Part 17

3.1K 89 3
                                    

Pinakatitigan siya ni Simon Ker. "You're a sentimental person, aren't you?"

Napakurap si Reira. Nahihiya siyang ngumiti at nagkibit balikat. "Tama ka. Iniisip mo siguro ang corny ko no?" tanong niya.

Kumunot ang noo ng binata. "Bakit mo naman nasabing iniisip ko nga iyan tungkol sa iyo?"

Nagkibit balikat siya at medyo nahiya na nasabi pa niya iyon. "Well, iyon kasi ang palaging sinasabi sa akin ng mga taong nakikilala ko kapag napapansin nila na sentimental ako. I'm sorry, kalimutan mo ang sinabi ko."

Lalong naging mataman ang titig ni Simon Ker sa kaniya. "Sa tingin ko ay hindi mo kailangan ikahiya kung ano ka dahil lang sa sinasabi ng ibang tao. If they don't get you, then don't bother with them. I think being sentimental is a good thing. Ibig sabihin lang 'non may magaganda kang alaala sa nakaraan na masarap alalahanin para sa iyo. That you can always feel something about things other people doesn't even bother to think about."

Sa pagkakataong iyon ay si Reira naman ang napatitig sa binata. Napaawang pa nga ang kanyang mga labi sa pagkamangha. "Wow. Hindi ko inakala na maririnig ko iyan mula sa iyo, Simon Ker."

Natigilan ang binata, naging defensive ang ekspresyon sa mukha. "At bakit?"

"Kasi mukhang ikaw ang tipo na hindi kaya mag-tolerate ng sentimentality. Ni ayaw mo nga nagse-celebrate ng pasko hindi ba?"

Nag-iwas ng tingin si Simon Ker at namulsa. "It's not that I cannot tolerate sentimentality. Hindi lang katulad mo ay hindi ako lumaking ganoon. I don't have happy memories to remember."

Tila may kumurot sa puso ni Reira sa ekspresyon sa mukha ng binata at sa sinabi nito. Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti at pinasigla ang tinig nang muli siyang magsalita. "Gagawan natin iyan ng solusyon. Gagawa tayo ng magandang alaala ngayong taon para next year at sa susunod pang mga taon, kapag December ay may happy memories ka nang maaalala."

Muling napatingin sa kaniya si Simon Ker at umangat ang mga kilay. Pero nakita niyang lumambot ang ekspresyon sa mga mata nito at umangat ang gilid ng mga labi sa amusement. "And what is your idea of a happy memory? Paano natin gagawin iyon ngayon?"

Ngumiti si Reira at inilahad ang mga braso. "Itong ginagawa natin ngayon. We're making memories now, right? Hindi araw-araw na may maririnig kang kwento ng unang pag-ibig at lalong hindi araw-araw na parte ka sa paghahanap sa first love ng isang tao. Kapag nakita natin siya, hindi ba parang milagro? It's amazing to be part of making a miracle happen."

Humalukipkip si Simon Ker. "Sigurado ka talaga na makikita natin siya?"

"Oo naman. Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi kanina na kapag nasimulan mo na ay dapat mong tapusin. Kaya hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya nakikita," pinal na sagot ni Reira.

Bahagyang natawa ang binata at tuluyang umaliwalas ang mukha. "Very optimistic," komento pa nito.

Nahigit ni Reira ang hininga dahil may nagliparang mga paru-paro sa kanyang sikmura habang nakatitig sa mukha ni Simon Ker. Ganoon palagi ang nangyayari sa kaniya kapag ngumingiti ito.

Bago pa siya makaapuhap ng sasabihin ay may narinig na silang nagsalita mula sa kung saan. "Ano hong kailangan nila?"

Sabay silang napalingon ng binata sa pinanggalingan ng tinig. Mukhang galing sa loob ng simbahan ang matandang lalaki na nagsalita. Ang suot nito ay itim na slacks at puting polo shirt. Mukhang staff sa simbahan ang matanda na ngayon ay nagtataka pero palakaibigan naman ang tinging ipinupukol sa kanila.

"Magandang araw," bati ni lolo Florence sa matandang lalaki.

Si Reira at Simon Ker naman ay lumapit na rin at magalang na bumati ng magandang araw.

A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon