Part 32

6.4K 225 26
                                    

Napasinghap ang mga tao sa paligid nila. Ang lolo Ambo niya ay narinig niyang napaubo ilang pulgada ang layo mula sa kanila. Si Reira ay natulala at nabingi sa bilis ng tibok ng puso niya. May sumilay na ngiti sa mga labi ni Simon Ker at hinaplos ng hinlalaki ang gilid ng leeg niya. "You are sentimental and romantic. You love Christmas more than some kids do. Sa totoo lang ay hindi ko inakala na makakasundo ko ang isang tao na may personalidad na katulad ng sa iyo. Siguro dahil ikaw ang unang nakilala ko na ganoon. Pero siguro dahil din sa personalidad mong iyan kaya nagkasundo tayo.

"I built a huge wall to separate myself to others. Masyado na akong nadala sa nangyari sa kabataan ko at ayokong maulit iyon kaya hindi ko hinayaang mapalapit ako sa iba. Kapag naging mapilit silang sirain ang pader na ginawa ko ay nagagalit ako at lumalayo sa kanila. Pero ikaw... madali mong natibag ang depensa ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko kayang malayo sa iyo. Dahil ikaw lang ang babaeng nakilala ko na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa buhay ko. You made me do things I don't usually do. You made me believe in things I used to be cynical about. Katulad ng pamahiin sa simbang gabi at mga kahilingang natutupad. And you know what, I did it just as you told me to. Kinumpleto ko ang simbang gabi at taimtim akong nag-wish. Dahil paulit-ulit na nag-e-echo ang boses mo sa isip ko."

"Simon Ker..." nausal ni Reira. Hindi na siya nakatiis. Masyadong nabagbag ang damdamin niya na ang isang tulad nito na mataas ang pride ay inamin sa kaniya ang mga iyon. At sa harap pa ng maraming tao. Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang magkabilang pisngi nito at masuyong ngumiti. "Wala akong balak layuan at iwan ka. Dahil naniniwala talaga ako na ikaw ang sagot sa wish ko ngayong pasko. Kasi konektado tayo ng maraming coincidences. Una ay naging regular customer ka namin sa restaurant. Pagkatapos ay pinag-blind date tayo ni Noemi. At ang huli ay first love ng lolo mo ang lola ko at bestfriend niya ang lolo ko. Alam mo ba ang kasabihan na kapag lampas dalawa na daw ang nangyaring coincidence ay hindi na coincidence ang tawag doon? Destiny na. Kaya naniniwala ako na destiny natin ang isa't-isa."

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Simon Ker. "Ano ba ang wish mo?"

Lumawak ang ngiti ni Reira. "Ang makilala ang lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako. Ikaw ang dumating sa aking regalo ngayong pasko bago ko pa man makumpleto ang simbang gabi. Siguro kasi December one pa lang nag-wi-wish na ako. Mahal kita Simon Ker. Iyon ang naging realization ko kagabi. Kaya nga bago pa man kita makita rito ay nagdesisyon na akong patawarin ka sa nangyari kahapon. Lalo na ngayon na nangako ka na hindi na iyon mauulit. Lalo na ngayong sinabi mo sa akin na mahal mo ako."

Napangiti na rin si Simon Ker na tila nakahinga ng maluwag. Pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit. Gumanti siya ng yakap at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. "I just want you to have a happy memory this Christmas," usal niya.

"I know," ganting bulong nito at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Noon ay wala akong magandang alaala ng pasko. Noon ay iniiwasan ko ang araw na iyon dahil puro masasakit na alaala ang dumadaan sa isip ko. Pero iba na ngayon. Ngayon at sa mga susunod pang mga taon, Christmas will always reminds me of you."

Napabuntong hininga si Reira. Halos perpekto na ang paskong iyon para sa kanilang dalawa. Kung hindi nga lamang nasa ospital si lolo Florence... Napaigtad siya nang maisip iyon at tiningala si Simon Ker. "Si lolo Florence pala, kamusta na?"

Napabuntong hininga ang binata at bahagyang lumungkot ang ngiti. "He will be okay."

"Mas magiging okay siya kung pupuntahan na natin siya sa ospital. Aba'y mga bata kayo, kanina pa nanonood ang mga tao sa inyo," biglang singit ni lolo Ambo.

