalakeng naka sunglasses pa, he walk straight to me as he remove his glasses with a grin in his face.

"It seems like you all are having a party, nag kakasiyahan kayo, hindi ba ako pwedeng makisali" may accent na saad niya, I know he is from states, siya nga ang anak ng mayor, ang unang target ko.

"Oo pwede naman" simpleng sabi ko ng may kasamang matamis na ngiti.

"Huwag na, mukhang ayaw nila sa akin" napatingin ako sa mga taong naririto, lahat sila ay tila ba takot sa lalakeng ito.

"Ipagpatuloy niyo lang yan, kakausapin ko lang ang lalakeng ito" sabi ko, pinanlakihan ko pa ng mata si Rheanne para huwag ng mag tanong pa."Let's go there" tinungo namin ang tent, ipinagtimpla ko rin siya ng mainit na kape para naman may mainom siya habang nag uusap kami.

"I still have not introduce my self" sabi niya nang maiabot ko sa kanya ang kape "My name is Ashton Alcantara but you can just call me Ash, you?" inilahad niya ang kanyang kamay at syempre sa halip na tanggihan ko ito ay tinanggap ko nalang.

"Karen Rea Villanez, nice to meet you" bumitaw narin ako at hinayaan siyang ilibot ang paningin niya sa loob ng tent.

"So nakagawian mo na ang ganito? Charity event or such?" tumango ako, sa totoo lang, inoobserbahan ko ang bawat galaw niya, he looks so innocent at katulad rin siya ng pinsan niya, pero kahit na! Hindi dapat ako mag titiwala sa isang katulad niya, isa rin siya sa demonyong naninirahan dito."Me too, when I was in states, marami narin akong natutulungan, every month akong nag papadala dito para sa donations at maganda naman ang naidulot nun" kung totoo nga ang sinasabi niya, napaka plastic niya naman! Alcantara nga talaga.

"Bakit ka ba nandito? Paano mo nalaman ang tungkol sa ginagawa naming event?" ang tanga ko naman para tanungin iyon, malamang siya ang anak ng mayor kaya lahat ay nalalaman niya

Her Sweetest RevengeOnde histórias criam vida. Descubra agora