Napatingin sila sa paligid at nakatingin nga ang mga tao sa kanila na mga nakangiti. Uminit ang mukha ni Reira pero nang mapatingin naman kay Simon Ker at makitang nakangiti ito ay napalis ang hiya niya. Lalo na nang umayos ng tayo ng binata at ginagap ang kanyang kamay. "Puntahan na natin si lolo Flor. Baka sakaling magkamalay na siya kapag ikaw ang bumisita sa kaniya. He loves you."

Ngumiti si Reira at tumango. Naglakad sila kasama si lolo Ambo patungo sa ospital. Nang makapasok sila roon ay nadama niyang humigpit ang hawak ni Simon Ker sa kanyang kamay. Gumanti siya ng pisil. Sa puso niyang humihiling siya na sana ay maging okay si lolo Florence. Tatlo yata silang hindi humihinga nang huminto sa tapat ng silid ng private room ng matanda bago iyon biglang bumukas at lumabas ang isang nurse na nagulat pang makita na nakatayo silang tatlo doon.

"Ah, nandito ka na pala," bulalas ng isang nurse kay Simon Ker. Pagkatapos ay malawak na ngumiti. "Gising na ang lolo mo. Nakakapagsalita na nga siya at normal na ang vital signs niya."

Namilog ang mga mata ni Reira at ganoon din ang binata. Ang kanyang lolo Ambo naman ay napaungol sa tuwa. Nanguna pa nga itong pumasok sa silid. Pumasok din ulit sa silid ang nurse na mukhang palabas sana para hanapin ang binata. Nagkatinginan sila ni Simon Ker at alam niya na kapwa sila nakahinga ng maluwag. Namasa ang mga mata ni Reira nang makitang namumula ang mga mata ng binata sa emosyon.

"See? Miracles happen, Simon Ker," garalgal ngunit masayang sabi niya rito.

Tumango-tango ito at humigpit na naman ang hawak sa kanyang kamay. "Alam ko na ngayon. You see, I've wished for two things. To have another chance with you and for lolo to be okay." Tinitigan siya nito. Pagkatapos ay mariin siyang hinalikan sa mga labi bago muling nagsalita. "Parehong natupad. Really, miracles happen. Pero ang pinaka-milagro para sa akin ay ang makilala ka Reira. Salamat at dumating ka sa buhay ko. From now on I'll never spend a Christmas that I won't be loving you," paos sa labis na emosyon na sabi ni Simon Ker.

Matamis siyang napangiti at gumanti ng bulong. "Ako rin."

Saka sila pumasok ng silid na magkahawak ang mga kamay. Sa kama ay bahagya nang nakataas ang ulunang bahagi ni lolo Florence at nakasandal ito roon, may malay na talaga. Sa kamay nito ay nakakipkip ang lumang papel na tila isang sulat. Nakabukas iyon at tila katatapos lamang basahin ng matanda. Lumingon ito sa kanila at maaliwalas na ngumiti. Kahit tila nanghihina pa rin dahil sa operasyon at mga gamot ay mababakas ang kapanatagan sa ekspresyon nito. Na para bang may mabigat itong dalahin na biglang napalis. May palagay si Reira na may kinalaman ang lumang sulat na hawak nito.

"It's going to be a happy Christmas, don't you think so?" usal nito sa mahina ngunit mainit na tinig.

Nagkatinginan sina Reira at Simon. Pagkatapos ay kapwa ngumiti at ibinalik ang tingin sa matanda. "Tama ka, lolo," sabay na sagot nila.

Kinagabihan ay dumating din ang mga magulang ni Reira upang bisitahin si lolo Florence. Doon na rin sila sa ospital nagpalipas ng Noche Buena. Hindi iyon ang inaasahan niyang paraan ng selebrasyon nila sa taong iyon subalit nagpapasalamat pa rin si Reira dahil hindi niya makakalimutan ang pasko na iyon.

Dahil sa paskong iyon ay maraming kahilingan ang natupad. Kasama na ang sa kaniya.

---WAKAS---




a/n: marami pong salamat sa mga nagbasa ng story na ito. sana nag enjoy kayo. Happy Holidays! I will be back in January with new stories. :)

A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story)Where stories live. Discover now